C-14

23 2 0
                                    

Nem POV

“Adrestia!!” dinig kong sigaw ni Worth mula sa kwarto niya.

Dali-dali akong tumakbo paakyat sa hagdan, upang puntahan siya sa kwarto niya. Halos hindi ako magkanda ugaga sap ag takbo papunta sa kwarto niya. Pag bukas ko sa pinto ng kwarto niya ay hindi ko inaasahang madudulas ako.

“Aray!” daing ko, dahil pakiramdam ko na bugbog ang pwet ko.

Nadinig kong may tumawa, kaya tinignan ko kung sino ito.

Tinignan ko ng masama si Worth, na ngayon ay may harina ang buhok, hindi ko maiwasang hindi matawa sa itsura niya.

Para siyang taong tinapay na binudburan ng harina. Napatawa ako dahilan para sumama ang ekspresyon ng mukha niya.

“Anong nakakatawa!?” inis na tanong niya.

“Mukha kang ginger bread man.” Natatawang sabi ko sa kanya.

“Ano!?”

“Sabi ko mukha kang ginger bread man”

“Alam ko nay un ang sinabi mo!.”

“O! yun naman pala eh! Bat tinanong mo pa ulit?.”

“Whatever major loser” pikon na sabi niya. At tinalikuran ako at naglakad papasok ng banyo,nung akmang pipihitin niya na ang doorknob ng pinto ay lumingon siya sakin.

Ngumisi siya ng nakakasar at bumaba ang tingin niya sa ibabang parte ng katawan ko.

“Hmmm, nice undies you got there, you’ve got a nice piece of thighs.” Nakangising sabi niya.
Para akong binuhusan ng mainit na tubig dahil sa hiya. Kaya dali-dali akong tumayo at inayos ang damit na pang maid na suot ko.

“Ang bastos mo!.” Sigaw ko sa kanya.

Kumindat siya at kinagat ang labi niya at malagkit akong tinignan. Tumalikod na siya at pumasok sa loob ng banyo.
Inis kong ibinato ang basahan na nasa bulsa ng uniporme ko sa pinto’ng pinagsarhan niya.

"Buset nay un! Ang bastos! Makapaglinis na nga lang.” inis na bulong ko sa ere at nagsimula ng linisin ang sahig.

Nung matapos akong maglinis ay lumabas nako sa kwarto ni sir Worth at nagtungo sa may sala.
Pero laking gulat ko ng makita ang sitwasyon ng sala.

Jusko po, ano ba tong bahay na to parang dinaanan ng bagyo.’

Napabuntong hininga ako at tinignan ang sala na kani-kanina lang ay ang linis linis pa.Na ngayon ay parang dinaanan na ng bagyo. Nagkalat ang plastic cups sa sahig. May naiwan na mga bote ng beer sa center table.

May mga chichirya na nag kalat sa sahig. May mga bote din sa sahig. Ang mga unan ay wasak wasak. Kawawang unan, parang ginahasa ng walang kalaban laban.

Napailing iling na lang ako at nag simula ng linisin ang kalat.

“Inom ng inom di naman marunong maglinis ng kalat. Pati unan dinamay pa—” hindi ko naitulo yung pagrereklamo ko habang naglilinis dahil naramdaman kong may taong bumaba mula sa hagdan.

Nilingon ko ang taong iyon upang makumpirma kung sino siya.

Nakita ko ang isang babaeng may dalang tray ng mga bote ng beer at mga chichirya. Naka uniporme din siya tulad ko. Ito siguro ang Vj na tinutukoy ni Worth na makakasama ko. Sa pisikal na kaanyoan niya pa lang ay masasabi ko na mas matanda ito sakin ng isa o dalawang taon.

Ngumiti siya at lumapit sakin.

“Ahm. . . Hi? Ako pala si VJ kasama mong kasambahay hihihi” magiliw na pagpapakilala niya at inilahad ang kamay niya.

You Are The Reason Where stories live. Discover now