34

5.8K 265 32
                                    




Amelie's POV

"Andito na ang Light Clan"

Pumasok na kami sa practice room. We'll be practicing for the whole day. Dahil sa kaba ko nawawala na pagka emo ko. Sinet ni Titus yung simulator to 4. Naging forest like ang paligid.

"Formation B!" Titus shouted. Ano? Ano yan? Para ba tong cheerleading?

Nagtakbohan sila. Si Shella ay umakyat sa isang puno at sinundan siya ni Khalil at Lillian. Si Alyanna kasama ni Troy papunta sa side opposite kina Shella, at si Titus naman naglakad paderitso.

"Amelie! Dito!" tawag ni Alyanna. Agad naman akong tumakbo papunta sa kanila.

Nagsilabasan ang mga hologram bot at dahil si Titus lang ang di naka tago siya ang una nilang tinira. Nang pagkaguluhan na si Titus ng mga bots ay sumugod si Khalil at pinatilapon ang mga bots na naka palibot kay Titus gamit ang unique niyang earth manipulating.

Sunod na sumugod si Alyanna at inatake ang mga bot na nasa himpapawid gamit ang plant manipulation niya. May nakakita sa kanyang bot at aatakihin sana siya but a dagger hit the bot from a tree, si Shella.

Sunod sunod ng sumugod ang iba. Troy shifted into Khalil, they moved to where Shella is at inatake nila ang mga bot na papunta sa kanila, si Shella naman tudo ang pag tira ng dagger. I checked on their telepathy and they're communicating well there. Eh ako? Anong gagawin ko?

"Amelie on the east!" Titus said. Teka san ulit yung East?

"Amelie dun!" turo ni Alyanna. Ah sabi ko nga. Pumunta ako dun at agad akong inatake ng mga bot na nakakita. Gamit ang water manipulation ko ay napatumba ko ang mga umaatake sa'kin.

Nobayan cue "Feeling Good" nga! Char

At first nahihirapan pa ako kasi pa exchange exchange sila ng position, parati akong sinisigawan ni Titus kung san ako dapat pumunta. Minsan dahil sa pagka taranta ako sa "Amelie dito!" "Amelie North" "Amelie wag diyan" or kung ano pang ekek nadala ako sa pa earthquake nila Khalil.

"AH!"

*BOGSH*

Ayun nahulog ako sa patibong nila.

"Let's take a break" Titus. Tama, kasi yung buto ko break na break na.

Umupo kami para makapag pahinga. Nagagaya pala ni Troy ang unique ng ginagaya niya pero kalahati lang ang intensity ng power, mas powerful yung ginagaya niya mas grabe yung pagkain ng energy niya kaya malabong magaya niya ang unique ng napaka high-end users, kaya kailangan niyang maging malakas para makaya ng katawan niyang mag shape shift sa mas mataas na panahon. Si Shella naman di niya masiyadong nagagamit ang unique niya kasi wala namang isipan ang mga bot but she's really good with her weapon use. Sa totoo ako ang pinaka lampa sa'min.

"Let's have a 3 on 3" NO DAW? R u oke? R u kidding? 

Halos mawalan na nga ako nang malay kahit bot pa yun tas ngayon 3 on 3 pa? Okay lang naman sana yung ako lang isa eh kasi malaya akong nakaka kilos pero ngayon na may team akong kailangang ambagan, nakakatakot kumilos kasi baka one move lang masisira mo ang line up.

At dahil di na namin napigilan si koyah Titus nag 3 on 3 nga. We threw lots to determine the teammates. Kasama ko si Khalil at Shella, magkasama si Titus, Lillian at Troy. Nobayaaannn, ang daya naman! Audience lang si Alyanna.

"Amelie dun ka sa una, I'll be on the back and Shella on the middle"

"Okay" yun lang nasabi ko pero di ko talaga gets

Amelie, MaybeWhere stories live. Discover now