17

6.4K 314 11
                                    


Amelie's POV

Tumakbo ako papunta kay Carol screaming that we're in danger. She immediately acted and suggested na umuwi nalang kami sa bahay niya in which I agreed.

Halfway the road I collapsed at nagising kinaumagahan na nasa kama na sa bahay ni Carol. May note pa sa table.

Pumunta na'ko sa mansion. Magpahinga ka muna, ako na bahala mag sabi kay Portia. May pagkain sa mesa. Wag kang aalis pag gabi.

Carol.

Pag ako english teacher minus points talaga kasi walang ka header header tas may tuldok pa ang pangalan. Char.

Naligo na ako, nagbihis at kumain. At since wala naman akong magagawa, kinuha ko si Amber at pumunta sa falls sa may magubat na bundok. Actually part na nang bundok tong town nila Carol kaya hindi malayo ang pinuntahan ko.

Nakakatuwa kasi every time na dumadaan ako binabati ako ng mga taong bayan na may ngiti.

"Magandang araw rin po!" I gladly replied back as they went back to their gardening.

The people here are far more welcoming than majority of the people back in Amelie's house. I can't believe na ine-exect kong mga monster like ang mga taong lobo, di naman pala, at least the majority.

But remembering what happened yesterday, I can't help but compare the town folk's warm welcome dun kay dodong.

I mean, di ko naman dine-demand na tratohin niya ako na parang soulmate niya ako no! Assuming ako pero minsan lang.

Nagseselos lang ako kay Lillian. Kasi feel ko hindi talaga ako ang pakay ni dodong na hindi ko parin alam ang pangalan at nakaka rindi nang kaka master master.

I figured that the black wolf was the man I worked for. Ang dami ko pang tanong. Bakit nakasakay sa likod niya si Lillian? Bakit napunta si Lillian dito? Bakit parang close sila?

Di dahil sa crush na crush ko si dodong master ah. Nagseselos lang ako kay Lillian.

Huminto ako sa tuktok ng falls at niramdam ang hangin haban nakatingin sa napaka gandang view.

Feel ko kasi, nahuhulog ang lahat kay Lillian dahil siya si Lillian. Alam mo yun? Yung parang, wala naman siyang ginawa, aside from being herself, pero para bang yung lahat nalang naturally sumusunod according sa benefits niya? O diba, napapa #benefits #according na ako, di pa ako emote neto ganto ma english ko teh.

Habang iniisip ko kasi. Nung una kinilig ako kasi akala ko sinadya ni wolf master ekek na pumunta dun sa kalagitnaan ng gabi para ligtasin pero kung yun yung motives niya, bakit di niya ako pinasakay? Iniwan niya lang ako teh. Alam niya naman na marami pang rouge wolves na pwedeng magmukbang sa'kin kung aalis na siya.

Pero alam niyo sino yung pinasakay niya? Si Lillian. Ibig sabihin lang nun di talaga ako ang pakay niya, kundi si Lillian. Swerte lang ako kasi nadaanan niya ako. Kung hindi siguro sa kanya, kung hindi dahil nanganganib si Lillian, patay na siguro ako ngayon.

And that thought scares me. Unlike Lillian, I am unimportant.

After-all, my role here is to be the darkness to elevate Lillian's spotlight.

Agad kong pinunasan ang luha na tumulo.

Okay lang! At least may mga tao parin na nagmamahal sakin. Si Marie, si Carol, si Lily. O diba? Ilang months pa ako dito tatlo na mga fans ko, pano nalang kaya kung magtagal ako dito ng ilang taon? Baka tumakbo na ako bilang mayor neto. Char

*Mehehehehhe*

Hinimas himas ko si Amber.

"O diba, dagdag ka rin pala sa fanclub ko Amber. Salamat pala kasi pinapunta mo ako dito"

After some minutes I decided to visit the local market. Magsa-sanggyup ako teh bahala kayo jan mag isip pano ko gagawin yun.

Dito namin iniiwan ni Carol ang mga kabayo namin pag pumupunta kami sa mansion. Ngayon pa ako nakakabisita dito talaga pero di ko maiwasang mapansin na parang may mga dekorasyon ata silang nilalagay.

Di naman ito malayo sa town na tinitirhan namin. Tong market nato para siyang joined market ng tatlong maliliit na town.

Napatingin ako sa paligid trying to figure out what's happening. Iniwan ko muna si Amber kasi baka makadisgrasya ako at naglakad lakad.

Dumiritso ako sa nagtitinda ng cheese at bumili ng 1/4 na rolyo.

"87 shekels lahat hija" sabi ng matandang lalaki na nagtitinda. Agad ko naman binigay ang bayad ko at niligay sa basket ang nabili kong cheese.

"Kuya ano pong meron? Bakit po may mga dekorasyon?"

"Malapit na kasi ang Fall festival hija, nangyayari yan yearly. Dayo ka siguro no?"

"Ah opo eh, hehe"

Naglakad lakad pa ako nang may madaanan akong mga babaeng gumagawa nung flower designs na sinasabit nila sa mga poste.

"Dapat walang nakikita na kahoy ha? Mirna dagdagan mo pa yang sa'yo" sabi ng isang matabang babae na feel ko ay nasa 30s

"Madam K andito na po ang mga bulaklak!" sabi ng isang babaeng may dalang isang balde ng bulaklak na mukhang fresh.

"Na lagyan naba yan ng long lasting spell?"

"Ay hindi papo madam"

"Sige ilagay mo yan sa hapag, ako na ang gagawa. Nako naman oo! Binilinan ko sila na lagyan na nila, gasgas na fats ko sa pag de-decorate gagasgasin pa nila sa pag gamit ng unique? Sabihin mo kina Antonio ha? Lagyan na dapat nila"

"Opo madam"

The lady they called madam concentrated and after some seconds, green smokes came out from her hands at pumunta ito sa mga bulaklak. Wala namang nangyari sa bulaklak, it looked the same.

Pumalakpak yung nag deliver ng bulaklak.

"Ang galing niyo po talaga madam! Aalis na po ako para dalhin yung iba"

"Hala sige. Hay nako, ang dami ng bulaklak pero konti lang yung tumutulong mag decorate! Baka madatnan tayo neto sa festival ah"

"Kaya nga madam, kekerihin nalang talaga to"

"Basta maganda ang dance floor sa festival night okay na okay na ako"

"U-umm, hi po" sabi ko with all the confidence na natira sakin. Napalingon naman ang mga babae sa'kin. Magtatanong kasi dapat ako kung ano ang ginawa niya sa mga bulaklak kaso

"Ay hija tutulong kaba sa pag de-decorate? Ang bait mo naman! Sige sige, Lucia bigyan mo ng bangkito tong dilag nato. Halika hija, ang gagawin mo lang ay laagyan mo ng pa dikit ang bulaklak tapos ididikit mo sa poste. Charan!" sabi niya sabay demo pa

......0_0

"Ah hahahaha. Okay po, di naman po talaga ako nagpapahinga, as in hindi talaga"

"Nako tamang tama pag dating mo hija. Magsimula ka nalang sa posteng ito o. Ito yung pandikit tas ito yung mga bulaklak"

Pambihira nga naman o

Amelie, MaybeWhere stories live. Discover now