C-26

23 3 3
                                    

Promise POV.

Halos libutin ko na ang buong mansion kakatawag kay Adrestia, pero kahit ni anino niya ay hindi ko nakita.

Pabalik na sana ako ng aksidenteng mabunggo ko si Vj na may dalang mga labahin.

“Oh! Im sorry Vj, di ko sinasadya. . . by the way nakita mo ba si Adrestia? Kanina ko pa siya hinahanap.”  Tanong ko sa kanya.

“Ay sir kanina ko pa din po hinahanap. Unutusan ko lang siyang kumuha ng labahin hindi na po nakabalik. Pareho po sila ni sir Worth, parehong di ko mahagilap. Sige sir ah! I make laba laba to your damit na.” nakangising sagot sakin ni Vj.

Hindi ko maiwasang isipin na may kinalaman siya sa pagkawala ni Worth at Adrestia,
hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako sa loob ng mansion. Parang dinala ako ng sarili kong mga paa patungo sa tagong silid ng mansion na to.

Halos hindi maawat sa pagkabog ng sobrang bilis ng puso ko.

Dahan dahan kong inabot ang lever na nasa itaas ng pinto na ang desinyo ay parang normal na lampara.

Dahang dahang bumakas ang pinto ng tagong kwarto, at nung tuluyan na ngan’g mabuksan ang pinto ay agad nahagip ng paningin ko sila ni Worth at Adrestia.

Pareho silang nakasandal sa pader, naka yakap si Adrestia kay Worth at ganon din si Worth kay Adrestia. 

Napangiti na lang ako sa nasaksihan ko, alam ko naman na may pagtingin sila sa isa’t isa, hindi lang nila inaamin sa sarili nila.

Isasara ko nasana pabalik ang pinto ng biglang magising si Kuya Worth.

“Promise? Anong ginagawa mo dito?” bahagyang tanong niya pa at dahan- dahang napatingin sa katabi niya.

Nakita ko ang agad na rumehistrong pagkagulat sa mata niya. At agad niyang siyang lumayo sa tabi ni Adrestia , dahilan para  bumagsak si Adrestia sa sahig, ngunit mukhang hindi ito nakaramdam dahil tulog na tulog parin ito.

Agad naman siyang yinugyog ni Kuya..

“Hoy Kurdapya! Gising na!” gising niya kay Adrestia habang niyuyog yog ito.

Agad namang napakamot sa ulo si Adrestia dahil sa inis.

“Aray! Ano ba! Isang yugyog mo pa sakin tatamaan ka talaga.” Pagbabanta niya kay Kuya.

Gusto kong matawa dahil napaamang na lang si Kuya sa sinabi ni Adrestia. Bumalik naman sa pagtulog si Adrestia na kay halong inis, wala pang isang minuto ay narinig ko na ang hilik niya.

“Kuya! Hayaan mo na ako na magbubuhat sa kanya---“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang lumuhod si kuya sa gilid ni Adrestia at  dahan dahang binuhat ito.

At derideritsong lumabas sa tagong silid na parang wala lang.

“Isarado mo na yan, ako na bahala kay Adrestia.” Istriktong sabi niya at derideritsong umakyat sa hagdan habang buhat buhat si Adrestia.

‘H-hoy! Kuya san mo siya dadalhi----“

“Wala ka na dun” malditong sagot niya.

“Ibang klase!” nasabi ko na lang at isinarado na ang pinto ng sekretong silid.

Worth POV

Ilang kilo ba ng bigas ang kinakain ng babaeng to sa isang araw? Bakit parang nagbubuhat ako ng isang sako ng bigas.

Kaunti na lang makakarating ka din sa kwarto mo Worth. Pagpapalakas ko sa sarili ko.

Dahil halos maubosan ako ng hininga dahil sa bigat ni Adrestia. 

Nung makarating ako sa harap ng pintuan ng kwarto ko ay agad- agad ko itong binuksan.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay dahan-dahan kong inilapag si Adrestia sa kama ko. Inayos ko muna ang unan tsaka ko siya linagyan ng kumot.

Umupo ako sa gilid ng kama at sandaling tinignan ang mukha niya.  Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang tinititigan ko siya. Agad akong bumalik sa ulirat ng mapagtanto ang ikinilos ko.

“Ano bang nangyayari sakin?” tanong ko sa sarili ko at umiling-iling.

“Maganda ka naman pala, at ang amo ng mukha mo pag natutulog ka. Ibang iba pag gising ka.” Napangiti ulit ako sa sinabi ko.

Agad kong sinuway ang sarili ko dahil sa biglaang pag ngiti ko.

“Whoa ang weirdo ko, di naman ako ganito, para akong tangang ngumingiti sa taong tulog. Makatulog na nga!”

Hihiga n asana ako sa tabi ni Adrestia ng may napansin akong parang panyo sa bulsa niya.

Hindi ko alam pero biglang kumabok ng sobrang bilis ang puso ko. Parang pamilyar sakin ang panyong nasa bulsa niya.

Kukunin ko  na sana ngunit biglang gumalaw si Adrestia patagilid.

“Baka kapareha lang.”
Napa iling iling na lang ako at humiga sa kabilang side ng kama.

(Few hours Later)

Alas onse na ng gabi pero hindi parin ako nakakatulog. Pano ba naman kasi ang lakas manipa nitong si Adrestia, putok na nga ang giklid ng labi ko dahil sa aksedenteng masipa niya ang baba ko. Gumalaw ako patagilid para makaharap siya.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagulat ako sa ginawa niya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakatali ng pang maid na uniform niya habang nakapikit ang mata at nag sasalita.

“Potang ina ang lamig sarap sa katawan.”

Gusto kong matawa sa sinabi niya, ngunit halos mataranta na ako sa ginagawa niya.

Akmang huhubarin niya na ang T-shirt na suot niya at tumayo ako at kinuha ang extrang higaan sa ilalim ng kama ko. At  humilata sa sahig at nagtalukbong ng kumot, habang nakatalikod sa gawi niya.

Naramdaman ko na parang may tumama sa ulo ko. Kinuha ko ito at tinignan, gulat kong nabitawan ang nakuha kong bra ni Adrestia at mariing ipinikit ang mata ko.

‘Relax ka lang Worth relax, itulog mo yan.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay agad na uminit ang temperatura sa katawan ko.

“Darn it!" napamura na lang ako at sapilitang ipinikit ang mga mata ko.

(Kinaumagahan)

“Ah!!!!!!!!!”

Nabulabog ako dahil sa lakas ng sigaw ni Adrestia.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon