12. Take Me Home

1.4K 80 50
                                    

Sasha

Lumipas na muli ang isang buong linggo.

Pagdating ng araw ng Sabado na sobra kong hinintay, hindi pa rin ako mapakali dahil siguro sa labis-labis na excitement na nararamdaman ko ngayon. Isasama lamang naman ako ni Bryan sa get-together nila ni Sir Chuck. Thanks to Rosy J for giving me this assignment. Nakapaghanda na rin naman ako ng listahan ng mga itatanong ko sa aking idolo. Pero kinakabahan pa rin ako. Si Sir Chuck lang naman ang pinakapaborito kong writer sa buong mundo.

Maagang dumating sa bahay si Bryan para sunduin ako. Nakita agad siya ni mama, kaya no choice ako kundi papasukin din siya sa loob. Nandoon si Shiver sa sala at nanonood ng TV. Napamulagat siya nang makita niyang pumasok sa bahay namin si Bryan. Binati nito ang kapatid ko. Tuwang-tuwa si Shiver. Tumakbo siya papalapit dito at 'di napigilang mapayakap. Ang gaan gaan agad ng loob ng kapatid ko sa kanya kahit iisang beses pa lang sila nagkausap. Parang si mama na inaasar pa ako na boyfriend ko na raw si Bryan.

"Ma, nakakahiya kay Bryan. Baka marinig niya. We're just friends," protesta ko. Ngumiti na lang si mama at sabay naming pinagmasdan sina Shiver at Bryan sa sala habang nag-uusap.

"Gusto siya ni Shiver? Bihira 'yang makipag-usap sa ibang tao. Parang ikaw, mahiyain," puna ni mama.

"Wala kasing lalaki dito sa bahay kaya ganyan na lang si Shiver," napabigla kong tugon kay mama. Hindi siya agad nakapagsalita dahil sa nasabi ko. "Sorry ma, I didn't mean to... "

"No anak, kasalanan ko naman e... na 'di buo ang pamilyang 'to. Sorry 'nak."

"Ano ba ma, masaya naman tayo, 'di ba?" Niyakap ko si mama nang mahigpit.

Napansin kong ngayon ay nakatitig na sa amin si Bryan mula sa sofa na kinauupuan niya. Maliit lang kasi ang bahay namin at medyo studio-type ang interior niya kaya 'pag nasa kitchen ka ay makikita mo pa rin ang mga nangyayari sa living area. Iniwan ko na muna si mama sa kusina at nilapitan si Bry.

"Kumain ka na ba? Sorry, 'di ako papaalisin ni mama nang 'di pa kumakain e. Maaga pa naman tayo, 'di ba?" sabi ko kay Bryan.

"Sige lang. Kain ka muna."

"Sumabay ka na sa 'min. Dali na. H'wag ka na mahiya. If I know, 'di ka pa rin nakakapag-breakfast," anyaya ko rito.

"Hindi na Sash, okay lang ako rito. Kain na kayo," tanggi niya.

"Sige na, kuya Bryan," tudyo ni Shiver na kanina pa pala kaming pinagmamasdan.

"Dahil sinabi ni Shiver, hmmm... sige pero nakakahiya talaga."

"Ganyan ka ha, 'pag si Shiver pinagbibigyan mo," asar ko sa kanya.

"Ate h'wag ka na magselos!" banat ni Shiver.

"Shiver!" Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko. Nakakahiya kaya kay Bryan.

"Halina kayo rito," sigaw ni mama na naghahanda na ng breakfast namin sa dining area.

Pansin ko na masayang-masaya si Shiver na apat kami ngayon sa dining table. Madaldal siya at maraming kuwento. Bibihira ang pagkakataong may isang lalaking makikisalo sa amin. Aaminin ko, masaya rin ako na kaharap ko ngayong kumain si Bryan. Idagdag pa na hindi lang siya isang pangkaraniwang lalaki sa mga mata ko, isa siyang best-selling author.

Pinuntahan namin si Sir Chuck sa library-type na café nito na siya mismo ang may-ari. Nakaka-starstruck pa rin talaga siya kahit ilang beses ko na naman siyang nakita at nakapagpa-sign na rin ako sa kanya ng maraming libro.

"Bryan, buti nakarating ka. Teka, siya na ba si Miss Sasha?"

"Magandang araw po, Sir Chuck," kinakabahang bati ko.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now