4. The Driver

1.8K 103 44
                                    

Sasha

Hindi ko agad nakilala ang pagaw na boses ni Caleb. Hindi ko rin ine-expect na sa lugar na 'yon pa kami magkikita, sa mga oras na iniisip ko si Mr. Writer. Sa hagilap ko, parang galing siya sa katabing gusali ng DJR.

"Hey, bakit nandito ka pa? Ikaw ha, til 12 lang class mo 'di ba?" bati ko kay Caleb. Siguro galing pa siya sa grupo niya. Nakikipag-away na ba ulit siya? Nahihiya naman akong magtanong sa kanya ng mga gano'ng bagay. Pawisan siya at medyo gusot ang polo. Para bang gusto kong punasan ang tumutulong pawis sa noo niya.

"Nagkita kami nina Nat at Rayco. Ikaw ba anong ginagawa mo rito? Bakit 'di mo kasama sina ate at Lucy?" tanong naman niya na napapangiti. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Ah, galing ako kay Ms. Jayne. Alam mo naman. Fourth year, thesis, stress," tugon ko rito habang hinihintay ko siyang sabayan ako sa paglalakad.

"Thesis lang ba? Ikaw pa, kayang-kaya mo 'yan. Kumusta pala ang issue mo with the writer guy?" usisa niya. Ngayon ay magkasabay na kaming maglakad. Tahimik at walang ibang estudyanteng dumadaan sa pasilyo na aming nilalakaran.

Minsan habang nagsasalita siya ay magtatagpo ang mga mata namin at mabilis niyang ibabalik ang tingin sa mga anino naming gumagapang sa sahig. Hindi talaga kami sanay mag-usap nang kami lang dalawa.

Alam kong gusto niya akong magkuwento. So I told him about my manuscript, kung gaano ko ito kagustong ma-publish. Binanggit ko rin sa kanya ang biglaang pag-iwan ko kay JB Tomlinson sa SB. Pero hindi ko na sinabi sa kanya ang part na pareho kami ng istoryang nasulat. Baka isipin pa niya na ako talaga ang nangopya ng story. Sinabi ko na lang sa kanya na gusto ko lang magpatulong kay JB sa manuscript ko kaya ako nakipagkita rito. That said, he told me that I need to stay away from JB. Hindi raw niya gusto 'yung ideya na in-invite agad ako ni JB sa SB the day after I emailed him. Tuloy, napaisip din ako.

Matagal-tagal din kaming nag-usap habang naglalakad kami papuntang car park. Since pauwi na rin naman ako, in-invite na lang niya akong sumabay sa kanya. Dinadaanan din naman niya ang bahay namin pauwi sa kanila. Hindi naman ito ang first time na naihatid ako ni Caleb sa bahay kaya hindi ko alam kung bakit ngayon ay naiilang na ako. Dahil ba nakita ko siyang shirtless sa bahay nila last Sunday morning? Or dahil ba mas kinakausap na niya ako ngayon? Dati rati naman hanggang ngitian lang ang batian namin. Hindi 'yon nauuwi sa isang mahabang kuwentuhan. Or kung magiging mahaba man ang usapan, kasama ko sina Lucy at Tara. O dahil ba I felt older 'pag siya kasama ko, kahit isang taon lang naman ang tanda ko sa kanya?

Mga 6pm na noong ibinaba niya ako sa bahay. Hindi ko na siya pinapasok pa sa loob, knowing mama and Shiver. Pagpasok ko naman sa loob, sinalubong nila ako ng isang malaking ngiti. Ngiting makulit. Tapos magtitinginan sila. Alam ko ang mga iniisip nila. Pero nagkakamali sila. Magkaibigan lang talaga kami ni Caleb at alam kong gano'n lang din siya sa akin. Isa pa, younger brother kaya siya ni Tara, kaya siguro magaan na rin ang loob ko rito. Si Caleb 'yung tipong alam mong kaya kang protektahan, na alam mong safe ka 'pag siya kasama mo.

Caleb

Sasha is just different from all the other girls in the campus. She's not trying to impress people when she tells her story. Hindi mo mahuhulaan ang nasa loob niya. You just have to ask her and she'd willingly tell you the truth. At least, that's what I think of her. A good storyteller. I know, she'll be a good writer.

Naalala ko tuloy na elementary days pa pala kaming magkakilala. Thanks kay ate. One of the boys pa nga ang porma niya noong nasa high school na kami, maiksi ang buhok at 'di pa marunong mag-lipstick. Hindi ko rin in-expect na magbu-bloom siya nang sobra pagpasok niya sa college. Makes me think matagal-tagal na rin pala silang magkaibigan nina ate at Lucy.

One Day He Wrote My Story (Completed) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt