48

4.5K 242 33
                                    


Amelie's POV

Nakasakay ako sa vip class ng eroplano. TARAYYY! Parang gusto ko tuloy mag labas ng laptop tas mag type type.

"Hey baby girl what's your @?" biglang tanong ng isang lalaking may malalaking gold chains at nakasuot ng gucci mula ulo hanggang kuku. Rapper ata to eh.

"Sorry. I'm almost taken"

Bumaba yung eroplano sa Butuan City. Wala akong dalang security ngayon kasi tinakasa ko sila kasi isa akong quirky relatable babyghorl.

Pag dating ko dun dumiritso ako sa SM mall. Ha! Noon halos shorts wala akong mabili dito kasi ang mamahal! Ngayon

"I'll take all these please" sabi ko sabay lapag ang dalawang outfitan na binili ko, with bags ang accessories pa yan teh. Iiiii ibang iba na talaga ako ngayon! Noon ko pa rin gustong sabihin ang

"Keep the change" UGHHH! #ReachKed #Ispoiled #MoneySpender #—-

"Ah eh ma'am, kulang po ng 50 pesos"

"Ay kulang ba? Ah hehe, ito po" wag na nating pag usapan to

Nagpa hair and beauty treatment pa ako pagkatapos nanuod ng sine.

"Ang ganda niya"

"Artista ba yan?"

"Grabeeee"

"Picturan mo dali!"

Sabi ng mga tao dun sa chinitang dumaan. Che! Grabe namaaann! Pati rin ba dito di ako papansinin?

Nag book ako sa isang hotel. Nagbihis ako at sinuot yung pinamili ko.

*Spray* *Spray*

Hmmmm. Amoy mamahalin. HUAHUAHUAHUA.

Ngayon. Tayo na at pumunta sa pakay mong city, Cabadbaran! Pero isnuot ko muna yung jacket at pantalon hehe, ang over naman siguro kung pumunta ako dun tas suot suot tong light pink na gown nato—yes bumili ako ng gown tyaka house and lot sa Switzerland. Bakit? Mayaman ako e EYYYYY

Sumukay ako ng multicab papunta dun. Habang numibiyahe nakatingin lang ako sa labas. Napangiti ako ng makita ko ang mga pamilyar na tanawin: green rice fields, mountains, tiny houses, public baths etc. Nakita ko pa nga yung bahay na napapagitnaan ng mga puno eh, dream na dream ko talaga nuon na magkaroon ng bahay na ganun.

Finally nakapunta na ako sa Cabadbaran. Una akong pumunta sa school ko dati.

"Hello po maam goodmorning, ano po sadya?"

"Bibisita lang po"

"Ah sige po"

Pag pasok ko panay tingin ako sa paligid. Grabe ibang iba na ang buildings ah! Halos di ko na ma mukhaan na ito yung school ko nun.

Napapansin ko na habang naglalakad ako merong mga lumilingon.

Dahil ba maganda ako or mabaho ako? Ali sa dalawa?

"Ang ganda tol"

Hay salamat naman. Ikawww! Bilhan kita candy.

Ang dami kong memory sa school nato. Dito kasi ako nag college, dito ko nalag isipan na maging taong gubat nalang.

"Hi po, I'm from photography club po. Pwede ko po ba kayong kunan ng litrato? For our competition lang po sana"

"Ah sige" hihi "Dito lang ba?"

"Opo pwrde napo. Ophelia! Ok na daw. Sige po, ngiti lang po ate in 1,2,3"

*Click*

"Salamat po"

Amelie, MaybeWhere stories live. Discover now