19. The Secrets

929 66 23
                                    

Bryan

Mga 1pm na nang makarating sa condo si Sash. Hindi na siya nagpasundo sa akin kasi may iba pa raw siyang errands kanina.

I heard her knock on the door.

"Hey, na-miss agad kita," bati niya sa akin pagbukas ko ng pinto. Agad ko namang napansin ang suot nitong dress.

"I love that dress on you," bati ko sabay yakap dito nang mahigpit. "I love you, babe," bulong ko rito.

"Oh. Thanks," pabulong ding tugon nito. "Love you, too."

"It looks new," puna ko rito.

"No, matagal na 'to. 'Di ko lang nasusuot," protesta niya.

"I see. Kaya pala may pricetag pa," natatawa ko namang sambit. Nakita ko kasi 'yung pricetag nito na sa may batok niya when I hugged her. "Ito o," sabay abot ko sa kanya nito.

"Oh shet. Nahihiya ako." Now, she's blushing. "Okay, it's new. Hahaha."

And we both laughed as we headed inside my condo.

"I brought some cupcakes," wika nito nang nakaupo na siya sa L-shaped kong couch.

"Really sweet, babe," sambit ko. "So what do you want for dinner?"

"I'm thinking about a JB-Tomlinson pasta?" She sounded so excited.

"Hahaha. Since maaga pa naman for dinner, ano muna gusto mong gawin?"

"Can you like show me your early writings? Perhaps, mayro'n ka namang natatago rito sa condo mo?"

Tara

Lagi na lang akong pinapakaba ng kapatid ko. I really thought he'd done something terrible last night. Now, we're on our late lunch. Caleb's enjoying ate Beverly's steak. As usual.

"Have you talked to Sash about it, haven't you?" tanong niya.

"I haven't. Baka magalit siya e," tugon ko.

"Of course, she'll get mad. Pero maiintindihan naman niya 'yon. Hindi rin naman ginusto ni Lucy na sabihin sa lahat ng nasa party ang sikreto niya. Although, she really stole the show nang kumuha pa siya ng mic and called everyone's attention," paliwanang nito.

"I see. You really like the part when she confessed her feelings to you, don't you?"

For other people, weird 'yung secret ni Sash. I'm sure, may ibang maniniwala at may ibang tatawanan lang ito. Ang ikinakatakot ko lang ay 'pag nakarating ito kay Bryan. He might accuse Sasha of plagiarizing his writing. O kaya naman, isipin din ng ibang tao na si Bryan mismo ang nangopya kay Sasha. And it's not a good thing sa nagsisimula pa lang nilang relationship.

Bakit ba sinabi 'yon ni Lucy? Was it bothering her that much?

Sasha

Sobrang cozy ng feel ng condo ni Bry. Minimalist lang ang pagkakaayos sa interior nito. Mayroon itong two bedroom at malawak ang sala. May ilang paintings sa walls at posters nang hindi ko mga kilalang banda.

"Bry, p'wede ko bang buksan ang TV mo?"

"Sige lang. Nand'yan ang remote sa may center table," tugon nito. He was busy in the kitchen. Ayaw niyang magpatulong e. And besides, wala naman akong alam sa pagluluto.

I turned his TV on, na kasabay ng pag-ring ng mobile phone at telepono niya. Una niyang sinagot ang tawag sa mobile phone niya habang nakatutok ako sa flash news sa TV. I was so shocked. Nasa news lang naman ang names namin ni Bry. Wait. We're on the news, no way!

I heard my phone rang, too. It's Lucy.

"Sash, are you watching the news right now? Sa Channel 2," tanong nito.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now