C-27

27 2 17
                                    

Adrestia POV:

Isang sinag ng araw ang nagpagising sa katawang tao ko. Di ko alam pero sobrang sarap ng tulog ko ngayon.

Dahan-dahan kong ini-unat ang katawan ko at humikab saglit.

"Aisshhhtttt!!!! Good mo------ potan*-----"

Halos manlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko na hindi ito ang kwartong tinutulungan ko. At halos mataranta ako ng makitang naka sleeveless na lamang ako. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, at doon ko lang napagtanto na kwarto ito ni Worth. Oo kwarto ito ng balasubas na yun.

Habang inilibot ko ang tingin ko ay agad nakita ng mga mata ko ang taong lumapas tangan sakin.

Parang umakyat agad lahat ng dugo ko sa ulo.

"Himbing ng tulog mo ah, Ahhhhhhh!!!!!!!!" Tumili ako at nakita ko na gulat na napabangon si Worth si kinahihigaan niya.

Pag bangon na pag bangon niya ay agad na sumalubong sa kanya ang kamao ko.

"Gag* ka! Anong ginawa mo sakin!?" Nangangaliting tanong ko sa kanya.

Pinahid niya ang dugo sa gilid ng bibig niya at tinignan ako ng masama.

"Really!? sa lahat ng matatanggap ko pag gising ko sapak agad? Why punching me instead of kissing me darling?" Nakangising tanong niya na tila baliwala lang ang sapak ko sa kanya.

Napaamang naman ako sa sinabi niya.

"Balasubas ka! Anong ginawa mo sakin!?" Tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman siya at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"English Please?" Pang aasar niya.

"W-what is ano, w-hat is you do with me!?" Utal na sabi ko.

Malas naman oh! Di ako masyadong marunong mag English.

Pagkarinig niya sa sinabi ko ay halos gumulong siya kakatawa. May pa hampas hampas pa sa sahig na nalalaman.

"Hahaha! Darn you're so funny darling can't stop laughing at you hahaha." Tawang tawang sabi niya.

Agad akong napasimangot at dali daling umalis sa kama. Bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may kamay na humarang dito.

Pag lingon ko ay si Worth na seryoso ang tingin. Ibang iba sa Worth na laging nakakasalamuha ko.

"Where do you think your going baby?"seryoso ngunit mapang- akit na sabi niya.

'Puso jusko! Kumalma ka! Anong nangyayari sayo!'

"A-alis nako! May gagawin pako." Palusot ko.

Akmang kukuhanin ko na ang braso niya na nakaharang ay mas lalo niya akong kinorner sa pinto.

"Did you forget already? Ako ang boss mo, so i'll decide kung pag tratrabahohin ba kita o hindi."

"Sir Worth mawalang galang na ho pero kailangan ko nang umalis. Ang sweldo ko po ay dapat pinahihirapan ko."

Akmang susuot nako sa ilalim ng braso niya ng bigla din niya akong hinarang.

Inis akong napatingin sa kanya.

"Ano bang kailangan mo!?" Inis na tanong ko.

"Ikaw" seryosong sabi niya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit naman ako sa kaba. Pero nagulat ako nung halikan niya ako sa noo ko, sobrang lakas ng tibok nito, na para bang nakikipag karera ako sa sobrang bilis.

'A-ano tong nararamdaman ko?'

Nabalik lang ako sa ulirat ng makarinig ako ng katok sa pinto. Halos mataranta ako at naitulak ko papalayo si Worth na ngayon ay gulat din.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Promise na may dalang pagkain.

"Oh! I think naka distorbo ako, i think i should go muna." Awkward na sabi niya.

"N-nako hindi! Paalis na din ako sir Promise, may pinagusapan lang kami ni Sir Worth." Palusot ko.

"Pinagusapan is it" rinig kong bulong ni Worth.

Ngumiti naman si Promise at tumango.

"Okay aantayin na lang kita sa baba Adrestia, i baked this for you, hoping na magustuhan mo." Nakangiting sabi niya at umalis.

Lalabas na din sana ako ng pinto ng mapahinto ako sa sinabi ni Worth.

"Good morning,  my moon."

Tuluyan na akong lumabas sa kwarto ni Worth.Pag labas ko ay napahawak ako sa puso ko at na pabuntong hininga na lamang.

Habang nag lalakad ako sa pasilyo ay nakasalubong ko si Sir Chance.

"Oh Adrestia! Andyan ka pala sakto may lakad ako! Halika!" Magiliw na bati niya sakin at walang ano anoy hinawakan nya ako sa pulsuhan ko at dali dali kaming bumaba sa hagdan.

"T-teka sir Chance san tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Basta kailangan natin mag madali" nagmamadaling sabi niya.

Nakasalubong namin si Trick pero hindi ko na magawang bumati sa kanya dahil hinihila nako ni Chance, dahil sa sobrang pagmamadali niya.

Narinig ko na tinawag ako ni Promise pero hindi ko na magawang lumingon.

Pagkarating namin sa garahe ay agad niyang binuksan ang pinto ng BMW niya. Wag na kayong mag taka kung bakit alam ko ang klase ng sasakyan niya, marami rami nakong nanakawang sasakyan dati. At oo dati yun magbabago nako ngayon.

"Sakay na Adrestia" pagmamadali niya.

Agad naman akong nataranta sa at dali daling sumakay.

Halos paliparin niya ang sasakyan niya sa sobrang pagmamadali niya.

Kaya hindi ko na matiis at umangal nako sa kanya.

"Hoy! Chance mahal ko pa buhay ko kung gusto mo magpakamatay aba! Wag moko isama, mahal ko pa buhay ko oi!"

"Sira! ganto lang talaga pag masyado akong nag mamadali. Don't worry ate Adrestia malapit na tayo." Nakangiting sabi niya.

" Maka ate to baka nga mas matanda ka pa sakin" natatawwng sabi ko.

"Nope! Im still young im 20 and you're 23 right? Si Kuya Promise at Kuya Worth ang mag ka edad. You know since i was a kid i dreamed of having a big sister, kaya when i saw you i already treated you as a big sister. You're mabait and badass queen." Natatawang sabi niya.

"Ah ganon ako pala ate mo ngayon. Alam mo may dalawa din akong kapatid, sina Carmila at Angelo. Ipapakilala kita pag nakauwi ako sa sabado isasama kita."

"Thanks, oh by the way andito na tayo."

Ipinark niya ang sasakyan niya sa gilid ng isang Parlor?.

Oo hindi nga kayo nag kakamali. Sa parlor niyako dinala.

"Tara!" Aya niya sakin.

Pagpasok namin sa parlor ay agad na may sumalubong saming bakla.

"Ay! Pogi! Hello good morning ma'am sir Welcome to Miss U parlor. Kung san nag papamake up ang magaganda." Magiliw na bati ng baklang naka kulay Pink na Fitted shirt. At my headband pa sa ulo.

Nagtungo si Chance sa counter habang kinakausap ang nagmamanage ng salon.

"This way po tayo ma'am" magalang na paanyaya sakin ng isang bakla na naka black.

Pinahiga nila ako at sinimulang lagyan ng kung ano ano ang mukha ko.

Hinayaan ko na lang sila sa ginagawa nila, hanggang sa---.

You Are The Reason Where stories live. Discover now