18

6.4K 314 32
                                    


Amelie's POV


Puro kami kwentohan habang nagde-decorate na di na namin napansin yung oras. Mag a-alas sais na pala.

"Uwi na muna kayo girls. Ipagpapatuloy nalang natin to bukas"

"Bye madam" ako at nagpa alam narin ako sa iba. Pumunta ako kay Amber at sumakay sa kanya matapos bayaran yung nagbantay.

"Wag na hija, tumulong ka naman sa pagde-decorate e" sabi nung nagbantay

"Salamat po"

I like the warmth here. They make me feel like a real living person.

Pag uwi ko sa bahay ni Carol ay nandun na siya nagluluto. Mag ha-hi sana ako pero bigla niya akong inatake ng sandok.

"A-aray!" sigaw ko ng matamaan ako

"San ka galing ha? Nakooo ikaw talagang babae ka ikaw magiging dahilan na ma highblood ako"

"Sa market lang no, tumulong lang sa pagdecorate. Nakakabagot rin kaya rito no" inirapan niya lang ako. "Hoy, ano pala balita dun sa mansion?"

"Nako mamsh, may drama akong echi-chika"

"Ano?"

"Yun ba yung mortal enemy na nirarant mo? Yung blondie?"

"Ah, technically oo. Anong meron?"

"Nako mamsh. Ako kasi nagbabantay niyan, tas pag gising niya grabe tanong niya kung nasan siya?"

"Nesen eke? Sene ke? Mga ganun teh?" sabi ko with drama drama pa at minimi-mic taraw yung boses ni Lillian

"Ooooo. Tapos akala ko pa tatalon sa bintana! Hay nako, pero natigilan ng pumasok si master. Sabi pa ni master with his hotiedie hot hot voice niya 'leave us'" sabi niya habang minimimic rin boses ni master

"Aaaaaaaaayyy! Taray! *clap* *clap* *clap*" ako

"Kaya ngaa!! Nag away pa sila. Sagotan to the front and back tapos na bad trip si master pag labas, kami tuloy kawawa"

"Hay nako, mabuti nalang talaga wala ako dun"

"Babalik ka ba bukas?"

"Hindi na no! Baka isumbong ako nun nina Titus na naging trabahador ako sa dark clan"

"Edi ano gagawin mo?"

"Magiging tambay hehe--ARAY!" agad kong hinimas ang pinalo niyang braso "Mag ga-garden nalang ako. Sige na Carolll, pleassseeeeeee. Di kasi talaga pwede na makita ko yun si Lillian eh"

"Hay nako, pag yan mga tanim hindi tumaba sisipain talaga kita pabalik sa inyo"

"Iiiiii, labyuuuu!"

Sa gabing yun hindi ako madaling nakatulog kaya nag isip isip muna ako. Magiging okay lang ba si Lillian? Ay kaya nya na yun, hindi naman siguro siya papatayin nung master na yun e, niligtas pa nga niya eh. Mahirap ring patayin ang mga main lead.

Kinabukasan, nagtanim ako ng mga bagong tanim sa hardin ni Carol at pinangalanan ko siyang 'Hap O. Nahn'. Pinalaki ko rin siya. Tinutulongan naman ako ng mga kapitbahay namin kaya oks na oks na. Feel na feel ko na nga ang pagka farmer girl eh. 

Pagdating naman ng alas 3 ng hapon pumupunta ako sa market para tumulong sa decoration. Tas pag alas 6 umuuwi ako at kinu-kwentohan ako ni Carol sa mga pangyayari sa mansion.

Amelie, MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon