22. The Unexpected

955 65 29
                                    

Caleb

Nandito kami ngayon ni Lucy sa lumang warehouse ng school. This is where I pretty much excel—entering locked and forbidden places. Nakapagdaos na rin kasi ng isang initiation night ang grupo sa lugar na ito kaya kahit pap'ano ay alam ko na kung paano ito pasukin. May dala naman akong dalawang flashlight kung sakaling abutin kami ng dilim.

"Teka, Caleb, sigurado ka bang nandito nga ang mga lumang yearbook?" paninigurado ni Lucy. Nasa loob na kami ng warehouse na puno ng mga nakapatas na libro, sirang istante, at mga upuang 'di na maaaring magamit.

"Oo, sigurado ako. Pinaglalaruan pa nga namin 'yun dati rito. Nakakatawa kaya 'yung picture ng ibang estudyante. Epic ang mga hairstyle nila," pabiro kong tugon dito.

"Grabe kayo ha," tugon nito habang abala sa paghahalungkat ng bag niya. "Kainin mo na lang 'to o," alok niya sabay abot sa akin ng isang tuna sandwich. 'Tsaka naman siya kumagat sa hawak din niyang sandwich. Gusto ko ang ganito, na wala kaming ilangan.

"Wow. Thanks. Tamang tama, hindi pa nga rin pala ako nakakapag-dinner," sabi ko rito habang nakatitig ako sa mataas na patas ng mga yearbook sa bandang kaliwa ng malaking warehouse.

Madali naman naming nakita ang yearbook na hinahanap namin. Konting usog lang sa nakaharang na istante at ubo dahil sa mga alikabok.

At sa wakas, hawak ko na ang isang kopya ng yearbook na hinahanap namin.

"So, Barry nga talaga ang totoong pangalan ni Sky. Barry Sullivan," ani Lucy. Umayon ang research namin kanina sa mga laman ng yearbook na 'yon.

On that same book, dumiretso kami sa section ng mga estudyante under the Mass Comm program dahil sa iyon ang kurso nina Shara. At unang kita pa lang namin sa picture ni Tisha Roque, alam na namin agad na siya si Shara. Nakalagay lang naman sa bio niya na catperson siya, at ang paborito niyang tambayan ay ang lumang swing na malapit sa Emerald Academy.

Pero mas nagulat kami ni Lucy sa nakita namin sa sunod na pahina nito. Kilala namin ang nasa retrato. Iyon si tito Cheb Suarez, ang papa ni Sash.

Sasha

Nagtataka ako sa reaksyong rumehistro sa mukha ni Ms. Tisha. "Kilala n'yo po ang mama ko, totoo?" tanong ko rito. Ngayon ko lang napansin na dumidilim na rin pala dahil sa lamppost na patay-sindi ang ilaw.

"Pati ang papa mo," sagot nito. Nag-init ang tainga ko nang marinig ang salitang papa. Pero ang umagaw sa atensyon ko ay ang kapansin-pansing kaba at takot sa mukha niya. Tahimik naman kaming pinagmamasdan ni Bry.

"Paano po? Saan kayo nagkakilala ni mama?" Ayokong isali sa usapang 'to ang papa kong walang kuwenta.

"Siguro kinasusuklaman pa rin niya ako hanggang ngayon. Patawarin mo ako, Sasha," sambit nito na lalo kong ikinabigla. Pansin ko ang panginginig ng mga labi niya, at ang pangingilid ng kanyang luha.

"Teka, bakit po? Naguguluhan ako. Ano pong problema?" pagtataka ko. Bigla na lang siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Mahal ko ang papa mo, Sash," pag-amin nito. Natigilan ako. At nang ma-process na ng utak ko ang mga sinabi niya ay kusa nang kumalas ang katawan ko mula sa mariin niyang pagkakayakap.

"Ikaw?" bulyaw ko sa kanya. "Ikaw ang sumira ng pamilya namin?"

"Hindi ko sinasadya, Sasha. Nang makita kami ng mama mo na magkasama ng papa mo sa isang coffee shop noon, inisip niya agad na may relasyon kami. Pero wala talaga. Ang tanging pagkukulang niya nga lang ay nang hindi niya man lang kami binigyan ng pagkakataong magpaliwanag."

"Pero mahal mo siya, sinabi mo 'yun. Hindi ako makapaniwala. Ang sama n'yo," sigaw ko sa kanya. Ang kaninang respeto rito ay naglaho na.

"Oo, minahal ko ang papa mo... nang hindi na siya tanggapin ng mama mo. Hindi naman kasi mahirap mahalin ang papa mo. Wala kaming naging relasyon noong magkasama pa sila ng mama mo. Matalik kong kaibigan ang papa mo, Sasha. Noong araw na nakita niya kaming magkasama sa coffee shop, 'yon ang araw na nagpapaalam na ako sa kanya... dahil finally aalis na ako ng lugar na ito... para makapag-move on na ako sa sampung taong pangungulila ko kay Barry. At siya lang, ang papa mo, siya lang ang nag-iisang tao sa mundong ito na nakatulong sa akin," paliwanag niya.

One Day He Wrote My Story (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن