12

7.2K 347 66
                                    

Amelie's POV

Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Pag gising ko ay tumatakbo parin ang kabayo..HOY SHEMS TEKAAAAA!

"Tigil! Ay mama, ano ba? Uhhh HIYA!" shokems mas bumilis paaaaa. Mamaa "Amber stop, hoy stop! tigil! Mamaaa istap na po parang awa mo naaa"

Kinoncentrate ko ang sarili ko para pagsamahin ang mga natirang braincells ko. Shinimayan, ano ba kasi? Para? Tyaka san na ako? Patay na talaga ako neto!

Pagtingin ko sa unahan may nakita akong babae may dalang basket na tumawid SHUNGA MABABANGGA NAMIN SIYA!

"TABEEEE!!" sigaw ko napalingon naman siya sa'min

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA" Siya

"AAAAAAAAAAAAAAAA" ako. Ate sorry po baka ako dahilan bakit ka magiging kontrabida ng isang novel. 

Bigla siyang may kinuhang powder at binato yun sa'min at bigla nalang tumigil si Amber..dahilan na mahulog ako

*Bosgh*

Ereyyyy, mukha pa naunaaa!

"Hoy! Papatayin mo ba ako?!" sigaw niya. Agad akong tumayo

"Sorry po sorry, di ko kasi alam pano patigilin sorry po talaga--"

"Ay hindi! Dapat mo'tong bayaran! Nagsayang ako ng magic powde---Amelie?

Ha?

"K-kilala mo ako?"

"Ay ano nanaman bang ginawa neto? Ay hindi! Hindi kita kilala, bye!" sabi niya at nagmadaling umalis

"Teka! Kilala mo ako no? Hala ateee patulong naman" sabi ko habang sinusundan siya "Di ko alam nasan akooo, close ba tayo? Friends tayo? Di naman kita inaaway noon no? Or kinidnapp? Or pinapatay? Or--"

"Ay shut up nga! Mas umingay ka pa! Ano bang nangyari sa'yo?"

"So magkakilala nga tayo! Sabi na nga ba ehhh, mabuti nalang"

"Oo na oo na"

"Yes, friends tayo?"

"Siguro, di masiyado, mga 50 percent lang kaya wag kang pa close, pumupunta ka lang dito kung problemado ka"

"Nice, problemado kasi ako ngayon e. Pa hingi foods te, gutom na ako eh"

*sigh* "Problema ka talaga. Nako kung di lang ako mabait"

"Ano?"

"Wala! Sumunod ka lang sa'kin"

"Feel ko pinagsalitaan mo ako ng masama eh! Pero sige nalang"

"Ano ngang nangyari sa'yo? Ano nanamang klaseng aringkada ang ginawa mo at parang na amnesia ka?" dumating kami sa isang village na may mga bahay na naka konekta sa lupa (parang sa The Hobbit) at meron pang mga fields. Napa wow nalang ako. SHEMSSS GANTONG PAMUMUHAY DREAM KO BESS

"Hoy! Ano nga? May pina kidnapp ka nanaman ba at na curse ka?"

"Grabe ka naman, hindi no. May nainom lang"

"Anong klaseng alak?"

"May problema ka ba sa'kin at ang sama ng image ko sa'yo?"

"Madam, masama talaga image mo" sabi niya habang hawak ang magkabilang braso ko. Tama naman siya. Binuksan niya yung gate ng isang cutena bahay, bahay siguro to ng kapitbahay nila, char syempre sa kanya.

"So ano nga? Vodka tapos finally na bagok ka?" sabi niya habang nilalagay niya si Amber sa tabi ng bahay niya

"Kaibigan ba talaga kita?"

Amelie, MaybeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz