C-30

26 0 0
                                    

Adrestia POV

"Kanina kapa hinahanap sa back stage kuya, be ready sa speech mo." ani Promise kay Worth

Naunang umalis ang deminyeto habang andito naman ako naiwan kay Promise.

"At ikaw naman Nemesis sumama ka sakin." Sabi niya sabay hila sakin.

Hindi nako nabigyan ng pagkakataong tumutol, dahil bigla akong hinila ni Promise papunta sa lamesa na inuupuan nila.

Nagsisimula na akong mailang sa mga klase ng tingin na ipinupukol sakin ng mga bisita. Animo'y isa akong bagay na hindi nabibilang sa kanila.

Malayo pa lang ay namataan ko na si Chance na pingon lingon sa kung saan, na tila ba may hinahanap.

'Lagot sakin tong batang to' sabi ko sa isip ko

At nang makita niya ako na hawak hawak ni Promise ay dali dali siyang tumayo at pumunta sakin.

"Ate Adrestia! I'm so sorry about what happened earlier, i didn't mean na iwan ka at nabingwit ka tuloy ni kuya."

Sasagot na sana ako ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Actually Hance it's ok, maasahan ka talaga." Dinig kong sabi ni Worth kay Chance at bahagyang kumindat sa isa't isa.

Agad namang nag alburoto ang kaloob looban ko. Nang mapagtanto ko na magkasabwat silang dalawa ni Worth. At alam ko kung sino may pasimuno neto, walang iba kundi ang demonyeto.

"Adrestia come and join us, maupo ka" aya sakin ni Promise.

Umupo ako sa isang bangko na nababalot ng puting tela. Magarbo ang pagdiriwang at punong puno ng mamahaling bagay ang paligid, May mamahaling chandelier ang nakasabit, at umaalingaw ngawa ang tunong ng speaker, na sinasabayan ng nakakaindak na musika.

May iilang taong umaakyat sa stage at nag bibigay ng mensahe para kay Worth. Ang iba ay nagbibigay ng pagbati sa kanya.

Pagkakataon na ni Worth para mag bigay ng speech niya.

Naka black na tuxedo si Worth at nakaayos din ang buhok niya. Nakipagkamay siya sa isang babae na sa tingin ko ay 50+ na ang edad at sa isang lalaking nasa 50s na din.

Nagtanong ako kay Promise kung sino ang dalwang yun.

"Past! Promise! sino yung dalwang yun?" Takang tanong ko habang itinuro ang mag asawa.

"That's our mom and dad, kanina lang sila dumating galing UK." sagot NMN ni Promise.

Napatango tango lang din ako, at nag focus na lang sa pakikinig kay Worth.

"In this past few years as the new CEO of Gale company, it is a pretty hard journey, especially i have to raise the growth of our company on my own, as the older son of the Gale family this responsibilities are in my hands now. Mom, Dad, Thank you for trusting me. To our stockholders and employees thank you very very much."

Pagkatapos ng speech ni Worth ay agad siyang nakipagkamay sa mga magulang niya, baba na san siya ng stage nang May biglang lumapit sa kanya na babe at niyakap siya.

May katangkaran ang babae at Naka cocktail dress na black. Parang pang modelo ang katawan nito.

Inilalaan siya ni Worth at inalok ang braso nito sa babae, kumapit naman ang babae sa bisig ni Worth.

Sa di maipaliwanag na nararamdaman ay parang gusto kong palaguin ang babaeng yun kay Worth.

Naakad sila papunta sa mesa namin, sobrang ganda ng babe at halatang anak mayaman. Samantalang natanaw ko naman ang nanay ni Worth na parang ayaw na ayaw niya sa babaeng yun.

"Hi Guys! this is Aira, my friend" bored na pagpapakilala ni Worth.

Halatang di niya gusto ang presensya ng babaeng to.

Para namang lintang dikit na dikit ang babae kay Worth.

"Hi Guys! omg! Promise is that you na?" maarteng bati ng babae. At nakipag beso beso kay Promise.

