C-4

31 4 0
                                    

Nem POV

Kinaumagahan.....

"Nak gising na!" dinig kong pukaw sakin ng isang babae.
Unti-unti kong uminulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang nakangiting si Nay Carol.

Kinusot-kusot ko ang mata ko saka bumangon sa pagkakahiga.
"Magandang umaga din po nay!" masiglang bati ko sa kanya.

"Halika na! kumain na tayo, dahil andito na maya-maya ang tatay Ronel niyo." Sabi ni Nay Carol sakin.

Kaya ang masaya kong umaga ay napalitan ng lungkot.

Si tay Ronel, siya yung kinilala kong tatay kahit di niya ako itinuturing na anak. May anak sila dati ni Nay Carol pero namatay, nahulogan daw kasi si Nay Carol non, kaya dun nag simulang mag bago si Tay Ronel. Naging lasinggo at parati akong sinasabihan na walang kwenta. Pero ayos lang, tanggap ko naman. Kahit masakit na minsan ang pinag sasabi niya ay hindi ako pumapatol sa kanya.

"Ate ayos ka lang?" tanonng sakin ni Isabelle. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.
Inilapag n ani Nay Carol ang mga plato at linagyan kami ng kanin sa plato.

Hindi pa kami nakakapagsimula ng agahan ay may kumatok sa pintuan. Kaya takang napalingon ako sa may pinto. Kunot noong tinignan ko sila ni Dyosa, at Dyesebel na nakatayo sa labas ng pinto namin.

"Oh! Dyosa! Dyesebel! Anong ginagawa nyo rito? Aga nyo ah!." masiglang bati ko sa kanila.

"Ay jusko dai! Nahahagardo versosa na ang beauty namin dito di mo man lang ba kami papapasukin?." Reklamo ni Dyosa. Napangiti na lang ako at napailing iling. Kahit kalian ay di nag babago tong dalawang to.

Si Dyosa at Dyesebel ay mga kaibigan kong bakla, na kaibigan din ng kapatid kong si Michael Angelo. Bukod sa kanilang dalawa ay wala ng ibang may nakakalapit at nakakapagbiro sakin ng ganito.Kundi sila lang.

Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Anong ginagawa niyo dito? At napaaga kayo?" takang tanong ko at ipinagkrus ang braso ko at sumandal bahagya sa may gilid ng pinto.

"Ay nako teh! Si Ursala nakiki chika nanaman dun sa may kanto, ikaw nanaman ang topic mader!." Sumbong ni Dyesebel sakin.

Tinaasan ko naman sila ng kilay at malamlam silang tinignan.

"Sigurado kayo?" paniniguro ko sa kanila.

"Ay oo! dinig na dinig ng mga tenga namin." Paniniguro nilang dalawa.

"Ano inay, puntahan natin?" excited na tanong ni Dyosa.

Tumingin muna ako kina nay Carol na nag sisimula ng kumain kasama sila ni Michael Angelo at Isabelle.

"Michael Angelo!" tawag ko sa kapatid ko na maarteng sumasaw saw sa toyo.

"Michael Angelo!" tawag ko ulit sa kanya.Pero di niya ako pinansin.

Napaikot na lang ako sa mata ko dahil alam ko na anong gustong itawag ng baklang to sa kanya.

"MICHELLE ANGELA! ANGELA NA MAGANDA!" Tawag ko sa kanya, at agad siyang lumingon na para bang nasa commercial ng shampoo.

"Yes! That's me! The one and only." Maarteng sabi niya at bahagyang humawak sa dibdib niya.

"Tss! Halika samahan mo kami ng kalahi mo." Aya ko sa kanya.

"Where to go ate kong maganda?" taas kilay na tanong niya.

"Basta, sumama ka na lang." inis na sabi ko at bumaling kay nay Carol.

"Nay! May pupuntahan lang kami saglit ah babalik din kami agad." Paalam ko at lumabas.
Naglakad na kami papunta kung nasaan ang tinutukoy na kanto nila ni Dyosa. Ang kanto ni Ursula.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon