C-23

21 1 0
                                    

   Joseph POV    

“Depungal ka Worth! Gago!” inis na sigaw ni Adrestia habang  pumupulot ng bato at inihagis sa dagat.

Kanina pa niya paulit-ulit na ginagawa yan. Sa sobrang inis niya ba naman kay Worth, pati ang nanahimik na bato dinadamay niya sa inis niya.

Napailing na lang ako dahil sa ka kyutan niya.  Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya, at hiniwakan ang mag kabilang balikat niya.

“Tol, hayaan mo na, nangyari na eh! wala na tayong magagawa dun nahalika-----” hindi ko na natapos ang nais kong sabihin ng bigla siya’ng mag salita.

“Sige! Ipaalala mo pa tatamaan ka talaga sakin.” Maangas na sabi niya.

Ngumisi naman ako at bahagyang napataas ang kilay niya.

“Tinamaan na nga ako sayo eh,  di mo alam?”  nakangisi bagama’t serysong ani ko.

Agad naman siyang natigilan dahil sa sinabi ko. At napansin niyang nakatingin ako sa kanya ng deritso kaya agad siya umatras ng kaunti.

“O-oy Joseph! Yang mga biro mo ah di nakakatuwa.”

“Kasi na iinlove kana?” pabirong tugon kosa kanya.

“Anong inlab inlab yang pinagsasabi mo? Mag momove on nako sayo buang.”

“At bakit naman? Parang kalian lang nung umamin ka ah.” patuksong ani ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya at nakapamewang na hinarap ako.

“Joseph. . . alam ko kung kalian ako hihinto at kalian ako susuko. May limitasyon din tong nararamdaman ko sayo.  Nung mga panahong hindi kita nakita ay napag isip isip ko na titigilan ko na ang paghabol sa taong ayaw mag pahabol, dahil pinapagod ko lang ang sarili ko sa isang taong may ibang mahal. At isa pa ayokong mawala ang dalawang importanteng bagay na nag bubuklod satin.”

“At ano yun?” takang tanong ko.

“Pag-kakaibigan, dahil sa oras na mag karoon tayo ng relasyon at kung sakaling maghihiwalay din tayo sa huli. Para na din natin binuwag ang pagkakaibigan natin, I don’t want to lose both. I don’t want to lose our friendship and I don’t want to lose you.” Seryosong paliwanag niya.

"Naks! Nag eenglish ka'na ngayon ah!." Tukso sa kanya.

"Seryoso ako" seryosong sagot niya.

Natigilan naman ako at napaisip dahil sa sinabi niya. May punto siya, pero paano naman tong nararamdaman ko? Ano na lang to? Tiis tiis na lang ba ito?.

“Hoy Joseph!” bumalik lang ako sa ulirat nung tawagin niya ang pangalan ko.

“A-a? ano yun?” nauutal na ani ko sa kanya.

“Sabi ko kako uuwi na ako dahil baka hinahanap na ako ni Nay Carol.”

“I hahatid na kita” presenta ko, tumango lang siya at pumaunang nag lakad.

Habang nag lalakad kami ay nakatingin lang ako salikod niya at iniisip ang mga sinabi niya.

   ‘Kung kalian meron na akong nararamdaman para sayo dun mo pa napagisipang sumuko. Bakit Adrestia? May unti unti na bang pumapalit diyan sa pwesto ko?’ tanong ko sa isip ko.

“Oh! Dito nako, tsaka. . . salamat pala Joseph, salamat dahil tinupad mo ang pangarap kong birthday. At salamat dahil sa tuwing nag iisa ako andyan ka palagi sa tabi ko at sinasamahan ako sa mga kalokohan ko.  Salamat talaga.” Sensirong pasasalamat niya.

Napangiti naman ako at ginulo ang buhok niya.

“Wala yun. . . basta ba para  sayo, handa kong gawin an lahat para sayo. Syempre! Ikaw ang prinsesa ko eh at ako naman ang kawal mo. Ako ang proprotekta at ako ang may responsibilid sayo.  Ma swerte ako at may kaibigan ako na tulad mo.”  Nakangiting ani ko sa kanya.

You Are The Reason Where stories live. Discover now