Pilit namang ngumiti si Promise, halata ang tension sa pagitan nila. Si Trick naman ay blangkong nakatingin ngayon sa babae, si Chance at Love naman ay halatang di gusto ang pangyayaring ito.

Matapos niyang batiin ang magkakapatid ay napadali ang tingin niya sakin.

"And.... oh ... who's this?" parang animo'y nandidiri siyang tumingin sakin.

Inakbayan naman ako ni Trick at mayabang na sinagot ang babae.

"This is Adrestia, my girl... so stop that disgusting look of yours as if maganda ka." iritadong sagot ni Trick sa kanya.

"Oh come on Trick? ganyan na pala kababa standard mo ngayon? you'll settle for a cheap looking ugly woman?" maarteng sabi niya kay Trick.

Tumaas namn ang kilay ko, akmang sasagot na ako ng biglang sumagot si Trick.

"Atleast she's different, kesa sa arte lang ang alam at halos pag usapan nyo buong araw ay ang ibat ibang shades ng pink tss." malditang sabat ni Trick at inayos ang table napkin para sakin.

Napapikit na lang ng mata ng babae at umupo, uupo na sana siya nung suwayin siya ni Chance.

"Excuse me miss Aira, but that seat is reserved, Kay kuya yan, sa kabang table ka na lang umupo ah." Mapang-asar na sabi ni Chance sa kanya.

Halatang inis na umalis ang babe at nag hanap ng ibang upuan, kasama niya ang iba pang babae na ngayon ay ang sama sama na ng tingin sakin.

"Don't mind them, they're just jealous."

Nahalata siguro ni Promise na nakatingin ako sa. mga babaeng yun.

Oras na para sa kainan. Agad namang nag laway ang bibig ko sa mga pagkain na inihatid dito sa lamesa namen.

"Hey! Adrestia ganyan kaba ka gutom para tumulo laway mo?" Natatawang tanong ni Chance.

"Patay gutom yan eh" dinig kong mahinang sabi ni Worth.

"Hoy! Ikaw na demonyeto ka kung wala lang talaga tong masasarap na pagkain sa harap ko malamang na bigwasan na kita. Pasalamat ka nawawala inis ko pag kumakain, kaya kung ako sayo mananahimik ako at baka mag bago isip ko at isaksak ko to sa ngalangala mo ang tinidor na hawak ko." Inis na sabi ko kay Worth

Agad naman siyang namutla at dali daling sumubo ng pagkain.

Napailing iling naman si Promise dahil sa inakto ng kuya niya.

Kakain na sana ako ng may biglang lumapit na isang napakagandang babae sa table namen.

"Oh! i didn't know that maids are also invited." Biglang sulpot ng isang babaeng, sobrang pula ng labi , sa sobrang pula parang nag mukbang siya ng atswete.

"Here we go again" dinig kong sabi ni Promise, at bahagyang sumimsim ng wine.

Samantalang dedma lang ako, at ini enjoy ko ang lasa ng pagkain sa bibig ko.

"Worth baby? why is your yaya here? diba dapat ang mga maids ay nasa bahay dapat naglilinis ng mga kubeta." Maarte ng ani ng babae.

Worth baby nyenyenyeny paggaya ko sa isip ko.

"Althea don't make a scene here , kumakain kami oh." Mababatid mo ang inis sa boses ni Worth pero mas pinili niya paren kumalma.

Nang marinig ko ang pangalan na Althea ay agad akong napatingin sa babae.

"Pfft" di ko napigilan ang tawa na pilit kumakawala sa bibig ko.

Taas kilay na akong tinignan ng anak ni Ursula.

"What are you laughing at?" Malditang tanong sakin ng anak ni Ursula.

Di ko siya sinagot sa halip ay kumain lang ako. Pero hindi ko talaga maiwasan ang mapaglarong isip ko.

Naka suot ng pulang long gown si Althea. At at may slit na hanggang hita ang taas. Bagay sa kanya ang suot niya. Pero natatawa ako sa make up niya.

Para siyang sasali sa miss gay, sa sobrang kapal ng make up niya.

"Pfft" hindi ko nananaman mapigilang hindi matawa.

To be continued

You Are The Reason Where stories live. Discover now