2

9.1K 438 138
                                    

Olivia/ Amelie's POV

"You're done miss" sabi ng isang maid

"Salamat" parang naguat siya sa sinabi ko, oo nga pala maldita si Amelie at malupit sa mga katulong sila. Nabunotan lang ng isang strand ng buhok sinisanti na. Pero ako na si Amelie ngayon, isa na akong delikadezang mapagmahal sa kapwa periodt. 

Napatingin ako sa sarili ko.

0_0

HOY ANG PRETTY KO!

Nakasuot ako ng black drappy gown na may gold scale sa shoulders at open ang back, porbida magkakasakit ako neto ng di oras!

Naka loose curl rin buhok ko, mas lalo akong pumuti sa suot ko. Nakasuot pa ako ng emerald and gold head piece. Naka smoky ang mata ko kaya tumingkad ang green kong mata. LANGYA ANG MALDITA KONG TINGNAN PERO ANG GANDA.

#kontrabidarawr 

Nagsuot ako ng cloak na black rin kasi nalalamigan ako bes gabi pa naman. Pinasuot rin nila ako ng lace mask na black kasi masquerade yung theme, dahil ang extra ni Amelie pa see through talaga yung sa kanya. Siya daw pumili ng damit na to eh.

"Miss the duchess is calling you" ay shems kinabahan ako bigla. Hindi ko pa name-meet ang family ni Amelie. Basta sabi sa libro cheater daw yung papa ko, malungkotin yung mama ko at di kami close ng kuya ko at tinatarayan ko ang asawa niya, in short *family ishuzzz*

Napanganga nalang ako paglabas ko ng kwarto. Ang laki pala ng bahay nila! Alam ko namang discribed na mayaman sina Amelie pero ANG YAMAN TALAGA NILA! Makakabisado ko ba tong mansiyon na to?

Bumaba ako sa gold staircase habang naka tingin sa paligid.

*Tapilok*

....0__0

*Clears throat* nagpatuloy na ako sa paglalakad. Olivia haaaaaaa mag ayos ayos ka diyan baka pumunta ka dun na may bukol.

Nakita kong may apat na tao na naka itim sa baba. Ano to burol na bongga?

"Teh, ano nga ulit yung theme?" sabi ko sa maid "Ay--wa--what's the theme again?"

"Black and white miss"

"Ahh"

"You're finally down Amelie, took you so long"

"Forgive me father" parang nagungumpisal lang ah. Tanginang buhay to!! Ayosin mo Olivia parang awa ka hindi pa ako ready maging parol

"Let's go" malamig na sabi ng aking ama, Duke Charles Shaw, first love ni duchess Vanessa Shaw, pero di siya ang first love ni Charles, ang mama ni Adam ang first love niya kaso namatay nung ipapanganak na sana ang kapatid na babae ni Adam. Hindi pa nag 2 months ay nag asawa ulit ito dahil sa politiko at yun ay si Vanessa, 9 months later nabuhay si Amelie.

Naaawa talaga ako kay Vanessa eh, kasi before pa nag asawa sina Charles at Amanda (Adam's mother) crush niya na ito, kasali kasi silang tatlo sa isang group of friends, which is kasali rin ang hari ng Akina ngayon, yung papa ni Titus. Nung kinasal sina Charles at Amanda heart broken si Vanessa at di siya nag asawa. Namatay si Amanda at naging sadboi si Charles. Pero nung nag asawa sila Charles at Vanessa naging babaero naman ito. Vanessa's was pure but Charles was broken, she's someone you can call ideal pero mali ang minahal niya.

Kawawa naman talaga. Ako sa kanya mag hahanap nalang ako ng sugar dadd--

"Is there something in my face Willow?" 

"W-wala po" I said and then smiled. She seemed shock na ngumiti ako

"May sakit ka ba anak?"

Amelie, MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon