C-1

80 6 0
                                    

Nem POV

Lumaki ako sa magulong mundo , isa akong kawatan at maloko, pero hindi ako yung tipong pumupatay ng tao. Sa squatter nako lumaki kung saan akala ng lahat ay marumi , lungga ng mga kriminal at drug addict. Pero iba ang squatter sa pag kakakilala nila , oo marumi ang squatter at minsan lungga ng kriminal at mga nag tutulak ,pero para sakin ay hindi importante kung ano ang inaakala nila sa lugar namin , hindi lahat ng nakatira sa squatter ay masasama iba ay gumawa na lang ng mali para may ipakain sa pamilya nila.

Mali man sa kanilang paningin pero ito na lang ang paraan namin.

Lumaki akong takaw gulo at nagnanakaw na lang para may pang kain sa nag ampon sakin , malaki ang pasasalamat ko kay inay Carol dahil sa pag ampon sakin.

Sabi ng iba ay anak daw ako ng 'Bilyonaryo' iba naman ay anak daw ako sa pag kakamali ,pero wala akong pakielam kung ano at san ako nanggaling , dahil masya nako at kuntento sa buhay ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko kilala kung sino talaga ang totoong magulang ko , disinyube anyos nako huminto nako sa pag aaral dahil sa hirap ng buhay hanggang Grade 9 lang natapos ko dahil wala kaming sapat na pera pampaaral saming tatlo lahat kami ay ampon ni nay Carol sila na ang kinikilalang pamilya ko , huminto ako sa pag aaral para mapag aral ang dalawa kong kapatid na sina , Isabela, at Michael Angelo .

Kahit na huminto ako sa pag-aaral ay wala akong pakielam basta ang hangad ko lang ay makapagtapos sila kahit hindi man ako. Kahit hindi ko sila ka dugo ay tinuturing ko silang tunay na kapatid.

****

"Oh!... Adrestia Beunaventura laya ka na!." Ani ni mamang pulis at binuksan ang rehas ng kulungan.

Kanina pa nangangati ang kamay ko na makawala sa malamig na rehas na yun,kasama ang mga kalaban ko , nginisihan ko lang sila at binigyan lang nila ako ng masamang tingin.

'Tss! Kala nila d ako makakalaya! ulol! d ko kayang mag tagal sa prisinto no'

"Oh! Adrestia hinihintay kana ni Inay Carol sa labas hahhahaah halaka!" tawa tawang ani Joseph alam nya talagang malalagot nanaman ako.

Anak ng tinola! kaya ayaw na ayaw ko ng makisali sa gulo .... panigurado nakow! bistado nanaman tayo kay inay hysss buhay mandurugas.

"Tss! tumahimik ka nga dyan Joseph alam mo namang lagot nanaman ako kay nanay buset!"

"Haahaahhaahah talagang lagot ka , galit na galit yun habang pinapyansahan ka sa prisinto " tawa-tawang ani nya at inakbayan ako palabas na kami sa prisinto .

May mangilan-ngilan pa kaming naka salubong na mga pulis at nakikipag kamustahan sila kay Joseph , ito namang kasama ko panay rin pa bibo.

At paglabas namin sa prisinto nakita kong may nakatayong babae sa harapan ko habang nakatalikod at naka pamewang pa.

'Likod pa lang basang basa ko na'

"Oh! nay Carol andito na po ang butihin nyong anak!"natatawang ani Joseph binigyan ko lang sya ng masamang tingin.

Humanda ka mamayang tokmol ka! Papabugbug kita sa mga bata ko!

Agad namang lumingon ang babaeng nasaharap ko ng may masamang tingin at may seryosong mukha.

Ito na! katapusan ko na!!!! lagot nanaman ako nito'

"Oh! nay! ano hong ginagawa nyo dito sa prisinto?" kinakabahang usal ko habang natatawa ng peke. "Nay------- a-aray ko! Nay masakit!"

"Talagang masasaktan ka talagang bata ka! Ilang beses na ba kitang sinabihan na wag na wag kang makikisali sa gulo!" gigil na ani ni nay Carol habang hawak-hawak ang aking tenga na namumula na dahil sa pag kurot nya dito.

You Are The Reason Where stories live. Discover now