41

5.2K 272 17
                                    




Amelie's POV

Pag gising ko ay nakita ko ang madilim na paligid pero dahil sa light mula sa kalangitan ay nakikita ko ang mga anino ng mga tao dito.

"She's awake" Khalil.

"Nasa puno tayo na tumutubo sa gitna ng falls" Shella, napatingin ako sa baba, totoo nga, there's water surrounding us.

Napahawak ako sa throat ko. I'm thirsty.

"O" sabi ni Lillian sabay bigay sa'kin ng anim na bote ng tubig "Ibigay mo lang sa'kin pag wala nang laman para malagyan ko" tumango ako as a thank you and immediately drank the water.

Halos mapaiyak ako ng tumama ang tubig sa dila ko. I was so thirsty that I thought I would die. Delikado talaga pag kulang kulang ako sa enerhiya tas magco-convert kapa ng energy to unique.

Ikalawang pabalik balik si Lillian sa tuktok ng falls para kumuha ng tubig, nakonsensiya na nga ako eh.

"Salamat" ako

"Walang ano man, wag kang mahiyang sabihin sa'kin kung kulang pa ha? Alam kong kailangan mo ng maraming tubig"

"Ok, thank you"

Naglibot libot ako sa paligid. Mabuti nalang at maingay ang falls kaya malaya kaming nakakapagsalita. Nakikipag usap si Lillian kay Titus at si Shella naman ginagamot si Khalil. Si Troy naman pabalik balik na naglalakad na para bang di mapakali.

"San si Alyanna?" ako. Napatigil si Troy.

Nagkaroon ng kaunting akward silence.

"Aa--" Shella

"The vehicle she's riding was attacked, she was able to get away but her earpiece got broken"

So this means nahiwalay si Alyanna sa'min, this is bad. Kaya pala kanina pa tahimik si Troy.

"We don't have to worry, we know how strong Alyanna is. Just as plan, we're moving to the center of the next safe zone. Magpahinga na kayo"

Pumunta ako sa isang sanga at humiga, pero kahit anong pikit ko hindi ako nakakatulog, as expected.

Tumayo ako at pumunta sa toktok ng falls at umupo, kung may umatake man sa'kin sila ang sapol kasi may tubig. Ilang segundo lang matapos kong umupo namuo na agad yung mga luha ko.

Agad ko yung pinahiran, grabe naman, pwede 5 minutes munang numb?

Napatingin ako sa mga kamay ko. These hands are strong physically and unique-wise, pero di nito naligtas ang inosenteng babae na umiidolo nito.

Whenever I remember Emma's face, parang gusto kong sabunotan ang sarili ko. I could've save her, I should've.

Pano nalang pag nangyari yun ulit? Tutunganga lang ba ako hanggang wala nang matira sa'kin?

Sunod-sunod ang buhos ng mga luha ko kaya sunod sunod rin ang pagpahid ko.

*Footsteps*

Agad akong napalingon sa likod ng makarinig ako ng yapak ng mga paa.

"I already told you to get some rest" si Titus lang pala. Bumalik ako pagtingin sa unahan. "Your katana" sabi niya sabay lagay sa gilid yung katana ko. Kung nasa akin to kanina, naligtas ko kaya si Emma? Buhay pa ba kaya siyia hanggang ngayon? Shaks, until know di ko parin tanggap na wala na siya,

"Something happened?" Titus

"Naalala mo yung sinabi nilang kidnap cases na kumukuha ng unique?" napatingin si Titus sa'kin. Panay na tulo ng luha ko "Si Emma, yung designer ko. Bago ako nakateleport inatake siya sa harap ko--" agad kong kinagat ang ibabang labi ko ng mapansin kong tumitindi na yung iyak ko. I kept  on gulping hoping it would help stopping the tears pero ayaw na makinig ng sarili ko sa utak ko. I started bursting beyond control, the pain was hopelessly unbareable.

Amelie, MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon