35

5.7K 267 14
                                    

Amelie's POV

Pagdating namin sa suite agad akong naligo, nagbihis at natulog.

Pagising ko ay gabi na. Naririnig ko na rin ang ingay sa labas, gising narin pala sila. Pumunta muna ako sa labas ng terrace para tingnan ang mga bituin.

Naging okay naman ang performance namin kanina. Syempre tudo sigawan kami ni Shella, mas sumakit ata lalamunan ko kesa sa ibang parte ng katawan ko.

*Knock *Knock*

"Pasok"

Nagulat ako nang makita ko si Shella.

"Uhh, maligo daw tayo dun sa spa sa baba para di daw sumakit kalamnan natin bukas"

"Susunod ako" sabi ko. Maya maya ay sumunod rin ako.

Pagdating ko dun si Shella lang ang nangdun.

"N-naligo na sila Alyanna at Lillian kanina, sabi ni Titus sabayan daw kita" sabi na para bang nahihiya pa. Tinanggal ko na ang towel at pumunta sa tubig.

The water is warm, may halo daw itong something na makakawala sa mga muscle aches, hindi ko alam ano yung something na yun, baka dahon ng bayabas nga yun eh.

Tahimik lang kami. Nakatingin lang siya sa gilid habang ako tulala lang sa kawalan. Di pa kasi matagal nung gumising ako kaya ngayon iniisip ko pa kung isa ba akong palaka na bumubuga ng rainbow with sparkles.

"Pwede paki abot na--" ako

"KA-KAMUSTA KA?!" Shella

0_0

"...ha?"

"Hindi!---I mean!- Hay nobayaan" sabi niya sabay face palm, okay lang ba siya? May halong druga ba ang pool na'to?

Tahimik ko nalang kinuha ang scrubb. Kung sino mang masamang espiritu na nangdito, makikipag sabunotan ako bago niyo ako masaniban.

*Scrubb* *Scrubb*

"P-pasensiya na pala" Shella

"Hmm?" grabe pamumula niya. Okay lang ba to? Or baka lasing to?

*sigh* "Pasensiya sa mga sinabi ko nung nakaraan. Naging harsh ako sa pag judge sa'yo, nasanay na kasi ako na--alam mo na" natahimik ako "Actually, napansin ko na na may iba sa'yo mula nung party. Tas nasundan pa nung pag alis mo, nung una sabi ko nagpapapansin ka lang"

"Nung kinuha ka nila Alyanna sa town, sinabi niya sa'kin ang nangyari. Nakonsensiya daw siya kasi nakita niya kung gano ka iba yung pangkikilos mo sa Light Clan at dun sa Dark. Sabi niya mukha ka dawng masaya kaya na guilty siya nung kunin ka namin, matagal niya na daw napansin ang pag iba mo pero dun daw niya na confirm. Ironic nga eh, samin dalawa ni Alyanna dapat ako yung unang makaka alam kasi may unique ako na nakakabasa ng isipan, pero nung sa'yo, kahit ilang pagkakataon nang napansin ko na nagbago kana di ko pinansin kasi mas pinakinggan ko yung thought na masama ka" mahaba niyang paliwanag

"Okay lang naman eh, expected naman" sabi ko sabay tawa ng bahagya para ma lessen yung mabigat na atmosphere pero wa epek.

"Sorry" Shella




Di ko alam pero biglang kumirot ang puso ko, matagal ko na kasing marinig ang salitang yan. Nang marinig ko yun nagka goosebumps ako, ano bayan, naiiyak tuloy ako

Agad akong napa punas nang maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Nataranta siya bigla.

"H-hala! Pasensiya na talaga--"

"Hoy okay lang haha" sabi ko sabay punas pa sa mga luha. "Teka" tumingin ako sa taas para di na tumulo ang luha. MAGSIBALIKAN KAYO MGA BOBWIT!

"Amelie okay ka lang?"

Tumango ako at ngumiti.

"Matagal tagal narin kasi mula nung makaramdam ako ng ginhawa" sabi ko habang naka ngiti.

I assured her that I was fine hanggang matapos na kami. Agad akong dumiritso sa kwarto ko at tinawagan si Marie.

"Hello?"

"hello Marie, si Amelie to"

"Uy Amelie? Kamusta ka na? Ayos ka lang ba? Kumain kana?"

Napangiti ako pero agad nawala yun kasi namuo ulit yung luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Hmm" sabi ko na may halo nang panginginig

"Amelie anong nangyari? Bakit parang umiiyak ka? Gusto mo bang puntahan kita diyan?"

"Di naman pwede kahit gustohin ko eh" reklamo ko, bahagya siyang tumawa

"Tama nga naman, wala rin akong pera pamasahe talaga"

"Marie" mangiyak ngiyak kong sabi

"O? Anong nangyare?"

"May nag sorry sa'kin ngayoonn" di ko na napigilan, nanginginig na ang bibig ko sa luha, humahagolgol narin ako

Di siya nakapagsalita.

"Alam mo? N—nung pumunta ako dito feel ko pinag bagsakan ako ng-*sob*-mundo. Feel ko mawawalan na'ko ng tino kasi sa sunod sunod na problema *cries* tapos *sniff* tapos wala pa kayo nina Carol at Lily para samahan ako" pagiyak ko, halos di na ako makapagsalita ng maayos

"P-pero kanina gumaan *sob* pakiramdam ko, ewan ko kung bakit eh, kahit isang word lang yun ang sarap pakinggan" sabi ko. Di agad nakapag salita si Marie pero nariniig ko ang pag hangos niya.

"Talaga? Mabuti yan" sabi niya, halata sa boses niya na umiiyak siya kaya mas lalo akong umiyak

"Umiiyak ka ba Marie? *cries*"

"Masaya lang naman ako"

"Kasi? *sniff*"

"Sa lahat ba nang pinag daanan mo, kahit nung time na hindi pa nawala memorya mo, nakikita ko na kung pano ka naghirap kahit hindi mo sinasabi sa'kin alam kong minsan di ka nalang umiiyak kasi di na yun sapat para malabas mo ang sakit. At sa lahat ng pagkakataon na umiyak ka, ngayon kapa umiyak dahil sa tuwa"

Napayakap ako sa unan at sinubsob dun ang mukha ko.

"Gusto mo bang mag usap pa tayo or magpapahinga kana?"

"Mag usap muna tayo mamaya na ako matulog, okay lang ba? Di ka ba matutulog?"

"Mamaya na rin"

Dalawang oras kaming nag usap ni Marie, di pa nga sana ako titigil kaso ininsist niya na na matulog ako kasi may parade daw bukas. At dahil medyo inaantok na naman talaga ako ay natulog na ako.






______________________________________________________________

WASAP! Sori late na'ko nakapag update, nanuod kasi ako ng anime kanina hehe.



"By His stripes we are healed"

--Isaiah 53:5

Amelie, MaybeWhere stories live. Discover now