20. All The Man That I Need

984 66 20
                                    

Caleb

Hindi ko naman ginustong makipagbugbugan sa may gym. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko nang may narinig akong isang lalaki (na kasama ang girlfriend at barkada niya) na nagsabing slut daw si Sash. Kaya 'di ko napigilang suntukin siya right on his face.

Nagulat na lang ako ng maramdaman kong nasa tabi ko na sina Sash at Lucy. Ngayon, pati emosyon ko ay 'di ko na rin kontrolado. Oo, sinabi ko lang naman kay Sash na mahal ko siya sa harap ng maraming estudyanteng nakapalibot sa amin.

"Ano bang sinasabi mo Caleb?" patanong na sagot naman ni Sasha. Manhid ba talaga siya?

"Sash, I just want to protect you," tugon ko rito. "The way I promised to him."

Bumalik sa alaala ko ang gabi nang magwala si Lucy sa victory party namin last Saturday. Ang gabing sinabi rin niya ang sikreto ni ate Tara. Nakikipagkita pa rin kasi si ate kay tito Cheb. At ang huli nga nilang pagkikita ay noong isang buwan pa sa Narnian's Cafe. Naaalala ko pa ang suot niyang green polo shirt at ang maingay niyang crane.

"Kumusta ka na, hija?" wika ni tito Cheb. "'Yan na ba si Caleb?"

"Magandang umaga po, tito," bati ko naman dito.

"Okay naman po kami. Sash is doing better," pahayag ni ate.

"Mabuti naman," wika nito. Pero malungkot pa rin ang ekspresyon sa mukha niya. "Kailan pa kaya ako mapapatawad ng anak ko?" dugtong niya.

"Tito, kaya nga pala ako nakipagkita ngayon ay para sabihin sa inyo na ito na ang last time na magbibigay ako ng update sa inyo tungkol kina Sash. Ang pangit po kasi sa feeling na nagsisinungaling ako sa kaibigan ko. Sana po maintindihan n'yo," paliwanag ni ate na 'di makatitig nang diretso kay tito Cheb.

"Naiintindihan ko, Tara. Salamat. Malaki ang utang na loob ko sa'yo," malungkot na sagot nito sabay ubo nang malalim.

"H'wag po kayong mag-alala, tito. Nandito naman po ako para protektahan si Sasha," pangako ko rito. Nagulat si ate sa mga sinabi ko.

At hanggang ngayon ay 'di ko pa rin nalilimutan ang pangakong 'yon. Kaya ganoon na rin ako ka-worried kay Sash noong nalaman kong nangyayari sa kanila ni Bry ang nakasulat sa kuwento nila. Ayokong masaktan na naman siya dahil maiiwanan na naman siya ng taong mahal niya.

Nakatitig pa rin sa akin ngayon si Sash. Siguro nagtataka siya sa mga nasabi ko.

"What do you mean, Caleb? Kanino ka nag-promise ng mga ganyang bagay?"

"Kay tito Cheb, Sash. I'm sorry."

"Oh please. Please lang, h'wag na nating isali ang taong 'yan sa usapan natin," pakiusap nito. Mabilis na nagbago ang aura niya. "Wait, nagkikita kayo? I am so disappointed, Caleb," dugtong niya. At saka niya ako iniwan. Dumating na rin naman ang Discipline Officers ng school para isama kami sa opisina.

Sasha

I don't want to hear anything about him. Siya ang pinakasusuklaman kong tao sa buong mundo. He left us. He left mom. He left Shiver. He left me. Kaya inalis ko na ang ideyang may papa pa ako sa buhay ko. Nakayanan na naman naming mabuhay ng wala siya e.

Mas nag-aalala ako ngayon sa kinaroroonan ng kaibigan ko. Gosh, iniwan lang naman niya ako sa gym kanina—sa awkward na eksenang 'yon. Dumiretso ako ng washroom para makapag-freshen up at doon ko narinig ang pag-iyak ni Lucy sa loob ng isang cubicle.

"Bes, umiiyak ka ba? Tell me, what's the problem?" tawag ko rito.

"It's nothing, bes. I'm just so broken right now. I have to tell you something."

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now