C-9

22 2 0
                                    

Nem POV

Pinandilatan ko ng mata ang lalaking to, na hanggang ngayon ay hawak hawak parin ng mahigpit ang kamay ko.

Pero sa tuwing pinandidilatan ko siya ng mata ay mas lalong hinihigpitan niya pa ang pag pisil sa kamay ko. Muntik na akong mapaigik sa sakit, pero pinilit ko iyong tiisin.

At nung hindi ko na kinaya ay ako na mismo ang bumitaw ng sapilitan.

“Hehehe yung kamay mo, masyadong malambot hehehe.” Palusot ko at pasimpleng hinilot ang kamay ko.

Patay ka sakin mamaya.’
Demonyong bulong ng isip ko.

“Ah… upo muna kayo.” Alok ni Isabelle sa kanila, agad naman silang umupo sa may kutson na nakalatag sa sahig.

Bumaling sakin si Belle at nag paalam.

“Te! Bibili muna ako ng meryenda, ikaw muna bahala sa kanila.” Paalam niya saka lumabas.

Tumango lang ako saka bumaling sa mga ka group mates niya. Pero dumapo ang paningin ko sa pagmumukha ng Worth, pareho kaming nag palitan ng masasamang tingin.

Bigla siyang tumayo at lumapit sa kasama niyang si Shane.

“Shane, pwede ko bang hiramin ang interview paper mo? Ako na ang mag iinterview sa ate ni Belle.” Ani niya sa Shane. Agad namang ngumiti si Shane at ini abot sa kanya ang isang malapad na papel.

Kinuha niya ito tsaka lumapit sakin.

“Maari po ba kitang ma inter view?” kaswal na sabi niya.

“Simulan mon a” sagot ko sa kanya.

Tumikhim siya at bumaling sa kasamahan niya. At ibinalik ulit ang tingin sakin.

“In private.” Sabi niya at walang sabi-sabing hinila ako palabas ng bahay.

Todo pumiglas ang ginawa ko, dahil halos mahubaran nako ng damit sa uri ng pagkakahila niya sa damit ko.

“Oi! Ano ba!?” reklamo ko.
Hanggang sa patapong binitawan niya ako at napasandal ako sa pader. Tumama ang likod ko sa pader kaya agad akong napaigik dahil dun.

Hinagod hagod ko ang parting tumama sa pader at salubong ang kilay na bumaling sa kanya.

“Ano ba problema mo!?” sigaw ko sa kanya.

“Ikaw.” Agarang sagot niya.

“Anong ako!?” inis na tanong ko pabalik.

“Tinanong moko kung ano ang problema  ko, sinagot ko na ikaw, tapos tatanongin mo nanaman na anong ikaw? Syempre ikaw malamang!” inis na sagot niya.

Bumuntong hininga ako at nakapamewang na humarap sa kanya at seryosong tinignan siya.

“Ano ba kasing trip mo? Bat ba dito mo pa naisipang mag interview? E pwede naman sa loob ng bahay ah!”

“Hindi to tungkol sa interview.”

“Kung ganon para san to?”
takang tanong ko sa kanya.

“Tungkol sating dalawa.” Sagot niya na nakapagpagulo ng isip ko.

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko.

Ngumisi siya at dahan-dahang humakbang papalapit sakin, kaya napaatras ako hanggang sa pader na lang ang na atrasan ko.

Halos manlaki ang mata ko sa gulat dahil sa biglaang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ako nakagalaw sa gulat.

Itinukod niya ang kanang braso niyasa ibabaw ng ulo ko at tinignan ako ng deritso sa mata habang nakangisi.

You Are The Reason Where stories live. Discover now