C-8

25 1 0
                                    

Isabelle POV.

Maaga akong umalis kanina sa bahay para, sa instruction sa project namin. Kakatapos lang ng discussion at ngayon ay isinama ko ang mga ka team mates ko papunta sa bahay namin.

Ang project kasi namin is mag iinterview kami sa mahihirap, kung magkano ang kita nila sa araw araw.

Naglalakad kami papasok sa skwatter , hindi namin maiwasang mailing dahil lahat ng paningin ng bawat nadadaanan namin tao ay nakatingin samin.

Fourth year college na kami ni Michael Angelo, hindi kami makakatong tong ng college kung hindi dahil sa sipag at tyaga ni Ate Adrestia, nag aaral ako ng Mabuti para masuklian man lang ang pagsasakripisyo niya.

Nung mga panahon na dapat ay mag ko-kolehiyo na kaming tatlo ay umatras siya, gusto siyang pag aralin ni Nay Carol pero humindi siya. Tandang tanda ko pa ang sinabi niya na kahit di siya makapagtapos ay mas importante na kami ang makapagtapos.

Alam kong pangarap ni Ate Adrestia na maging chef balang araw, pero isinuko siya ang pangarap niya sa buhay para sa amin. Iniisp ko nga na ang swerte namin ni Michael Angelo at nandyan si Ate Adrestia at Nay Carol. Si ate Adrestia yung tipo ng taong uunahin niya ang kapakanan ng iba bago ang sarili niya.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Medyo nahiya pa ako kasi mula dito sa kinatatayuan ko ay dinig na dinig kung pangangaral ni Nay Carol kay Ate.

Pusta ko, may ginawa nanamang kalokohan to.

++++

Nem POV.

“Ano yan ha? trip mong magpahiwa ng kutsilyo?” nangingilaiting tanong ni Nay Carol habang nakapamewang pa.

“Nay, nadamay lang po talaga ako. Tinulungan ko ang babaeng muntik ng magahasa. Kaya nag kaganito ako.” Paliwanag ko.

“Ah ganon?, mas inuna mo naman ang ibang tao kesa sa sarili mo? Naiintindihan ko na tumulong ka Adrestia, pero minsan mag ingat ka naman. Hindi ka immortal na kapag sinaksak ay mabubuhay lang. Paano kung di lang yan ang inabot mo? Mabuti nga at sa braso lang yan, paano kung napuruhan ka? May magagawa ba ang taong tinulungan mo?” galit na sabi sakin ni Nay Carol.

Naiintindihan ko naman nag alit siya dahil nag aalala lang siya.
Magsasalita n asana ako ng may kumatok sa pinto. Napatigil kaming dalawa ni Nay Carol at takang nilingon ito.

Kunot noong tinignan ko si Isabelle na ngayon ay nakatayo sa labas ng pintuan.

“Umaano ka ditong bata ka? Hindi ba’t may pasok ka?” takang tanong ko sa kanya.

Napakamot siya sa ulo niya bago mag salita.

“E kasi ate—” hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng nag salita ako.

“Oi! Kung nag cucutting class, ka mas Mabuti pang bumalik ka na sa campus niyo bago pa kita kaladkarin para pumasok ka sa ischool.” Sabi ko sa kanya na may halong pagbabanta.

“E kas inga---” hindi niya nanaman natapos ang sasabihin niya ng mag salita ako.

“Hep! Wag ka ng mangatuwiran, aalis ka o kakaladkarin kita pabalik sa school niyo?” banta ko.

Inis naman siyang napakamot sa ulo niya bago ulit mag salita.

“Pwede bang pataposin mo muna ako? Masyado kang advance mag isip ate!” inis na sabi niya.

Bumuntong hininga ako at tinignan siya.

“Oh sabihin mo, bakit ka andito? Lunch time niyo pa lang ngayon ah.” seryosong sabi ko sa kanya.

“OO nga, lunch time pa naming ngayon at kakatapos lang ng discussion naming sa school.” Paliwanag niya sakin.

“Oh tapos? Aanhin ko discussion nyo?” taas kilay na tanong ko.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon