C-7

21 3 0
                                    

Joseph POV.

Maaga akong nagising ngayon, at nakatuon lang ang paningin ko sa kisame, habang pilit na isinisik-sik sa utak ko ang pag-amin ni Adrestia. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may gusto sya sa akin. Inaamin ko, hindi naman mahirap mahalin si Adrestia, pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya wala ng iba.

‘Wee??? Totoo ba? Hanggang kaibigan lang ba talaga?’ sagot ng konsensya ko.

“Oo na! inaamin ko na may crush ako sa kanya. Pero hanggang dun lang yun, di na aabot sa pagkagusto! Period!.” Wala sa sariling naibulas las ko.

Napatigil lang ako ng may kumatok sa kwarto ko.

“Apo! Anong isinisigaw sigaw mo dyan? Sinong kausap mo?, dapat na ba akong tumawag sa mental. Sasabihin ko na kinakausap mon a ang sarili mo?” dinig kong sabi ni Lolo.

“Grabe ka naman lo! Hindi porket nagsasalita lang ng mag isa baliw na? di pwedeng may iniisip lang?” tugon ko.

“Ah bahala ka dyan! Bumaba ka at tignan mo nga kung anong nangyayari sa labas, may rambol nanaman at ng mga sinto sinto dito.” Dinig kong sabi ni lolo.

Sa hindi malamang dahilan ay dali- dali akong bumaba sa kama ko at dali-daling lumabas sa bahay. Wala na akong pakialam kung naka topless lang ako. Naka jogging pants lang ako at may kwintas na dog tag. Tatakbo n asana ako kung nasaan nagaganap ang kaguluhan ng makasalubong ko si Dyosa at Dyesebel na halatang papunta sa bahay namin.

Paglapit nila ay agad ko silang sinalubong.

“Ay! Papang Joseph! Mabuti naman at lumabas ka! Jusme!.” Natatarantang bungad sakin ni Dyosa habang maarteng pinupunasan ang pawis niya sa noo.

“Bakit anong meron?”
bahagyang tanong ko.

“Ay nako papang Joseph! Si Mother lu nakikipagbasag ulo nanaman dun sa tambay sa may kanto! Jusme! puntahan na natin! Nag aalala ako para sa kanya.” Alalang  sabi ni Dyesebel at hinila ako papunta sa lugar ng kagulohan.

Dali-dali akong tumakbo sa lugar ng pinangyarihan. Pero napako ako sa kinatatayuan ko ng makita si Adrestia. Linalabanan niya ang walong kalalakihan

Walang tigil sa pagsuntok at pagsipa si Adrestia, ang liksi liksi ng katawan niya, wala pang isang minuto ay napatumba niya na ang lima, may mga pagkakataon na tumitilapon ang mga kalaban niya.

Hindi naka iwas si Adrestia at natamaan siya sa sikmura ng isang malakas na suntok mula sa kalaban niya, pero parang wala lang sa kanya.

Kung I dedescribe ko ang awra ni Adrestia ngayon ay malayong malayo sa Adresti’ng kaibigan ko. Ngayon ay parang halimaw siya na handang pumatay ng mga taong sumasagabal sa daan niya, sobrang dilim ng awra niya at salubong na salubong ang kilay habang nakikipaglaban.

Walang emosyon ang mababasa sa mata niya. Parang hindi lang siya nasasaktan sa mga suntok nanatamo niya. Pero nabalik lang ako sa tamang wisyo ng makita ko ang kalaban ni Adrestia na bumunot ng kutsilyo, isasaksak niya n asana sa likod ni Adrestia ang kutsilyong hawak niya ng bigla siyang lingonin at balibagin ni Adrestia sa ere.

Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung saan natuto si Adrestia sa pakikipaglaban, sa tinagal tagal naming mag kaibigan ay hindi ko alam kung saan siya natutu sa pakikipagaway. Bata pa lang ay mahilig ng manood ng action movies si Adrestia, pagkatapos nyang panoorin ay pumupunta siya sa dalampasigan at doon sumisipa sipa sa ere.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang laban at bulagta lahat ng kalaban ni Adrestia, lahat sila ay nagpagulong gulong sa semento habang iniinda ang sakit. Samantalang si Adrestia naman ay nanatiling nakatayo at bahagyang pinahiran ang dugo sa gilid ng labi niya.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon