C-16

25 4 0
                                    

Nem POV.

“Ikaw Adrestia, mag kwento ka naman sa buhay mo.” Ani sakin ni Vj.

Tumigil ako sa pag sasampay ng damit at tumingin sa kanya. Bumuntong hininga ako at  ngumiti.

“Wala namang ka interes-interes sa buhay ko, isa lang akong babaeng nakatira sa squatter.”
Panimula ko, at nahalata ko naman na gusto niya pang makinig.

Pero natatakot ako pag sinabi ko sa kanya kung anong pinanggagawa ko. Pero bahala na,  alangan naman na mag sinungaling ako.

“Mahirap lang kami, ako, si Nay Carol, Isabelle at Michael Angelo at Tay Ronel. Hindi ako nakapagtapos ng secondarya, dahil inuna ko ang mga kapatid ko. Ayos lang naman sakin na hindi ako makapag aral. Ang mas inaalala ko ang kinabukasan ng mga kapatid ko. Ako ang nag hahanap ng paraan para makapagtapos sila, ayoko kasi na iasa na lang lahat kay Nay Carol, at saka war din kami ng tatay tatayan ko.” Kwento ko sa kanya.

“Ang ibig mong sabihin . . . di ka niya anak?” interesadong tanong niya.

Tumango lang ako.

“Oh my gosh!” gulat na ani niya at bahagyang tinakpan ang bibig niya. At bumaling sakin at nag salita. “Oh! Bat ka tumigil? Continue.” Pautos na sabi niya.

Kaya natawa na lang ako sa kanya, ewan ko pero ang gaan ng pakirampadm ko kay Vj
Kaya ikwenento ko ang tungkol lang sa mga pinangagawa ko, hindi ko man Ikwenento ang buong buhay ko. Pero kwenento ko lang ang mga kailangan niyang malaman. Nagulat pa siya na isa akong kawatan.

Pero wala siyang sinabing masakit sakin. Naiintindihan niya daw kung bakit ako nagnanakaw, sinabi ko kasi sa kanya na minsan hindi lang pamilya ko ang pinapakain ko, minsan pinapakain ko rin ang kalahati ng populasyon ng squatter. Pero depende sa madedekwat ko.

Nagpasalamat pa nga siya sakin na ibinahagi ko daw kahit papaano ang buhay ko sa kanya. Pakiramdam daw niya ay nagging mahalagang tao siya dahil pinapasok ko siya sa buhay ko.

“Ikaw mag kwento ka tungkol sa buhay mo” nakangiting ani ko sa kanya, nung matapos na kaming magsampay ng mga basing damit.

Umupo kami saglit sa upuan na bakante at dun ipinagpatuloy ang pag kwekwento.

“Ah. . . ako, simple lang din naman ang buhay namin. Hindi talaga ako taga maynila,sa Iloilo talaga ako nakatira. Mahirap ang buhay dun, lalo na at sa bukid kami nakatira, pero kahit ganon masaya kami ng pamilya ko.  Napadpad lang ako dito sa maynila, at nababakasakaling makapagtrabaho para matulungan sila ni tatay sa pag aaral sa mga kapatid ko.  Ang nanay ko kasi may sakit, kaya kaming dalawa ni tatay ang kumakayod para may pangkain kami sa pang araw araw. Anim kaming magkakapatid at ako ang pinakamatanda sa kanilang lahat. Yung iba nasa secondarya, yung tatlo naman nasa elementarya pa, kaya andito ako ngayon at nag tratrabaho para sa kanila. Kaya kahit papaano ay naiintindihan ko ang sitwasyon mo, gumagawa ka ng bagay na hindi mo gusto.”

Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay ko at ipinagsiklop iyon.

“Tama ka nga, sa totoo lang ayokong magnakaw. Parating pangaral sakin ni Nay Carol na huwag na huwag daw akong gagawa na ikasasama ko lalo na sa mata ng diyos. Kaya sa twing nagnanakaw ako ay parang na kokonsensya ako.  Hindi lang para sa sarili ko kundi para na din sa pamilya ko. Ang akala kasi nila, rumaraket lang ako, pero ang hindi nila alam ay nagnanakaw ako. Nakailang ulit na akong sumubok na mag apply ng trabaho pero hindi ako natatanggap, sinubukan ko naman na huwag gumawa ng masama, pero hindi ko magawa. Kasi kung titigil ako sa ginagawa ko paano ang pamilya ko? Kaya isang araw nag dasal ako, sabi ko n asana bigyan ako ng rason ng diyos para tumigil na ako sa baluktot na pamumuhay ko. At ito ako ngayon, nagging kasambahay, mukhang si Sir Promise ang rason kung bakit kailangan ko na talagang tumigil sa masamang Gawain ko.” Nagingiting kwento ko.

You Are The Reason Where stories live. Discover now