C-29

22 0 0
                                    

Adrestia POV.

Na alimpungatan ako ng maramdaman kong nakahinto na ang sasakyan. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe.

"Hey! Ate Adrestia gising na we're here" dinig kong gising sakin ni Chance.

Inalalayan ako ni Chance palabas ng sasakyan, marahan siyang ngumiti sa'akin at ngumiti den ako pabalik. Paglabas ko ng sasakyan ay agad akong namangha sa sobrang taas ng building na nasaharap ko.

"Woah! Ang astig naman neto Chance!" namamanghang sabi ko.

Natawa na lamang si Chance dahil sa reaction ko.

"Kung sa tingin mo ay maganda yan sa labas, mas mamamangha ka sa loob, kaya tara na kumapit ka sa braso ko. Aya niya sakin at inilahad ang braso niya.

Napatingin naman ako sa braso niyang nakalahad. Napataas naman ang kilay ko dahil sa ginawa niya.

"Alam mo kayong mayayaman ang aarte niyo, may pahawak hawak pa sa braso pwede naman na maglakad na lang, mindset ba mindset." Pagrereklamo ko.

Napatawa ng marahan si Chance dahil sa sinabi ko, at bahagyang napailing.

"Hay naku ate Adrestia, halatang di kapa nakaka attend sa malalaking parties. Natural lang samin to kasi... you should be formal in this kind of situation, this is what we called etiquette." Sabat niya saken.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Wala akong alam sa etti-ano yun?"

"Etiquette" pagtatama niya.

"Yun! Wala akong alam sa ganyan ganyan nyo. Kitang hanggang squatter lang na aattendan ko na mga okasyon, ako pa sinama sama dito." Reklamo ko, at naunang maglakad.

"Ate wait-"

Hindi na natuloy ni Chance ang sasabihin niya dahil nung nagtangka akong humakbang ay agad akong nadapa, dahil natapakan ko ang dulo ng dress na suot ko.

"Ate! Are you okay?" nag aalalang tanong niya at tinulungan akong tumayo.

"O-okay lang ako, nyemas na damit to! Sana pinasuot mo na lang ako ng pantalon, di ako sanay sa mga gantong damit." Reklamo ko.

Napailing na lang siya at itinayo ako.

"Kaya nga kumapit ka sa braso ko."

"Oo na! nyemas! Parang matatanggal paa ko neto, sobrang taas ba naman ng takong nito."

Kumapit ako sa braso niya, at sabay kaming pumasok sa loob ng building. Pinagbuksan kami ng pinto ng guard na nagbabantay. Pagpasok naming sa loob ng building ay may iilang staff ang sumalubong sa amin. Bumati pa ang iba kay Chance, samantalang ang iba naman ay binigyan ako ng nakakamatay na tingin.

'Ano bang kasalanan ko sa mga boang na to, wag nyokong tignan ng ganyan pag nasa teritoryo ko kayo. Bugbog kayo sa mga bata ko.' Bulong ko sa isip ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa unang palapag ng building nato, halatang mamahalin ang mga gamit dito. May iilang paintings na nakasabit, gawa sa marmol ang desk sa lobby. May malaking waiting area. May mga naka patong din na mga paso sa gilid ng desk. Naka tiles na gray ang buong sahig, may mga nakakasalubong kaming mga empleyado na may bitbit na dosedosenang papeles.

Pag tumingala ka naman ay makikita mo ang mamahalin at nagniningning na chandelier.

"Angas ng kompania niyo Chance, halatang madatong kayo." Bulong ko sa kanya.

"Nah! Si Kuya ang nag pa design nito." Maikling sagot niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

'Ano!? Ang demonyeto na yun ang nag desinyo nito?, kung sabagay maganda din naman. Inaamin ko magaling siya sa mga bagay bagay pero ang bulok ng ugali niya, sarap niyang isugba lagi."

You Are The Reason Donde viven las historias. Descúbrelo ahora