6

7.9K 347 55
                                    


Amelie's POV

Diritso lang siyang nakatingin sa'kin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya

Luh naniii? Bakit ko yun sinabi? Shiiimmssss, ang awkward netoooo. Ano na gagawin ko? Aaaaaaaaa

Sabihin ko na practice lang? Drama? Iniisip niya siguro na nagluluksa ako kasi heart broken akoooo I mean sad naman talaga si Amelie, pero diba ako si Amelie? Pero san si Amelie na Amelie? AY EWAN!

Pasimple akomg tumayo, nag bow at nag fast walk. Paglabas na paglabas ko sa kwartong yun ay kumaripas na ako nang takbo. Runrunrunrun

Nekekeheyeeeeee

Tinext ko sila Vanessa na uuwi na ako kasi "I'm not feeling good" charz.

Pagdating ko sa kwarto ay nakita ko si Marie na nag aayos ng mga gamit pero di ko na siya pinansin at tumalon papunta sa kama.

Nilagay ko ang ulo ko sa mga unan at

"Aaaaaaaaaaa"

Ayoko ng lumabasss, di na ako mag aaral! Mag aasawa nalang ako ng engineer na pogi!

"Are you okay miss?" Marie. Umupo ako at tiningnan siya with my problematic face.

"Marrieeeee, isa ba akong kahihiyan?"

"Uhh—"

"Isa akong kahihiyan Marieee!! Bakit ko ba kasi ginawa yun?? Sa tanang buhay ko hindi pa ako naka iyak sa tapat ng ibang tao"

Nakita ko ang bahagyang pag ngiti niya "Would you like to have a cup of tea miss?"

"Nakaka kalma ba yan?"

"Possibly"

"Sigesige, bigyan mo ako yung dalawang gallon"

>

Gabi na. Nakatunganga lang ako sa ceiling, hindi pa ako inaantok.

*Knock* *Knock*

Ah shoowwwtt PIKIT!

*Opens Door*

"Amelie?" si Vanessa yun ah, wag kang didilat, kung didilat ka patay ka.

*sigh*

*Closes Door*

Ayoko na dito. Gusto ko ng bumalik sa amin.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naging matiwasay naman ang pag tulog ko pero gumising ako na tense.

"Marie" bulong ko ng pumasok si Marie

"Nangdiyan ba sila sa baba?"

"The duke is in his office and the duchess is in their room miss"

"Hay mabuti naman, daliii kailangang di nila ako makita, san pala uniform ko?"

"Ma'am you won't be going to school today"

"Ha?! Bakit?"

"The duke said that you are grounded for 5 days"

"HA?!"

Para akong nasa mental hospital! Wala akong ginawa kundi mag ikot ikot sa kwarto ko, kadalasan sa terrace. Kahit kasi sa garden o bakuran hindi ako pinapalabas. Sabi pa ni Charles "Stay in your room and reflect what you've done"

Hinahatdan naman ako ng pagkain syempre. Dahil sa bagot ko minakeupan ko nalang si Marie, nung una hesistant siya pero napilit ko.

"Gawin kitang magandang version ni Annabelle"

Amelie, MaybeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang