3. Sorry Not Sorry

1.9K 106 53
                                    

Sasha

11:30am na ako nakauwi ng bahay. 'Di ko na nga nagawang dumaan pa kina Tara para kuhanin ang mga naiwan kong gamit sa kuwarto niya. Naguguluhan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang inasta ko kanina kay JB. Nakakahiya ako. Bakit 'di ko pinigilan ang feelings ko? Wala naman akong proof na hindi talaga siya ang nagsulat ng latest book niya. Tapos nag-walk out pa ako, siya na nga ang pinaghintay ko nang matagal.

Magkukulong na lang ako dito sa loob ng kuwarto ko buong araw. Ayoko nang lumabas ng bahay namin. What if sabihin niya sa media ang nangyari? Mabu-bully ako for sure. Hindi ko dapat ginawa 'yon—sa kanya pa.

Ring pa nang ring ang phone ko. Ayokong tingnan kung sinong tumatawag. Enough!

"Ate! Si ate Tara?" sigaw ng 10-year old little sister ko na parang 'di na bata kung umasta, her name is Shiver. Wait, nandito si Tara sa 'min? What so urgent for her to come here? Ang OA ko ba kung nai-imagine kong may mga reporter na sa labas ng bahay namin? No!

"Papasukin mo," utos ko kay Shiver habang nakahiga pa rin ako sa kama ko at nakayapos sa paborito kong unan na regalo pa dati sa akin ni Tara.

"No, ate. Sa landline. 'Di mo raw kasi sinasagot mobile mo," ani Shiver.

Hay, si Tara lang pala ang nagpapa-ring ng phone ko. Kala ko naman kung sinong mga tao na.

"Wait. Pupunta na ako," tugon ko. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto para abutin ang telepono kay Shiver na nakasimangot sa'kin.

"'Nak, bakit ka ba nagkukulong sa kuwarto mo?" tanong ni mama na naghahanda na ng aming tanghalian.

"Wait lang 'ma." Napansin kong nag-uusap ang mga mata nina mama at Shiver pero 'di ko na masyadong pinansin kasi kanina pa nga palang naghihintay sa akin si Tara. "Hello bes, sorry 'di ko nasagot ang calls mo. 'Tsaka 'di na ako nakadaan d'yan sa inyo."

"Ano ba kasing nangyari? Pinag-aalala mo kami ni Luz. 'Di mo sinasagot tawag ko. Gaga ka!"

"Wait, may nabasa na kayo sa Facebook or sa Twitter na about me or something? Did they mention my name?" sunod-sunod kong tanong habang umaandap-andap ang dibdib ko.

"Ano bang sinasabi mo? Ano ba talagang nangyari?" tanong din niya na parang naguguluhan na sa akin.

So OA lang pala ang mga imahinasyon ko. Bigla akong nakahinga nang maluwag. Ikinuwento ko kay Tara ang dramatic escape ko kay Mr. JB kanina. Mali nga raw ang ginawa ko. I know right. Pinagsisihan ko na rin na ginawa ko 'yon kay Mr. JB. Sobrang nakakahiya talaga.

Pagkatapos naming mag-usap ni Tara ay bumalik na ulit ako sa kuwarto ko para magmukmok. Ramdam ko ang habol ng tingin sa'kin nina mama. Parang lagi silang may gustong itanong sa'kin.

Di na nga rin ako nag-lunch kahit naka-ilang tawag na sa'kin sina mama at Shiver. Hindi kasi talaga ako nagugutom. Naririnig ko pa nga silang mag-usap ni Shiver sa may sala. Grabe si mama, kala niya siguro brokenhearted ako.

Pero wasak naman talaga ako ngayon. Wala na nga ang pinaghirapan kong istorya, nawalan pa ako ng koneksyon-ko-na-sana sa real world.

Hindi ko pa rin hinahawakan ang mobile phone ko. Takot akong makita ang anumang notification galing sa email ko. Hindi ko kayang basahin ang maaari ritong sabihin ni JB. Buti na lang wala akong phone number sa kanya.

Biglang sumagi sa isip ko ang mga ngiti niya noong nagso-sorry ako sa kanya for being late. At 'di ko maintindihan kung bakit may mga taong mas guwapo sa alaala mo. Or late lang ba talaga akong maka-appreciate? His finely chiseled face formed a beautiful picture in my head. Ang good boy ng aura niya, which didn't attract me. Mukha naman siyang mabait. Mukhang hindi gagawa ng masama. Tama ba talaga ang ginawa ko?

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now