21. Between The Lines

1K 71 19
                                    

Caleb 

Pagdating namin ni ate sa bahay, dumiretso agad siya sa kusina para makipagkuwentuhan kay ate Beverly. Sigurado akong ikukuwento na naman niya rito ang mga nangyari sa school kanina. Totoo naman kasing nakakaaliw kausap itong si ate Beverly kaya kasundong-kasundo niya si ate. At kahit nga ako, nabibiro niya. Pamilya na ang turing ko sa kanya. Tapos lagi pang wala sina mom at dad kaya mabuti na lang at may ate Beverly kaming maaasahan.

Dumiretso na ako sa kuwarto ko para magpahinga, at hintayin na lang ang tawag ni ate Beverly 'pag handa na ang dinner. Kinapa ko ang sariwang galos sa may labi ko, at tumitig sa kisame. Alam kong marami akong tanong sa isip ko na hindi masasagot ng simpleng pagtitig sa kisame. Kaya dapat may gawin ako, sabi ko sa sarili ko.

Mabilis akong bumangon mula sa aking pagkakahiga para buksan ang laptop ko. May kailangan nga pala akong i-search. Marami akong gustong malaman sa librong 'Evaporatus' ni Bryan. Gusto kong malaman ang totoong identity nina Shara, Sky, at Clyde.

Dahil sa nabasa ko na ang librong ito, alam kong taong 1995 nangyari ang kuwento. Sa pagkakalarawan sa lugar, alam ko ring dito lang sa Quezon City naganap ang buong istorya. Nabanggit kasi sa libro ang ilang trademarks at buildings na sa Quezon City mo lang makikita. Mas naagaw pa ang atensyon ko nang mabanggit sa kuwento ang swing na malapit sa Emerald Academy—kung saan kami nag-aral ng elementarya nina ate. Kaya posible ngang matagal na naming nakakasalamuha ang totoong Shara at Clyde.

Hindi na kayanin ng utak ko ang mga nababasa ko. Kailangan ko na ng tulong ni Lucy. Siya talaga ang magaling mag-analisa ng mga ganitong bagay. So I gave her a buzz.

"Hi, Caleb. Napatawag ka?" bati niya. Siguro nasa bahay na rin siya ng mga oras na ito.

"Hi, Lucy. May bago akong info tungkol kina Shara at Clyde," sabi ko. "Salamat sa'yo ha. Nae-enjoy ko na ang mga ganitong bagay ngayon. Para ngang hindi na ako ito e. Salamat sa impluwensya mo. Nagustuhan ko rin ang pinapanood mo sa aking series. May mga bago akong kopyang na-download." Natatawa ako sa sarili ko. Sinabi ko rin sa kanya ang konti kong na-research tungkol sa background nina Shara, Sky at Clyde.

"Ikaw pa. Pero ang lapit na natin, Caleb. Based on our researches, nandito lang sila somewhere sa lugar natin. At 'di ba dating college professor itong si Sky? Chances are sa school natin siya nagturo before he died. And lucky me, may access ako sa admin ng school files. Year 1995, right?"

That's what I like about Lucy, lagi siyang may paraan. Bumalik tuloy sa alaala ko ang kuwento nina Shara at Sky, ang imahe ng dalawang bida.


Tumunog ang school bell na alam kong ako lang ang nakaririnig. Nakita ko ang mukha ni Sky, ang mukha ni Shara, at ang lahat ng taong nakapaligid sa kanila.

Isang batang professor si Sky na may hilig sa pagsusulat. Estudyante niya si Shara sa isang klase. At dahil nga sa angking kagwapuhan din nitong si Sky, lahat ng mga kaeskwela ni Shara ay nahuhumaling dito. Sa madaling sabi, sikat ang batang professor. Pero iba si Shara, walang epekto sa kanya ang alindog ni Sky. At kahit ang mapanghibok nitong boses kapag nagsasalita na ito sa unahan ay walang dating kay Shara. Hanggang sa magpasulat ito ng maikling kuwento sa mga estudyante niya. Nang mabasa niya ang pinasa ni Shara, pinagbintangan lang naman niya ito ng plagiarism dahil sa ang pinasa nitong kuwento ay kahawig ng isang kuwentong nasulat niya. Kuwentong hindi na-publish pero malapit sa puso niya. At tulad ni Sash, walk-out queen din itong si Shara kasi ang tapang lang niyang lumabas ng kuwarto habang kinakausap pa siya nito.

Minsan din silang nagkasabay magkape sa isang coffee shop nang 'di man lang siya pinansin ni Shara. At kahit magkasalubong pa sila sa loob ng campus ay parang walang nakikita itong si Shara, kahit tinawag pa siya mismo nito sa kanyang pangalan. Ganoon kasi siya magalit.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now