17. A Surprise (Part 1)

923 77 30
                                    

Caleb

Bumugso ang malakas na buhos ng ulan. Hindi pa umuuwi sina ate. Nasaan na kaya sila? Kailangan pa nilang maghanda para sa victory party mamaya. Nakatayo ako ngayon sa harap ng bahay namin at hinihintay ang pagdating nila.

Ida-dial ko na sana ang number ni ate nang tumawag si Lucy. Malapit na raw sila sa bahay. Iyon naman kasi talaga ang plano nila. Dito sila sa bahay magbibihis at mag-aayos. Teka, kasama ba nila si Sash? 'Di ko na natanong. Binaba na agad niya ang phone niya, dahil na rin siguro sa maingay ang ulan at 'di namin masyadong marinig ang isa't isa.

Narinig ko na ang papalapit na ugong ng sasakyan ni ate. Itinigil niya ito sa mismong tapat ng porch namin para 'di na sila mabasa ng 'di pa rin tumitigil na ulan. Naunang bumaba si Lucy na galing backseat. Sumunod si Sash na mukhang hindi maganda ang pakiramdam.

"Hey, kanina ko pa kayo hinihintay. I'm worried. Malakas kasi ang ulan," bati ko sa kanila at sabay abot sa mga hawak nilang paperbag.

"Caleb," tipid na bati ni Lucy.

Agad namang lumapit sa akin si Sash. Bigla niya akong niyakap, at saka humagulhol nang malakas para makalimutan ko ang ingay ng ulan at ang lamig ng hangin.

"Sash, anong problema?" pagtataka ko. Bahagyang lumuwag ang yakap niya.

"Alam na niya, Caleb," sabad naman ni Lucy. Nakababa na rin si ate ng sasakyan.

"Oo, Caleb. At ngayon hindi ko alam ang gagawin ko," sabi ni Sash na umiiyak pa rin.

"Sorry, Sash. Hindi ko rin talaga alam ang gagawin ko. Ayoko lang mangyari sa inyo ang nangyayari sa story mo," sambit ko. "Teka, halina kayo sa loob," dugtong ko.

"Salamat, Caleb," seryosong tugon ni Sash na ngayon ay inaalalayan ko nang pumasok sa loob ng bahay namin. Wala pa rin sina mom at dad kaya si ate Beverly lang ang kasama namin ngayon sa bahay.

"Hindi ka ba talaga galit sa akin, Sash?" I asked her.

"Bakit ako magagalit? Na-appreciate ko nga ang pagiging concern n'yo sa'kin ni Lucy. Salamat talaga," sambit niya habang kinukuskos ang mga mata niya.

"Dumiretso na tayo sa room ko," sabi naman ni ate. "And Caleb, sabihin mo naman kay ate Beverly na ipagtimpla itong dalawa ng hot choco," dugtong nito.

"Sige, ate."

Sasha

Na-appreciate ko ang pagbabasa ni Caleb ng manuscript ko. Siya ang kauna-unahang lalaki sa mundo na nakabasa nito. Lalo na ngayong alam ko na nababahala siya sa mga nangyayari sa amin ni Bry. May part sa puso ko na nagsasabing dapat magalit ako sa kanya dahil gusto niya kaming paghiwalayin ni Bry. Pero hindi iyon ang pinakinggan ko. Noong niyakap ko siya, doon ko mas naramdaman ang pagiging sincere niya sa mga ginagawa niya. Alam kong ayaw lang niya akong masaktan.

"Hay, napapansin n'yo ba? Sa tuwing nandito tayo sa room na 'to, lagi na lang tayong may problema?" pahayag ni Tara. Napatango si Lucy na 'di rin naman nagsalita. Nakatitig siya sa mga paperbag namin na nakapatong na rin sa pink sofa ni Tara.

Wala akong masabi. Ngayon kasi habang nakaupo ako sa kama ni Tara ay iniisip ko pa rin si Bry. Bakit nga pala hindi pa siya tumatawag sa akin?

"Tara, hindi pa siya tumatawag? Ano bang gagawin ko? Dapat bang 'di ako pumunta sa date namin ngayon?"

"I think so. Kasi may gano'ng part din sa story mo e, sabi nga nina Luz," sagot ni Tara. Hawak ko pa rin ang phone ko at 'di ko alam kung dapat bang tawagan ko na si Bry.

