6. Extracurricular Moments

1.7K 96 43
                                    

Sasha

Wednesday na ng gabi nang naidaan sa akin ni Tara ang mga naiwan kong gamit sa kuwarto niya. Gabi na rin kasi nag-training pa sila para sa laban nila sa Thursday. Nakakahiya nga sa kanya kasi siya pa talaga ang nagdala sa akin ng mga gamit kong 'yon. Pero mas nahihiya kasi akong kunin ang mga ito sa bahay nila nang wala siya roon.

Kaya naman big day kay Tara ang Thursday, dahil nanalo ang volleyball team nila sa unang laban nila sa national cup. Babalik sila next week for another match. Sa ibang school naman ginanap ang game kaya 'di na kami nakapanood ni Lucy.

Mayroon na rin akong thesis topic na na-approved ni Ms. Jayne. Tapos um-attend ako ng org meeting namin for our Saturday's seminar event na may theme na "How to be Successful in your Chosen Career Path". Isa sa mga speakers namin ay si Ms. Jhen E., alumna ng university, na ngayon ay isa na sa pinakamahusay na film directors ng bansa. Bilang isang masipag na officer ng org namin, ako lang naman ang kumontak sa mga speakers, and I made sure na lahat sila ay makakapunta sa Sabado.

Friday naman ang big day ni Lucy for winning the intercollegiate quiz bee na ginanap sa campus. So nandoon kami ni Tara para suportahan siya. Friday na rin nang nakapag-submit ako ng article ko for our school paper. Pero 'di pa natatapos ang linggo ko sa araw na 'to. Kinakabahan ako kasi ako rin ang magho-host ng seminar event namin.

1pm ang start ng event. Bilang facilitators, 8am pa lang ay nasa venue na kami para ihanda ang lugar sa gaganaping seminar. Miyembro rin ng org si Lucy kaya kasama ko siya. Ito na sana ang big day ko nang biglang tumawag si Ms. Jhen E. telling me na 'di siya makakapunta sa seminar for some emergency reasons. WTF! Hindi 'to p'wedeng mangyari. Hindi p'wedeng mabawasan ang speakers namin.

"Lucy, anong gagawin natin ngayon? Ms. Jhen E. can't make it today."

"What? Bakit daw? Siya pa naman ang ipinunta ng maraming estudyante ngayon. Pano natin sasabihin sa kanila na 'di makakarating si Ms. Jhen E.? 'Di naman natin p'wedeng i-cancel 'tong event," paliwanag ni Lucy.

"I'm so dead." I checked my planner baka may makita akong ibang contacts nang biglang may pumatak na maliit na papel na nakasipit pala rito. Pagpulot ko sa maliit na card, napatitig ako kay Lucy. TING!

J.B. Tomlinson

Saturday is my rest day. Kaya naman Sunday naka-sched ang mga book signing events ko. I was not expecting a call from anybody. Until may unknown number na nagpa-ring ng phone ko. At first 'di ko nasagot ang call niya dahil tamad na tamad pa akong bumaba ng kama ko. Pero tumawag siya ulit nang hawak ko na ito.

"H-hello. H-hi! Good morning, Mr. J.B. Tomlinson. This is Sasha Suarez."

"Hello Sasha. Bakit napatawag ka?"

"Salamat at natanong mo. Hehe. A-actually, I need your help...."

"Ano 'yon?" Napatawa ako sa loob-loob ko. Kakailanganin din pala ako ng babaeng 'to.

"Hmmm. Busy ka ba today? Kasi naman ang isa sa speakers ng seminar namin ay 'di raw makakapunta today."

"Hmmm. So kailangan mo ng p'wedeng pumalit sa kanya, tama?" Alam ko na kung saan pupunta 'tong usapan namin pero gusto 'kong pahabain pa nang konti. "And you want to ask me kung may kilala akong p'wedeng pumalit sa kanya?"

"A-actually, shucks, how would I say it?"

"Say it." I'm enjoying this. 'Yung 'di niya agad masabi ang gusto niyang mangyari.

"Hmmmm. Our org is asking kung p'wede kang maging speaker namin later? Yes mamaya na, at 1pm. Alam ko, sobrang biglaan nito. Pero sana talaga p'wede ka. 30-45 minutes lang naman ang allotted time for each speakers. Tapos may konti lang Q&A. Please."

One Day He Wrote My Story (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon