15. Against All Odds

1.1K 74 16
                                    

Sasha

It's weird to see Lucy talking to Caleb in the hallway of DJR building. At isa pa, mukha silang seryoso sa pinag-uusapan nila.

"Sash, nand'yan ka na pala. Itong si Caleb kasi nagpapatulong sa'kin sa project niya?" paliwanang ni Lucy nang sumingit ako sa usapan nila.

"A-ah oo, Sash. Napakabait nga pala nitong si Lucy kasi pumayag na agad siyang tulungan ako," dagdag ni Caleb na nakangisi kay Lucy.

"Hoy Caleb, 'di pa ako umuoo!" bulyaw ni Lucy na bahagyang nakangiti. Napakamot naman sa ulo itong si Caleb.

"Sige na Lucy. Please," pakiusap ni Caleb.

"Ano ba kasing project 'yan?" pag-uusisa ko naman.

"Secret," sabay namang sagot ng dalawa. Bahala nga sila. Nakakatuwa lang si Caleb at parang hindi nangyari 'yung sa Narnians' Café at 'di kami naiilang sa isa't isa.

"So paano iwanan ko muna kayo? May kailangan pa kasi akong tapusin. See ya later, bes. Bye, Caleb." Yes, marami akong kailangang gawin ngayon. Pinapaulit lang naman ni Ms. Jayne ang buong Chapter 4 ng thesis ko. Galing nga ako sa kanya ngayon at tumatak talaga sa utak ko ang mga sinabi niya. "What's this non-sense, Sasha? Alam mo ba na dito sa thesis na 'to nakasalalay ang pag-graduate mo? Kung anu-ano kasing inuuna mo. Focus, Sasha. Thesis ito, hindi isang manuscript lang na walang chance ma-publish." Oo sinabi niya 'yon. Kaya naman mangiyak-ngiyak akong lumabas ng faculty room.

Wala ba talagang kuwenta ang nagawa ko? Dahil ba mas naging busy ako ngayon kay Bryan? Dati naman noong wala pa akong boyfriend, okay sa kanya 'yung mga pinapasa ko. Mali ba na nakipagrelasyon agad ako? 'Di ba 19 na naman ako? O mali ba na kay Bryan ako na-in love?

Pagkatapos kung aralin ang magiging bago kong Chapter 4, I decided to finally go home. Hanggang sa makasalubong ko si Rosy J. sa may lobby.

"Sash, thank God I found you here. I have something to tell you. Nakita ko si JB, your Bryan, kasama si Ms. Jayne sa Kismet Café. I thought I have to tell you," kinakabahang pagbabalita sa akin ni Rosy J.

"Ah. They're friends. Since college so I supposed it's just a friendly get together," sagot ko naman kay Rosy J. kahit sa loob loob ko ay lalong namuo ang galit ko kay Ms. Jayne. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya? Si Bryan ba? I didn't mention to Rosy J. na ex-gf siya ni Bryan.

"Ah. I'm sorry if I over-reacted to what I've seen. Basta girl, shield your heart. Okay, alis muna ako. Mag-eedit pa ako ng articles natin," pamamaalam niya.

"Thanks, dear. I appreciate you telling me that." Bigla na lang nag-flash sa utak ko ang itsura ng dalawa habang masayang nagkukuwentuhan at umiinom ng kape. Nakikita kong tumatawa nang malakas si Ms. Jayne. At nakikita kong nakatitig sa kanya si Bryan. So I had to check it myself.

Pagdating ko sa Kismet Café, wala na roon si Bry. Si Ms. Jayne na lang ang naabutan ko.

"Yes, Sasha? How can I help you," mataray niyang bungad sa akin. Nasa counter siya so I assumed kakilala niya ang may-ari ng shop o siya mismo ang may-ari nito.

"Ah. Wala po. I was just looking for MY boyfriend. I thought he's here."

"Oh really. Your boyfriend. Bakit naman hindi ka inform sa mga pinupuntahan niya?" Ngayon ay nagsusuot na siya ng red apron. Lumapit siya sa isang malaking coffee maker na katabi ng iba pang mga makina sa may counter. Tinali niya ang buhok niya into ponytail para mas lumabas ang magandang features ng mukha niya, kung gaano siya kaganda kahit pa anong itsura ng buhok niya.

"Ah siguro po kasi may tiwala ako sa kanya. Sige aalis na po ako, madami pa po kasi akong gagawin." Gusto ko na kasing takasan ang usapan naming 'yon.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now