16. The Phone Call

1.1K 72 29
                                    

Bryan

Ihahatid ko na ngayon si Sash sa bahay nila. Maingay ang hanging nadidiliman sa gabi. O sadya lang bang wala akong ibang tunog na marinig? Tahimik pa rin si Sash na parang hindi mapakali sa kinauupuan niya. Minsan, tatanggalin niya ang seatbelt niya para muli itong ikabit. Paulit-ulit niya iyong ginagawa—nang tahimik. At hindi ko gustong tahimik siya, mas gusto ko na maingay siya at inaasar ako. Pero kasi, ayoko pa sana siyang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama nang mas matagal ngayong gabi. Sayang ang mga inihanda ko para sa gabing ito. Kaya ayon hindi ko rin mahanap ang boses ko.

"Galit ka ba?" tanong niya na bumasag sa katahimikan namin. Nakatitig siya sa akin with her guilty face.

"Hindi, babe. Hindi mo lang matitikman ang lulutuin ko sana ngayon," tugon ko naman. Medyo madrama yata ang pagkakasabi ko nito.

"Ay sorry, babe," malungkot na naman niyang tugon. Tatahimik na naman ba siya? Kailangang magsalita pa ako.

"Okay lang may next time pa naman," sabi ko. "Bukas, 'di ba weeksary naman natin, saan mo gusto pumunta?" dagdag ko.

"Ay, oo nga pala. Ang bilis. Hmmmm. Basta kasama ka, okay na ako."

"Ang sweet naman ng babe ko." Inabot ko ang kaliwang kamay niya at bahagya itong pinisil.

"Sorry talaga, KJ kasi 'tong ulo ko e." Hala, nagso-sorry na naman siya. Tatahimik na naman kami.

"Gusto mo i-massage ko?" alok ko. Hindi naman siya sumagot. Ngumiti lang siya. Tatahimik na ba ulit siya? Ano bang pinuproblema niya? "H'wag na nga. Baka ma-tempt ka pang halikan ako?" asar ko.

"Whoah. Ako pa ang manghahalik? Ikaw nga ang nakaisip ng ideyang 'yun e."

"Tahimik mo kasi e."

"Ang g'wapo mo kasi e," natatawa naman niyang sambit.

"Sadya." Bigla kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Kinurot naman niya agad ako sa pisngi.

"Kaya nga marami akong kaagaw e," bulong niya. May mga bulong na sadyang gusto mong marinig ng iba. Isa ito roon.

"Teka, teka, nagseselos ba ang babe ko?"

"Hindi 'no, ba't naman ako magseselos? Feel na feel mo naman ang pagka-g'wapo mo. I'm not jealous, okay."

"Weh, halata kaya. Kanino 'oy?"

"Si Ms. Jayne k-kasi. Bakit kasi nagde-date pa rin kayo?"

"Date? 'Yung sa café niya? Wala 'yon. Hindi ka ba kumportable na nagkikita pa rin kami? Sabihin mo lang."

"Oo kasi ex mo siya."

"Alam mo na pala." Nagulat ako kasi hindi ko pa 'to nasasabi sa kanya.

"Oo kaya. Alam na kaya ng buong school."

"'Uy, ang sikat ko pala," natatawa kong banat.

"Seryoso ako." Seryoso nga ang mukha niya.

"Eh 'di nagseselos ka nga," asar ko pa ulit. Walang reply. Kaya kailangan kong magpaliwanag. "Pero 'di ba alam mo namang magkaibigan lang naman kami? Malaki ang pinagsamahan namin. Pero kung 'di ka talaga kumportable sa pagkikita namin, 'di ko na lang itutuloy 'yung project ko sa kanila."

"H'wag namang gano'n. Ayoko naman ng inilalayo kita sa mga kaibigan mo."

"'Yun naman pala. H'wag kang mag-alala, ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. 'Yung sa 'min ni Jayne, matagal nang tapos 'yon."

Sasha

Nakakainis lang na parang ang daming may ayaw sa relasyon namin ni Bryan. Pero hindi ko siya isusuko. Hindi ko na lang didibdibin ang mga sinabi sa akin ng ate Bree niya.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now