Epilogue

1.6K 78 42
                                    

Sasha 

Nang iwan ni Sky si Shara, masuwerte si Shara dahil may Clyde naman na laging nandiyan para sa kanya. Tulad ng pag-ibig ni Shara kay Sky, wala man iyung katumbas, hindi man iyon kayang palitan ng kahit na sino, ang totoong pag-ibig ay mapagpalaya. Hindi ka nito ikukulong sa isang kuwentong may wakas.

Hindi man nabanggit ang bahaging ito sa librong 'Evaporatus' at sa manuscript kong 'Blown Sky-High', nakasisiguro ako ngayon na masaya na si Sky para kina Shara at Clyde. Dahil ako, masayang-masaya ako para sa kanila.

Siguro nga, tayo lang naman din ang nagdedesisyon kung ang kuwento ba nating nabasa ay may masaya o malungkot na wakas. Sa akin kasi, mas mahalaga pa rin ang mismong paglalakbay. 'Yung ngayon—kung paaano mo ito sinusulat at kung ano ang mismong sinusulat mo. Ngayon nga, naniniwala na ako na tayo mismo ang sumusulat ng ating kapalaran. Oo't may darating at darating na 'di mo inaasahan, pero hindi 'yon sapat para baguhin nito ang istoryang ikaw ang mismong bida. Tandaan, ang oras ay tumatakbo pero kaya natin itong sabayan kung ngayon pa lang ay kumikilos na tayo.

Tulad ng umibig, masarap ding mangarap. At minsan, sadya palang may mga pangarap na 'di natutupad kasi may mas maganda palang nakalaan para sa'yo. Tulad nga ng pag-ibig, minsan kailangan mo ring habulin ang iyong pangarap. Bilisan mo ang takbo. Kahit na sa takbong iyon ay hindi mo na mamalayan na may iba ka pa palang mga bagay na matututunan. Habol lang nang habol hanggang sa mapagtanto mo na ikaw na pala ang hinahabol nito. Gano'n ang pag-ibig. May mga surpresang 'di mo inaasahan.

Anim na buwan na rin ang nakalilipas simula nang maaksidente ako. Marami na ang nagbago. May diploma na ako ngayon. Masaya akong naisama ko na naman si mama sa entablado kanina habang tinatanggap ko ang medalya ng pagiging Cum Laude ko. Mas masaya naman ako para kay Lucy at natupad na rin niya sa wakas ang pangarap niyang magtapos bilang Suma Cum Laude awardee. May dine-date nga raw siya ngayon, pero 'di pa niya sinasabi sa akin kung sino. Sabi niya, kilala ko raw 'to kaya super excited na talaga akong ma-meet ito. Parang si Caleb, ayaw pa rin sabihin sa akin ang masuwerteng babae niyang dine-date.

Pero ang mas ikinatuwa ko ay pagkakatanggap ko pa ng isang special award. Nakuha ko lang naman ang Best Thesis Award dahil daw sa mahusay kong pagkakaggawa sa aking thesis. Credits to Ms. Jayne, dahil kung hindi siya ang adviser ko ay 'di ko iyon magagawa nang mas maayos. Kaya naman pala gano'n siyang ka-istrikto. She wanted the best for me.

"Anak, salamat at 'di ka sumuko, proud na proud si mama," sabi ulit ni mama. Nandito kami ngayon sa isang fine-dining restaurant kung saan namin ipinagdiriwang ang mapagpalang araw ng aking pagtatapos. Kasama namin sa table sina Shiver, Bry, at si Papa.

"Sabi sa'kin ni Sir Chuck, simulan mo na raw magsulat ng bagong manuscript mo, babe," sambit naman ni Bry. Napangiti si mama dahil may bigla siyang naalala. And then my phone suddenly rang. It's tita Tisha. Tumingin sa akin si mama na parang sinasabing okay lang na sagutin ko ito.

"Hello, tita Tisha. Bakit 'di na kayo sumama kay papa? Sunod ka, nandito pa kami sa resto," yaya ko rito.

"Gusto ko nga sana, Sash, pero may inasikaso nga kasi ako kanina. At... excited na akong ibalita 'to sa'yo. Pero h'wag mo munang sasabihin sa papa mo ha," sabi pa nito.

"Ohmigod, tita Tisha. Bigla akong na-excite. Ano 'yon?"

"I'm pregnant," amin niya. Napakasaya ko nang marinig 'yon. Sabi nga nila, life begins at 40. At panibagong yugto na naman ang haharapin nina tita Tisha at papa. Masaya ako para sa kanila. Ano kayang ipapangalan nila rito?

"Anong sabi ng tita Tisha mo, Sash?" pangungulit ni papa.

"Secret, papa. Pag-uwi mo na lang daw," sagot ko rito. Hindi ko mapigilang mapangiti para lalong magtaka ang lahat sa kung anong sinabi sa akin ni tita Tisha.

"Gusto ko ring malaman, ate! Papa, p'wede ba akong sumama sa inyo mamaya?" sabad naman ni Shiver.

"Shiver, baka maraming gagawin sina papa mo ngayon," saway ni mama.

"Hindi, anak. Sige sama ka sa'kin, matutuwa ang tita Tisha mo. 'Tsaka para makuha mo na rin ang mga bago niyang tinahing damit for Snow," tugon ni papa.

Tuwang-tuwa ang kapatid ko. Ayon, sumama nga siya kina papa. Hinatid naman kami ni Bry pauwi.

Pagdating namin sa harap ng bahay namin, nagulat ako sa bisitang nag-aabang dito. May dala siyang bouquet at isang paperbag. Inabot niya sa akin ang paperbag na may lamang regalo. Pero ang bouquet ay nanatili sa mga kamay niya.

"Maraming salamat po, Sir Chuck at nag-abala pa kayo," pagpapasalamat ko rito. "Babe, halika na muna sa loob," yaya ko naman kay Bry para maiwan si mama kay Sir Chuck. May kakaiba sa mga titig nila na hindi ko maipaliwanag. Oh well, kung 'di ako naaksidente ay baka 'di nila nakilala ang isa't isa. Minsan kasing sumama si Sir Chuck kay Bry nang dalawin ako nito sa ospital habang nagpapagaling pa ako.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay 'di ko na napigilan ang sarili kong halikan si Bry. Sana matagalan pa ang pag-uusap nina mama at Sir Chuck sa labas. Sobrang lambot ng mga labi ni Bry. Napasandal ako sa may pintuan. Natakid ko ang nakakalat kong sapatos. Napataas ang kanang paa ko at napabitin ako sa batok niya. Tuloy-tuloy na sana ito nang bigla na namang mag-ring ang phone ko.

"Okay lang, babe. Go, sagutin mo."

Ramdam ko pa rin ang mga labi niya sa labi ko. "Hello, who's this?" tanong ko na medyo disappointed ang tono.

"Is this Sasha Suarez?" tanong ng boses ng isang babae na galing sa kabilang linya.

"Yes, speaking. Who's this? How may I help you?"

"Hi, I'm Ana from Zhyx Media. We've come across your thesis, and we would like to invite you tomorrow to drop by our office... so maybe we can talk about how we can publish your exceptional work...." 

◦One Day He Wrote My Story◦
Thanks for reading!!! Gusto mo pa? Basahin mo na rin ang: One Day He Wrote My Name.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now