7. A Sunday Like This

1.6K 96 35
                                    

Bryan

Mabagal ang usad ng trapiko sa aming nadaanang ruta patungong Eastwood City dahilan para magkaroon pa kami ni Sasha ng mas mahabang oras ng kuwentuhan at asaran. Natigilan siya nang sumimangot ako dahil sa tinawag niya akong Mr. Yabang. Lalo pa nang napabigla akong tawagin siyang Ms. Maganda. Hindi ito asar tulad ng Mr. Yabang bagkus ay isang dalisay na papuri na ako mismo ay nabigla rin dahil nasabi ko. 'Di agad siya nakapagsalita. Ngumiti na lang ako at hinintay ulit siyang asarin ako.

"Gusto mo lang sabihin ko na Mr. G'wapo ka 'no?" asar ulit ni Sasha na halata kong pinipilit pang ngumiti. Napansin ko rin ang bahagyang pamumula ng kanyang mukha.

"Bakit, hindi ba?" mabilis kong reply sa kanya. Tinawag na rin naman niya akong Mr. Yabang, papanindigan ko na.

"Grabe ka! Teka malayo pa ba tayo?" Now, she's changing the topic.

"Medyo traffic lang. Pero malapit na naman tayo. Hindi ka pa ba nakadaan dito sa way na 'to?"

"Ewan ko ba, 'pag pumupunta kasi ako ng Eastwood, 'pag hindi sina Lucy at Tara ang kasama ko, nagta-taxi na lang ako...."

Mga 10am na nang makarating kami sa pupuntahan naming bookstore sa Eastwood City. Marami nang tao sa bookstore at lahat ng Monobloc chairs sa bandang gitna ay may tao na. I talked to the organizers para linawin ang magiging flow ng simpleng event namin today. May maliit na parihabang mesa sa gitna ng bookstore na nakaharap sa hilera ng mga Monobloc chair. May mahabang panel board sa likod ng mahabang mesa kung saan may poster ng latest book ko. May ilang librong nakapatas sa mesa. Kasakasama ko si Sasha nang pumunta ako sa upuan sa gitna. Doon naman siya mauupo malapit sa dulo ng panel board. Inabot ko muna sa kanya ang canvas bag ko na may lamang mga libro at iba pang mga Evaporatus merchandise. Doon papasok ang pagka-PA niya sa akin. Tutulungan niya akong mag-abot ng prizes, ia-assist niya ako sa pagsa-sign ng books kasi magiging mahaba ang pila at maaaring may hindi mapirmahang libro. Kung puwede nga lang siya na rin ang pumirma sa ibang books, pero siyempre hindi puwede. Minsan magiging tagakuha rin siya ng mga retrato. Lahat naman ng ito ay naipaliwanag ko na sa kanya.

Sasha

Bigla ko na lang na-imagine ang sarili ko na isa sa mga fans niyang nakapila sa loob ng bookstore. Never pa akong naka-attend ng book event niya, kahit kumpleto ko naman ang limang books niya. Siguro dahil kay Sir Chuck Lewis lang lagi nakatuon ang atensyon ko. Book events lang niya lagi ang inililista ko sa planner ko. Pero ngayon, nandito ako kasama ni Bryan sa event niya. Medyo nararamdaman ko nang konti ang limelight, may mga fans na napapatingin sa akin at nagbubulungan. Alam kong gusto nila ang kinatatayuan ko ngayon. Well, kaibigan ko lang naman ang isang J.B. Tomlinson. At tinawag lang naman niya akong Ms. Maganda kanina. #KiligToTheBoneMarrows

Lalo akong namangha kay Bryan nang magsimula siyang magbasa ng maikling excerpt galing sa libro niya. Iba talaga siyang magbasa. Payak pero puno ng emosyon. Malamig ang boses niya pero may pangil ang bawat salitang binibitawan niya. Kahit ano pa ang ginagawa mo, tatawagin ka ng mapanghibok niyang boses para makinig. Na-istres lang ako nang konti nang mismong book signing na. Alam kong nakakapagod ang ginagawa ni Bryan. Ang dami niyang librong pipirmahan tapos tinatanong pa niya ang pangalan ng bawat isang nagpapa-sign sa kanya. Eto naman ako at na-imagine din ang sarili kong pumipirma sa sarili kong mga libro. Hanggang sa 'di ko namalayang tinatawag na pala ako ng isang babaeng gustong magpa-picture with Bryan. Panira naman ng moment itong si ate, makikiusap lang naman e. Ito na siguro ang pinaka-ayaw kong part ng event, kasi once na pinagbigyan mo ang isa, sunod-sunod na ang makikiusap sa'yo. Siguro dapat ng maging ruleito next time: H'wag pupunta nang mag-isa sa isang event 'pag alam mong kakailanganin mo ng picture with your idol lalo kung 'di ka kontento sa selfie o wala kang monopod para 'di na nakaaabala sa iba. Pero siyempre, sa tuwing mapapatingin sa akin si Bryan na animo'y nagso-sorry ang mukha, parabang nalilimutan ko na agad ang pagod ko. Hay, the magic of J.B. Tomlinson. 

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now