Prologue

4.9K 218 123
                                    

Hindi na maramdaman ni Shara ang mabilis na pagdulas ng sariling luha. Mas naaaninaw pa niya ang malamig-lamig ngunit tuyot na balat ni Sky na kasalukyang nakahilata sa kama nito. Subalit masikap pa ring pinaglalabanan ni Shara ang malakas na bulong ng kapalaran sa kanya. Gusto na lang niyang mabingi. Ayaw niyang bitiwan ang kamay ng lalaking pinakamamahal. Alam kasi niya na 'pag binitiwan niya ito, baka tuluyan na talaga itong mawala sa kanya.

Pero kung nasasaktan na si Shara, mas matindi ang pinagdadaanan ni Sky. Bukod sa alam niyang malapit nang matapos ang huling araw niya sa mundo, ayaw niyang umiiyak si Shara. Ayaw niyang may naaawa sa kanya. Ayaw niyang nakaaabala sa ibang tao. Mahalaga ang oras para sa kanya. Ngunit hindi na niya kaya pang tiisin ang sakit na nararamdaman. Wala nang magagawa pa ang mga doktor o ang kung ano pa mang aparato sa sakit niya.

Patuloy si Shara sa pagpisil sa kamay ng kasintahan. Hanggang sa may kung anong aparato ang tumunog sa loob ng kuwarto para bulabugin ang lahat ng tao sa loob. Mahigpit na niyakap ni Shara ang lalaking pinakamamahal. Hanggang sa wala na siyang maramdaman. Hanggang sa umalingawngaw na ang hagulhol at tangisan sa buong kuwarto. Hanggang sa wala na siyang marinig. Hindi pa rin niya magawang bitiwan si Sky sa mahigpit na pagkakayapos. Para bang ginigising niya ito sa mahimbing na pagkakatulog. Sandaling tumigil ang mundo niya, hanggang sa muli siyang makaramdam at unti-unti niyang maramdaman ang malamlam na yakap ng mga magulang ni Sky para tuluyan siyang ilayo sa lalaking pinakamamahal. "7:13," ang sigaw ng doktor, na siya namang inilista ng isang nurse. Napatingin din si Shara sa relo niya at agad itong hinubad.

Isinuot niya ito kay Sky. 

The End.

....

Ganito ko tatapusin ang kuwento nina Sky at Shara. Yes, it has to be this sad. Hindi kasi talaga ako fan ng mga istoryang may happy ending kaya hindi ko rin feel magsulat ng mga gano'ng kuwento. Parang ang layo no'n sa reality—sa kung ano ang totoong nangyayari sa relationship ng mga tao sa mundo. No, I'm not a negatron. When it comes to love, naniniwala kasi ako na dapat hindi tayo nagse-set ng sobrang taas na expectation. Kaya dapat, hindi rin ako magbigay ng false expectation sa ibang tao. Ewan ko nga ba. Siguro dahil na rin ito sa mga libro kong nabasa. Gano'n din sa mga pelikulang napanood ko na kung hindi namamatay ang bida, may iba pang conflict na pumipigil sa happily-ever-after ng mga ito. Hindi rin kasi mahilig si mama sa mga Cinderella story. Siguro, dahil na rin sa hindi naman naging maganda ang love story nila ng papa ko. Tapos never pa akong na-in love. Okay, change that. Never pa akong na-in love sa totoong tao. Sa mga karakter sa libro, yes, madalas.

By the way my name is Sasha, 19, isang aspiring na storyteller. Bata pa lang ako ay mahilig na talaga akong mag-kuwento o gumawa ng sarili kong kuwento. Pero dahil timid at shy-type nga ako, mas prefer kong medium ang pagsusulat. Iyon na rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit Communication Arts ang kinuha kong kurso at kung bakit ako sumali sa aming campus publication. Lagi kong nai-imagine ang pangalan ko sa spine ng mga librong naka-display sa Kismet Bookshop, pati na rin sa bookshelves ng mga kaibigan ko. Gusto kong maalala ako ng mundo dahil sa aking mga kuwento. Malungkot man ang mga ito, gusto kong ma-feel ng mga magiging mambabasa ko kung gaano sila kasuwerte sa simpleng love story na mayroon sila... na mayroon pang worse love story sa mundo at masuwerte silang hindi naging gano'n ang kuwento nila.

Kaya naman masayang-masaya ako ngayon na tapos ko na ang first-ever manuscript ko. Tatawagin ko itong Blown Sky-High—ang siyang working title nito. Ang kailangan ko na lang ngayon ay ang makahanap ng isang publisher na magtitiwala sa istoryang ito. Kung ang mga idolo ko ngang author ay aminadong na-reject din sila ng ilang publishers noong una pa lang nilang binalak ilathala ang unang nobela nila, bakit ako matatakot sumubok? Handa naman akong masaktan. At least, that's what the books taught me. Basta sigurado ako sa isang bagay, hindi ako titigil hangga't hindi nalalathala ang aking pinaghirapang istorya. 

◎◦One Day He Wrote My Story◦◎

May dahilan kung bakit ka napadpad sa story na ito. Or is it just destiny? Haha. Anuman ang dahilan, maraming salamat sa pagbasa sa prologue na ito. Why don't you leave a comment below? Sweet 'yon. Might as well, vote this part (by clicking the star button) if you kind of enjoy it. Sana makasama pa kita sa mga susunod na bahagi ng kuwento. At higit sa lahat, sana mas makilala n'yo pa si Sasha. Love you.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now