C-33

7 0 0
                                    

Adrestia POV.

Pagkatapos kong basahin ang note ni Promise ay agad kong kinuha ang box ng cheesecake na ginawa niya. Akmang bubuksan ko pa lang ang box ng biglang pinigilan ni Trick ang kamay ko.

"Don't eat that" seryosong sabi niya.

"At bakit naman?" Taasan kilay na tanong ko.

"Sabi ng doctor you're not allowed to eat sweets for now, take this instead." Sabi niya at ibinigay sakin ang isang bowl ng sopas.

Inamoy ko muna ang sopas na bigay niya, sobrang bango kasi at nakakagutom.

Sinimulan ko ng kainin ang sopas na bigay niya.

"Ang sarap!!!!! Sino ba nagluto nito?" Tanong ko habang sarap na sarap ako sa pagkain ko ng sopas.

"Me" kaswal na sagot niya.

Gulat naman akong napatingin sa kanya, at muntik ko na mabitawan ang kutsarang hawak ko.

Tinignan niya ako at nagtanong.

"What? Just eat it" malditong sabi niya habang nilalantakan ang cheesecake na dapat ay sakin.

"Weeh? Di nga? Sigurado ka ikaw nagluto nito?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Yep ako nga why? May problema ba? Once in a blue moon lang ako nagluluto para sa isang tao, maswerte kana pag ipinagluto kita." Malditong sabi niya at bumalik sa pagkain ng cheesecake.

"So? Dapat ba akong magpasalamat?" Sarkastikong sabi ko.

"You should" tanging sagot niya lang at sinisimot ang laman ng box ng cheesecake.

"Dapat sakin yan eh" bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?" Nagulat ako nang pag lingon ko sa kaliwa ay sobrang lapit na nga mukha namin sa isa't isa.

Ngumisi naman siya at dinilaan ang icing ng cheesecake sa gilid ng labi niya.

Inilayo ko nga bahagya ang mukha ko sa mukha niya, dahil naamoy ko ang mabango niyang hininga.

Naglalatag na ng higaan sa sahig si Trick para higaan nya ngayong gabi. Papatayin na sana ni Trick ang ilaw ng may biglang kumatok ng napakalakas sa pinto niya.

Inis namang tinungo ni Trick ang pintuan niya, ngunit nung buksan niya ito ay agad niya din itong isinara. Kumatok ulit ng sobrang lakas sa pinto, sa pagkakataong ito ay may hinarang na kumot sa pinto para hindi ito masara.

Nung magtagumpay ang taong nais pumasok sa kwarto ni Trick ay nagulat ako kung sino ito.

Si Worth na Naka pajama at may sleeping hat pa ito. May dala siyang sleeping bag at isang pillow boulder.

"Ano kaba!? Bat andito ka!?" Inis na tanong ni Trick.

"Dito ako matutulog" deklara ni Worth.

"May sarili ka namang kwarto ah! Bat dito kapa sa kwarto ko!?." Inis na sabi ni Trick.

"Pake mo!? Trip ko matulog ngayon sa kwartong to bakit? may angal!?"

"Madami pang bakanteng kwarto dito sa bahay bakit sa kwarto ko pa!?" Halata ang pagkairita sa boses ni Trick.

"Eh.... Sa gusto ko tong kwartong to!" Pagpupumilit ni Worth.

"Wala ka ng mahihigaan dito, look puno ang space ng sahig."  Sabi ni Trick.

Ngumisi naman si Worth at namewang.

"May space naman ang kama diba?" Ngisi ni Worth at bahagyang tumingin sakin.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Trick at sinaraduhan ulit ng pinto.

Kumatok ulit si Worth, at inis naman na binuksan ni Trick ang pinto.

"Ano nanaman!?" Inis na tanong ni Trick.

"Ngayong gabi lang ako makikitulog dito" mapagkumbinsing ngumiti si Worth, at bahagyang itinaas taas ang kilay niya.

"No!"  Tanging sagot ni Trick.

Nagbukas sara lang ang pinto dahil sa pangungulit ni Worth.

"I'll give you one of our private islands." pangungumbinse ni Worth.

"No thanks... I have my own island" mayabang na ani ni Trick.

"I'll buy you new shoes" sabi ni Worth.

"No need i have a lots of shoes"

"I'll buy you a new Tesla"

"No thanks Worth, i have my own money."

"What if I'll call mom and dad and tell them that you wanna go with them, and live with them in London?." Ngumisi si Worth dahil agad na natahimik si Trick dahil sa sinabi niya.

"Don't you ever do that" tinignan ng masama ni Trick si Worth.

"What if I'll do it?" Pang-iinis ni Worth sa kanya.

"Then you aren't allowed to sleep in my bedroom tonight " pagsuko ni Trick, alam niyang di siya mananalo sa kuya niya.

"So pumapayag Kana?" Matutuwang tanong ni Worth.

"Tssh!" yun lang ang tanging nai-sagot ni Trick sa kanya.

Lalapit na sana sakin si Worth nung bigla siyang suwayin ni Trick.

"Don't you ever dare..... Dito ka sa tabi ko, tabi tayong dalawa dito sa sahig." Babala ni Trick kay Worth.

Naglatag din ng sarili higaan si Worth.

Few hours later.....

Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Nagmuni muni muna ako, ngunit nagulat ako ng may narining akong mga boses na parang nag bangayan.

Sinilip ko sina Worth at Trick sa sahig.

Pareho silang magkaharap sa isa't isa'y at nagtitigan ng masama.

"Ano bang binabalak mo ah?" Tanong ni Worth kay Trick habang tinitignan ito ng masama.

"Kung ano man yang nasa isip mo nagkakamali ka. Ikaw? Bakit ka andito?" Sagot ni Trick at tinanong si Worth pabalik.

"Wala.... Trip ko lang matulog dito." Pagsisinungaling ni Worth.

Ngumisi naman si Trick saka ito tinagnan ulit ng masama si Worth.

"I see... Dahil bato kay Adrestia? tanong ni Trick sa kanya.

"Tssh shut up and sleep." iratading sabat ni Worth kay Trick.

"By the way.... mom and dad called me kanina, nalaman nila ang fake dating namin ni Althea. They said na pag di ko daw yun tinigil, kukuhain nila ng company sakin, so tinigilan ko na. Nakakarindi na din kasi si Althea parang girlfriend ko kung umasta. Pag kwekwento ni Worth kay Trick

"So?....... should I care? you put yourself in that situation after all... not me, I'm just chillin."  walang pakeng sabi ni Trick.

"Come on dude.... until now ba ay galit ka parin sakin?" prangkang tanong ni Worth.

"Tss.... why would I? besides kahit bumalik man si Aira, i don't care anymore, kayo na lang naman ni Promise ang naghihintay dun." iratading sagot ni Trick.

"So.... you're telling me na naka pag move on Kana?" seryosong tanong ni Worth.

"Yes i already did, because of Adrestia." walang pag alinlangang sagot ni Trick kay Worth.

Biglang nag iba ang atmosphere ng buong paligid, nagulat naman sko sa naging sagot niya.

"Why Adrestia? are you in love with her?" halata ang pagka seryoso sa boses ni Worth.

"I don't know it yet.... but I think so, i don't know if I was infatuated or what. All i know is... she's different among the other girls out there."

Habang patuloy na nag uusap ang magkapatid ay panay lang din ang pakikinig ko.

Hanggang sa napatigil ako sa sinabi ni Worth.

" I don't want to cause another conflict between us brother goodnight." Huling naisagot ni Worth, at tinalikuran si Trick.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Are The Reason Where stories live. Discover now