11. Sweet Treats (Part 1)

1.4K 85 27
                                    

Bryan

Hindi ko maiwasang mapatitig sa ngumingiting mga mata ni Sasha. O sa nagsasalita niyang mga ngiti. Pero hindi ko pa rin gusto na makita siyang kasama ang lalaking kausap niya kanina. Kung hindi ako nagkakamali, ito rin ang lalaking sumalubong sa kanya noong inihatid ko siya kina Tara last Sunday na tinawag niyang Caleb. Kaya naman 'di ko agad napigilan ang sarili kong tanungin siya kung kasama niya ba talaga ang lalaking 'yon. Ang tanong na ibig malaman kung ano nga bang mayroon sa kanilang dalawa, kung boyfriend niya ba ito. Pero hindi ko inakalang ibabalik din sa akin ni Sasha ang tanong na 'yon. Of course, I had to tell her the truth na wala naman talaga akong girlfriend.

"Asus. Kilala ko na," mabilis niyang sagot. Akala ko magiging awkward ang usapan naming 'to.

"Weh. Sino?" agad kong tanong. Ngayon mas malapit na ang mukha namin sa isa't isa.

"Hmmm. Basta ang alam ko maganda siya." She rolled her eyes.

"Para namang hindi?" mabilis kong sagot. "Hindi... biro lang. Kung ang mga mata ko lang talaga ang magdedesisyon, masasabi kong siya na ang pinakamagandang babae na nakilala ko. At take note, hindi nagsisinungaling ang mga mata ko."

"Now, you're being poetic, Mr. Writer," tudyo niya. Nandoon pa rin ang tigas ng bigkas niya sa salitang writer. "Hmmm. Feeling ko kilala ko na talaga siya. Maarte ba 'to?"

"Hahaha. Maarte... oo! Ang conyo pa nga niya minsan eh," natatawa kong sagot.

"Conyo ha! Interesting." Napapaumis siya. "Sige na, order na muna ako ng coffee natin."

"Teka Sasha," tawag ko sa kanya nang nakatalikod na siya sa akin para pumuntang bar at umorder ng kape namin.

"Oh bakit?" Parang ang slow-mo ng lahat habang lumingon siya pabalik sa akin.

"Alam mo na order ko?"

"Yup. Hindi kaya ito ang first time na nag-coffee tayo. Mocha, right?"

"Wow. That's very awesome of you. Sige, mocha's perfect!"

"Bakit may gusto ka pa bang iba?"

Gusto kong sabihin sa kanya na isa lang naman ang gusto ko. Siya lang. Pero hindi siguro ang coffee shop ang tamang lugar para ipagtapat ko sa kanya ang nararamdaman ko. Pinagmasdan ko siyang umorder ng dalawang mocha frappe in grande, at ang bawat arte ng kilos niya. At sa tuwing lilingon siya sa akin, dahil siguro nararamdaman niyang pinagmamasdan ko siya, hindi ko na mapigilan ang mga muscle sa mukha ko na bumuo ng isang ngiting gustong lumapit sa mga labi niya.

Sasha

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang naging koryente ang dugong dumadaloy sa mga ugat ko na kumikiliti sa pumping station nito, na 'pag itinigil mo ang koryenteng iyon ay titigil na ang pagtibok nito. Paano niya nagagawang guluhin ang sistema ko?

Marami kaming napag-usapan pagbalik ko sa table namin. Dito ko na rin nabanggit ang bago ko na namang favor na hihingin sa kanya. Kapag nalaman 'to ni Ms. Jayne, baka masabi na niyang user talaga ako. Nahihiya rin naman akong i-open 'yong favor na 'yon kay Bryan dahil baka isipin niyang kaya ko siya in-invite mag-coffee ay dahil sa may kailangan na naman ako sa kanya. Hindi talaga. Nauna ang invite ko sa kanya bago ako nangako kay Rosy J ng interview ko with Sir Chuck. Tamang tama namang magkikita raw sila ni Sir Chuck next week kaya isasama na lang daw niya ako. #ThePerksOfBeingWithMrWriter

Siyempre, inihatid ako ni Bryan sa bahay. Nagpupumilit siyang bumaba pero pinagmadali ko na siyang umalis pagkababa ko ng SUV niya. Siguro hindi pa nga ito ang tamang panahon para imbitahan ko siya sa loob ng bahay namin.

Pagpasok ko sa kuwarto ko ay 'di ko napigilang tawagan sina Tara at Lucy para ikuwento sa kanila ang pagkikita namin ni Bryan. Mabilis lang din kaming nakapag-usap kasi tinawag agad ako ni mama para kumain na.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now