PS: Acknowledgments

1.2K 53 22
                                    

Hinding-hindi ko malilimutan ang pinaka-unang mambabasa ng kuwentong ito. Salamat sa iyo kaibigang Paul (Paul Leewel Atienza). Na kung hindi dahil sa 'yo ay 'di ko matatapos ang kuwentong ito. Kay Rose Ann Villanueva na bagaman busy sa kanyang trabaho at pamilya ay isa rin sa mga unang mambabasa ng kuwentong ito. Sa #TresGarciaMarias, kina Renzy Joyce Garcia, Micah Ella Garcia, at Florence Garcia, na nagmahal sa mga karakter ng kuwentong ito, na hindi nag-atubiling tanggapin nang buong-buo sa buhay nila sina Sasha, Bry at Caleb. Kay Kaye Anawai Torino, na tulad ng #TresGarciaMarias, ay may suportang 'di mapapantayan. Kay Diane Tumambing na mahusay magsulat at lubos kung magmahal. Salamat sa mga kaibigang naging biktima ng #shamelessplugging ko sa Facebook. Salamat sa mga kaibigang nagtiyagang magbasa ng kuwentong ito na bagaman hindi ito pasado sa pamantayan niyo ay sinubukan niyo pa ring basahin. Salamat sa mga natuwa sa kuwento. Salamat sa mga nag-komento. Salamat sa mga batang manunulat at mambabasa dito sa mundo ng Wattpad na dahil sa inyo ay nagising muli ang isang munting pangarap na sa mga nagdaang taon ay kinalimutan na ng sistema ko. Bilang kapalit, nawa'y magbigay ng inspirasyon ang kuwentong ito sa inyo. Para sa mga pangarap na sa unang tingin ay mahirap abutin. Para sa mga pusong naghahanap ng pag-ibig. Para sa mga hindi nakikita. Tandaan, lahat ay may katuparan.

Muli, para sa panahong ginugol n'yo sa pagbabasa ng kuwentong ito, maraming maraming salamat. Nawa'y hindi tayo magsawang mangarap at umibig.

Nangangarap at nagmamahal,
Lex

One Day He Wrote My Story (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon