9. I'm Sorry

1.3K 89 26
                                    

Bryan

Nang magising ako, mayro'n akong 8 missed calls at one new message sa phone notifications ko. At ang mas gumulat sa akin ay ang fact na lahat ng notifications na ito ay sa iisang tao lang nanggaling—kay Sasha. Kaya naman agad ko siyang tinawagan, ayoko nang lalo siyang magagalit sa akin.

"Hello, Sasha. About last night I'm... "

"No, Bryan. I'm sorry. Nakuwento na lahat sa akin ni Shiver. Thanks for what you've done to her."

"Awww. I was not expecting this kind of conversation with you. Ngayong umaga. I thought galit ka pa rin sa akin."

"Why would I be mad at you? In fact, I am so grateful... for what you've done... that I feel the need to meet you soon. There. I said it. I thought I owe you... a coffee?"

"Wow, that's so sweet of you!"

"Yeah. Para makabawi ako sa'yo. Ikaw kaya si JB Tomlinson! And I'm not forgetting that. Haha. A fan here, hello?"

"Oh please. You're flattering me now. Haha"

"Do I? Haha. Sige. Papasok pa ako. Tata for now."

"Bye, Sasha. I'm looking forward to that coffee date with you."

Sinabi ba niya talaga na gusto na niya ulit ako makita? Sasha is very unpredictable. Minsan parang galit na galit siya sa mundo, minsan naman she's just simply sweet. Like today. Iisang Sasha lang ba talaga ang nami-meet ko, ang Sasha na nakakausap ko? Madalas, naguguluhan na rin ako sa mga iniisip ko. But one thing is for sure—this girl makes my days extra exciting!

Tara

I don't have the perfect life. Mali ang iniisip ng marami. Kasi hindi naman lahat ay ibibigay sa'yo. Hindi lahat. Does it mean ba na hindi talaga para sa'kin si Edmund?

Pagbaba ko sa may car park, hinanap ko ang phone ko na nakasiksik sa glam kit ko to text Sasha. Pero bago ko pa makuha ang phone ko ay isa lang namang scenario sa may car park ang gumulantang sa akin. Bakit sina Edmund at Seng pa ang kailangang bumungad sa akin? Naglalakad silang dalawa sa may car park. Puwedeng padiretso na sila sa classroom nila o puwede ring sa likod ng stage which I don't want to think about. I can't even imagine her kissing Edmund. Para nanghihina ang mga paa ko and deep inside lalo akong naaawa sa sarili ko. Kasalanan ko bang nawala siya sa akin?

Edmund is one of the most popular students in the campus. Siya lang naman ang isa sa pinakamagaling na manlalaro ng basketball team namin. At nanalo lang rin naman ang team nila sa national cup. Kaya naman maraming girls ang nagkakandarapa sa kanya. Masuwerte ba ako dahil ako ang pinili niya? Alam kong mahal niya ako. Dapat ba 'di ko siya pinag-isipan ng masama noong nakita ko silang magkasama ni Seng sa Kismet Café last Sunday? Baka naman nag-uusap lang sila about a certain school project which he didn't mention to me, and which he could have lied about.

Pero magkasama ulit sila ngayon. Tama ba ako sa desisyong hayaan na lang siyang mapunta sa babaeng 'yon? Hindi ko na alam. Naiiyak na ako. Nasaan ka ba, Sasha? I feel so alone.

"Tara." I knew it's not from Sasha. It's Luz. Nakalingon na ako sa kanya noong mapagtanto ko na hindi siya si Sasha. Ngayon, nakatitig siya sa akin para mapagmasdan ko ang ganhaw niyang mga mata. I opened my arms and she hugged me so tight. Sobrang higpit para makalimutan ko ang mga nakita ko kanina. "I'm so sorry," bulong niya.

"No, no I'm sorry. Dapat hinayaan kitang mag-explain. Dapat hinayaan ko si Edmund mag-explain. Ako ang may mali. Ako ang mali. Akala ko, ako lang lagi ang tama at hindi ako nagkakamali. Like I don't need explanations. See, I almost lost my best friend."

"No, don't blame yourself. Dapat siguro sinabi ko na sa'yo noon pa ang nakita ko. Kahit hindi ako sigurado kung ano nga ba ang ginagawa nilang dalawa at magkasama sila sa letseng café na 'yon. Para na-warn kita at 'di na humantong sa ganito ang sitwasyon n'yo ni Edmund. Kahit isang beses ko lang silang nakita. And I was so wrong to say na matagal ka na niyang niloloko dahil hindi naman ako sigurado sa mga konklusyon ko."

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now