0

23.6K 574 169
                                    

Olivia's POV

I got ready. I can do this, remember Olivia kung mapiyok ka patay ka.

*Exhale*

Naglabas ako ng malaking buntong hininga bago ko hinawakan ang mic

"Isang Jolly fries large, isang choco float, at C2 isa rin" sabi ko sa mic "Yan lang po ba ma'am?"

"Oo"

"Sige po, table 16 po salamat. Yes ma'am may I take your order—"

"Olivia ako na diyan, dalhin mo muna to sa table 5, umuwi kasi si Erwan e" sabi ng kasama ko. Napatingin ako sa isang tray na punong puno ng pagkain

*gulp*

"O-oks"

Shenemayan. Ito nanaman ako sa balacing na to. Tandaan mo ang mga natutunan mo sa Barbie Charm School Olivia! Wag mong e disappoint si Blaire

Kinuha ko yun at hinanap ang table 5 at ang galing naman kasi nasa itaas pa. Okay lang naman ako.

"Table 5 ma'am?"

"Yes" sabi nung babae na nasa table 5

"Dalawang C5, dalawang sundaes, dalawang large fries, isang Wolly Spaghetti at tatlong Yuz burger, may nakalimutan po ba maam?"

"Wala na salamat"

"Miss, paki linis nga to" sabi ng isang lalaki sa kabilang table.

Agad kong kinuha ang mga kakailanganin ko at pumunta na dun.

"Okay po sir" sabi ko at nagsimula ng mag linis

"Olivia?" napa angat ako. Uhhshemss! Katropapiz pala ni ex to!

"U-uy Gin!"

"Nagtatrabaho ka pala dito?"

"Ah oo sumasideline rin"

"Ilan bang sideline mo?"

"Mga lima lang"

"Iba ka talaga Olivia, kaya nagka gusto si Johan sayo noon e" ang lakas rin maka angkat neto sa nakaraan parang close kami a

"Ahaha" sinumulan ko ng linisin

"Sino siya?" sabi ng kasama niyang babae

"Ah, schoolmate ko noon, ex ni Johan. Nga pala Olivia si Miles, girlfriend ko"

"Hi, I'm Miles, flight attendant" sabi niya sabay ngiti, hindi naman obvious teh

"Diba Olivia nakapagtapos ka ng medtech?"

"Ah oo, ano kasi nag me-med school ako ngayon kaya patuloy pag aaral"

"Ang hirap naman niyan. Aattend ka ba sa alumni mamaya?"

"Hindi e"

"Bakit naman? Matagal pa ba shift mo?"

"Actually magpapahinga lang ako" I lied, aarangkada kasi ako sa isa kong sideline. Mahirap maging broke city gorl beh.

"Ay sayang naman"

"Kaya nga, sige alis na ako" sabi ko sabay alis. Ang awkward shemsss! 

"Sige sige"

I finished my shift pagkatapos umuwi muna ako para makapagpahinga. Di ko mapigilang mapa ubo dahil sa mga usok ng mga sasakyan. Halo halo na to ah!

Amelie, MaybeWhere stories live. Discover now