"Yeah, Sash. Tingin ko rin," pagsang-ayon naman ni Luz. "Tatawagan mo na ba siya?"

"Oo, eto. Nagri-ring na ang phone niya." Nakatitig sa akin ang dalawa na sa tingin ko ay nag-aabang sa bawat kilos at sasabihin ko.

"Hello."

"Hello, babe. Sorry tatawagan pa lang sana kita. So, are you ready for tonight?"

"Bry, I-I..." Hindi ko natapos ang sasabihin kasi tuloy-tuloy siyang magsalita.

"Susunduin na kita sa inyo. Actually I'm on my way now."

"Wait, B-bry..."

"Ano babe, 'di kita masyadong marinig. Malakas ang ulan e."

"I can't Bry."

"What? Hindi ko maintindahan."

"I can't come tonight."

"Ha? Bakit? May problema ba? Pupuntahan kita. Nasa bahay ka na ba?"

"No, Bry. Hindi ako p'wedeng makipagkita sa'yo tonight."

"Babe, teka. Wala akong maintindihan. Bakit hindi p'wede?"

Wala akong masabi. Naiiyak na ako.

"Nasaan ka ngayon? Papunta na ako sa bahay n'yo."

"Hindi nga p'wede!" pasigaw kong sagot dito. Nabigla rin ako sa tono ko dahilan para ilayo ko ang phone ko sa tainga ko at ibagsak ito sa kama ni Tara. Natulala sina Tara at Lucy sa akin. Mabilis ko rin naman itong pinulot para alamin kung nasa kabilang linya pa si Bry.

"Bry?" Hindi siya sumasagot. Teka, galit na ba siya sa akin. "Bry? Babe?"

Wala namang nagsasalita. Hindi naman patay ang phone niya.

"Bry? Don't do this to me, okay?" I heard strange sounds. "Anong nangyayari d'yan? Sumagot ka naman oh please."

Tara

Kinakabahan na ako nang nakita kong umiiyak na si Sash. Nagalit na ba sa kanya nang tuluyan si Bryan?

"Sash, what happened?" pag-uusisa ko rito.

"Si Bry, 'di na siya sumasagot."

"Baka galit lang?"

"Hindi e. Hindi niya kasi pinapatay ang phone niya," sagot nito.

"Teka nasaan na raw ba siya?"

"Papunta na siya sa bahay."

"Ohmigod. Malakas pa naman ang ulan," ani Lucy.

"Lucy!" sita ko rito na may kasamang pagdilat ng mata.

"I'm sorry," pagpapaumanhin nito.

"No. Hanapin natin siya? Kinakabahan ako, Tara. Hindi ko alam pero basta bigla na lang akong kinabahan," pag-aalala ni Sash.

"Caleb!" agad ko namang tawag sa kapatid ko. Dumating naman agad ito na may dalang tatlong tasa ng hot choco.

"Teka anong problema?" usisa nga ng kapatid ko.

"Si Bry kasi, papunta na siya sa bahay nina Sash, magkausap lang sila nang bigla na lang siyang nawala. I mean, hindi na siya sumagot kay Sash. Pero hindi naman niya pinapatay ang phone niya. We're worried."

"Tara na. Hanapin natin siya. Hali kayo. Atsaka pala tawagan n'yo na ang mga dapat tawagan, I'll just get my keys,"tugon nito sabay lapag ng mga tasa ng hot choco sa mini table ko. Agad dinsiyang bumaba ng ground floor para nga kunin ang susi ng sasakyan niya.

◦One Day He Wrote My Story◦

AN: Hello again! This is the Part1 of Chapter 17. Oh yeah, the Part2 is not yet ready. (1) So, anong masasabi nyo sa part na ito? (2) Who is your favorite character and what do you like about his/her role in the story? (3) At sino po ang gusto nyong makatuluyan ng ating bida? Are you #TeamBryan or #TeamCaleb?

Help me finish this story by commenting below. Your vote will be much appreciated. Ito na rin ang chance nyong itanong sa akin kung saang part kayo naguguluhan, para masagot ko ito sa mga sumusunod na chapters.

Maraming salamat sa walang sawang pagsubaybay sa istoryang ito. Love you, guys.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now