14. The Watch

1.2K 84 22
                                    

Sasha

Dahil nangako ako kay Bry na magkikita kami after kong makipagkita kina Tara sa Narnians' Café, itinext ko na lang siya na daanan ako roon. Pero parang may mali sa sinabi ko. Anong gagawin ko sa bouquet na binigay sa akin ni Caleb?

Unang umuwi sina Rosy J. at Donna J. kasi may gig pa sila later tonight. Sabay na ring lumabas ng café sina Tara at Caleb. At naiwan kami ni Lucy.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kayo na ni Bryan. No, ni JB Tomlinson," untag ni Lucy na tila ba'y manghang-mangha sa kanyang nalaman.

"Ako rin. Ewan ko nga ba. Hindi ko rin 'to naisip kahit minsan na mangyayari. Na-realize ko na nga lang din na gusto ko siya. Ganoong kabilis. Sabagay, ang isang relasyon naman ay 'di natatapos sa isang 'oo' lang. Maaaring ito pa nga ang magbukas ng napakarami pang pintuan para sa mas marami at masasayang pangyayari sa buhay natin," paliwanag ko. Nakatitig pa rin sa akin si Lucy na tila ba'y naaaliw sa pagiging mushy ko. "Kami kasi ni Bry, naniniwala kami na tayo mismo ang sumusulat ng ating kapalaran. Tayo mismo. Tulad nga ng sabi ng paborito nating poet na si Pablo Neruda, may kalayaan tayong pumili at magdesisyon pero dapat handa rin tayong harapin ang kahihinatnan ng mga desisyon natin", paliwanag ko. "At ngayon alam kong handa na ako para doon."

"Bes, in love ka na nga sa kanya. Hindi ka naman ganyang ka-poetic dati. Grabe. So paano ba ma-in love sa isang JB Tomlinson," pag-uusisa ni Lucy.

"Siguro dapat ang tanong ay paano ba ma-in love ang isang JB Tomlinson?" sabi ko naman na kinikilig pa rin sa ideyang kami na ni Bryan.

"'Yan tayo e. Basta, nandito lang ako Sash when you need me. Alam mo namang suportado ko lahat ng kabaliwan mo. H'wag mo lang sosobrahan ang pagkabaliw sa pag-ibig na 'yan. Alam mo naman, lahat ng sobra ay hindi mabuti," natatawang pahayag ni Lucy. I just love her.

"Oo naman, Lucy. Alam kong hindi madali itong relasyong pinasok ko. Nandiyan ang maraming fans niya who'll soon hate me, at ang mga kaibigan niya na baka isiping ginagamit ko lang si Bryan. Basta masaya ako. At mas masaya ako na nandito ka ngayon, Lucy. Kanina nga, I just felt na ayaw ng lahat sa amin. Kasi gulat na gulat kayo. Kaya salamat sa ngayon."

"Ikaw pa! That's what friends are for..." pakanta niyang sambit. Pagkatapos nito ay niyakap niya ako.

"Ay bes, may isa pa pala akong favor sa'yo," pahabol ko na siya namang bitaw ng yakap niya.

"Hay naku, ano 'yon?" mataray niyang sagot. Ganoon kasi kami mag-asaran.

"Eh kasi 'tong bouquet ni Caleb...," nahihiya kong sabi.

"Don't tell me... Ikaw talaga, Sash. Sige na akin na. Haba kasi ng hair."

Pagkaalis ni Lucy ay dumating na rin agad si Bry.

"Lunch?" bungad niya sa akin.

"Saan mo gusto?" tanong ko.

"Ikaw na bahala." Eto rin problema namin nina Tara. Hirap kaming mag-decide kung saan kami kakain 'pag magkakasama kami.

Agad din naman kaming lumabas ng café at sumakay kay Carlos. See, nasasanay na rin akong tawaging Carlos ang SUV niya.

Nakatitig ako sa kanya habang nagmamaneho siya. 'Di pa rin ako makapaniwala na na-in love agad siya sa akin sa loob lamang ng ilang linggo.

"O bakit ka ganyang makatitig?" nakangising tanong niya.

"Wala lang. Masaya lang ako na kasama kita."

"Aw. Mas masaya ako, babe. Mas masuwerte. At mas mai-in love pa ako sa'yo araw-araw. Promise 'yan."

"Naman. Ako na yata ang pinaka-suwerteng babae sa mundo dahil sa sinabi mo," banat ko.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now