C-2

54 5 0
                                    


Nem Pov

“Oh! Eto na ang pagkaing hiniihingi mo, dinamihan ko yan para mabusog kayo. Tsaka pakisabi kay Nay Carol na---”

Hindi na natapos ni Joseph ang sasabihin niya ng sinuntok ko siya ng mahina sa braso niya at pinandilatan ko siya ng mata.

“AWW! Ang sakit ah!” reklamo niya.

“Anong nay Carol? Bakit kapatid ba kita? para nanayin mo siya?”  sarkasitikong tanong ko sa kanya.

“Ito naman! Kahit kalian ang sadista mo! Parang Ninananay lang eh!.” parang batang ani niya.

“Oy joseph di mo siya nanay, dahil nanay ko yun!.” Asar na sabi ko sa kanya.

“Oo na! kulit! Pero hayaan mon a tatawagin ko din naman siyang nanay pag tayo na.” biro pa niya at itinaas taas pa ang kilay niya ng bahagya.

“Yakk! Mananaginip ka na ngalang gising pa” kunwaring nandidiring tugon ko sa kanya.

Sa halip na patulan ang pagkaisip bata ko ay tumawa lang siya at bahagyang ginulo ang buhok ko.

“Uyy ano ba!? Wag mo nga’ng guluhin ang buhok ko, baka mapagkamalan akong ginahasa neto eh!” suway ko sa kanya. At tinampal ang kamay niya.

“Sige na! kukuha lang ako ng t-shirt sa itaas tapos ihatid kita sa inyo, umupo ka muna diyan.” Sabi niya at dali-daling umakyat sa itaas para kumuha ng damit niya.

Andito pa rin ako sa bahay nil ani Joseph, dahil pagdating  ko dito kanina ay hindi papala siya nakakapagluto. Kaya ipinagluto niya pa kami ng ulam. Sa totoo lang nahihiya ako sa bestfriend kong yan, mabait at masyadong protective pagdating sakin. Natural lang sa aming dalawa ang mga ganyang klaseng biruan, sanay na kami sa isat isa. Kung may tao mang higit nanakakakilala sakin ay si Joseph yun. Pag may mali akong nagagawa ay hindi niya ako hinuhusgahan, dahil naniniwala siya na ang lahat ng ginagawa mo ay may dahilan.

Habang naghihintay kay Joseph ay naagaw ng isang itim na mamahalin na kotse ang atensyon ko. Kaya pala nangangati ang kamay ko, dahil may perang paparating.

“Oy Adrestia!”

Bumalik lang ako sa tamang wisyo ng tawagin ni Joseph ang pangalan ko.

“O-oh! Ano? tara na?” gulat na  aya ko sa kanya.

“Sino ba kasi ang tinitignan mo dyan? , ikaw Adrestia ah! di panga nagiging tayo nangangaliwa ka na.” animo’y nagtatampong ani niya.

“Utak mo Joseph baliktad!” natatawang tugon ko sa kanya.

Tumayo na ako at pumaunang lumabas. Sumunod narin siya at isinarado ang pinto ng bahay nila.
Binit-bit ko na ang limang plastic ng pagkain. Medyo nahirapan ako dahil ang lalaki ng Tupperware na  linagyan ni Joseph. Sabi niya kung di daw namin kayang ubusin ay ibigay naming ang iba sa mga , ka isquatter namin. Nakatuon lang ang paningin ko sa daan, habang tinitiis ang bigat ng plastic.Medyo nangangalay na ang kamay ko sa pagbubuhat.

“Amin na, ako na magdadala.” Alok sakin ni Joseph at akmang kukunin ang mga plastic na dala ko. Pero pinigilan ko siya.

“Wag na!, nakakahiya na sayo, ikaw na nga ang nagluto ikaw pa ang magdadala.” Nahihiyang tangi ko.

“Wag na matigas ang ulo, ako na” malumanay na ani niya.

“Ayaw sabi eh!” pagmamatigas ko.

“Adrestia akin na yan, mabigat at ayokong nahihirapan ang prinsesa ko.” Malumanay na ani niya at tsaka ngumiti.

Wag kang ngumiti ng ganyan Seph! Kasi naman! Shutangnamessss, naluluto ang puso ko dahil sa ngiti mo’

“Oy bat ka tulala?”

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon