23. Before It Ends

1.1K 64 16
                                    

Caleb

Nagkita-kita kami nina ate sa labas ng campus. Malapit kasi ito sa ospital kung nasaan raw ngayon si Sash.

"Ano raw balita?" bungad niya sa paos na boses. Tulad ni Lucy ay 'di rin maipinta ang tindi ng lungkot sa mukha nito. Mapupula na rin ang mga mata niya na dahil siguro sa pag-iyak.

"Sabi ni Bry, kritikal pa rin daw ang kondisyon ni Sash, wala pa raw itong malay hanggang ngayon, pero 'wag raw tayong mawawalan ng pag-asa," sagot ni Lucy habang nakasubsob sa balikat ni ate.

"Tara na sa capilla," yaya ni ate. Ito kasi ang dahilan kung bakit dito pa kami sa campus nagkita-kita bago tumuloy sa ospital.

Pagkatapos naming magdasal sa capilla ay nagtungo na kami sa carpark para sa kotse ni ate. Napag-isipan naming sa isang sasakyan na lang kami sumakay.

Habang nagmamaneho ay naalala ko ang araw noong unang beses kong nakausap si Sasha.

"Why are you here?" masungit kong bungad rito nang basta-basta na lang siya pumasok sa bahay. Kalilipat lang namin sa aming dream house—kung tawagin nina mom at dad, at siguro'y walo o siyam na taon pa lamang ako noon at sadyang hindi sanay makipag-usap sa ibang bata.

"Nasaan na si Tara? Kanina ko pa siyang hinihintay sa labas e," sagot naman nito.

"I don't know. Maybe she's in her room," tugon ko rito bago ko tinawagan ang ate ko, "Tara! Bumaba ka rito."

"Bakit Tara lang tawag mo sa kanya? 'Di ba ate mo siya? Mas matanda siya sa 'yo. Dapat tinatawag mo siyang ate," aniya na lubos kong ikinagulat.

"Bakit ba nakikialam ka?" naiinis kong sagot rito bago ko siya iniwan sa may pintuan ng bahay namin. Hindi pa nga kami magkakilala pero ang dami na niyang sinasabi, sabi ko pa sa sarili ko.

Bryan

Kung gaano kabilis ang mga pangyayari sa may clubhouse ay siya namang ikinabagal ng oras sa labas ng emergency room. Sa isang mahabang bench, doon mo makikitang nakaupo sina Lucy at Tara na nakayakap kay tita Ludy. Katabi ko namang nakalupagi rito sa sahig ng ospital si Shiver na kanina pang umiiyak habang nakasandal kami sa dingding na malapit sa pinto ng ER. Tinatanong niya ako kung ano nang mangyayari sa ate niya at wala akong masabi kundi, "Magiging okay ang lahat Shiver, your ate Sasha will be all right."

Muling sumagi sa isip ko ang araw noong unang beses kong makita si Sasha.

She was also in Kismet Bookshop. Nakagawian ko na kasing bumisita sa mga bookstore at pagmasdan ang mga taong bumibili ng libro ko. Iyon ang isa sa maraming bagay na nagpapasaya sa akin. Tandang-tanda ko pa ang kakaibang reaksyong rumehistro sa mukha nito nang unang beses niyang makita ang 'Evaporatus'. Hindi iyon tulad ng reaksyon ng ibang mga babaeng humahawak o nakakapansin sa librong iyon. Ang karaniwang babae kasing makakakita roon sa unang pagkakataon ay mapapangiti nang abot tainga, mapapasigaw sa kasama niya sa bookstore, o didiretso na agad sa cashier para bayaran ito. But Sasha is not an ordinary girl. Buong puso niyang tinitigan ang librong iyon na para bang hawak-hawak na niya ang pangarap niya. Dahan-dahan niya itong inamoy na parang walang pakialam sa mga tao sa paligid niya. At saka niya dinama ang bawat sulok nito, at kung paanong nilamon ng palad niya ang kabuuan nito ay masarap sa pakiramdam. Nakita ko ang sarili ko sa kanya. Noong araw na unang beses kong makita ang 'The Author' sa shelf ng parehong bookstore, gano'ng-gano'n ang hitsura ko.

Naputol na lang ang panunuod ko rito nang may isang tahimik na college student na nagpa-book sign sa akin. And in the blink of an eye, I lost sight of her.

At ngayon, posibleng muli na naman siyang mawala sa akin. Natatakot ako. Dahil alam kong sa pagkakataong ito, kapag nawala na naman siya sa akin, alam kong hindi ko na siya muling matatagpuan o makikita.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now