C-20

24 3 0
                                    

Joseph POV

Bago ang kaarawan ni Adrestia’

Maaga akong nagising upang bilangin ang mga naipon kong pera, ngayon ang nakatakdang araw upang basagin ang aking alkansya. Halos hindi mawala-wala ang nakaukit na ngiti sa mga labi ko. Pano ba naman birthday ng nagiisang dyosa ng buhay ko.

Sana matuwa siya sa sorpresa ko mamaya, nakangiti kong binuksan ang drawer ng cabinet ko at kinuha ang red velvet box. Binuksan ko ito at napangiti nung makita ko ang isang simpleng sing sing na sumisimbolo sa walang hangganan.

“Infinity ring, sana magustuhan ka niya.” Nakangiting kausap ko sa singsing. Napailing na lang ako sa ginawa ko.

“Para akong baliw nito, pati singsing kinakausap ko.”

Napapailing na sabi ko sa sarili ko bago ito ibinulsa.
Lumuhod ako at similip sa ilalim ng kama para kunin ang   arinola na naglalaman ng mga inipon kong pera. Kinuha ko ang dalawang medium size na arinola at binuksan ito.

Napangiti ako ng makita ang mga inipon ko. Mahigit tatlong taon ko din tinipid ang sarili ko para lang sa araw na to. Dapat nung 18th birthday niya pa ito binuksan, pero kinapos ang naipon ko. Kaya ngayon 23 na si Adrestia ay panahon na upang sorpresahin siya at tuparin ang isa sa mga pangarap niya.

Ibinuhos ko ang lahat ng laman sa aking kama halos matabunan ng pera ang kama ko. Umupo ako sa sahig at nagsimulang magbilang.

Inabot ako ng dalawang oras kakabilang  ng mga perang inipon ko.

“90,000! Grabe di ako makapaniwala na naipon ko ang ganito kalaking halaga. Sa tanang buhay ko ay di ko kalian man na imagine na makakaipon ako ng ganito kalaking halaga.” Bilib na ani ko sa sarili ko.

Dali dali akong tumayo at lumabas ng kwarto ko, pagbaba ko galling sa hagdanan ay  nabutan kong nakaupo sa sofa si Lolo habang nagkakape.

“Magandang umaga apo, mag almusal ka na. Andun ang kape mo sa mesa.” Maligayang bati sakin ni Lolo.

Napatingin siya sa hawak kong plastick saan nakasilid ang inipon ko.

“Ano iyan apo?” kunot noong tanong niya.

“Ahh. . . ipon ko po lo, para sa okasyon mamaya.” Kamot ulong saad ko.

“Wala namang pista sa brgy natin ngayon ah---- teka! Kaarawan ni Adrestia ngayon, iyon ba ang okasyon na tinutukoy mo?” mapanuksong ani ni Lolo.

Umiwas ako ng tingin habang pinipigilang mapangiti.

“O sya! Sasabihan ko ang mga kompare ko na tulungan ka sap- ag aasikaso sa birthday mamaya ni Adrestia, san ba yan gaganapin?."

“Dyan lang po sa basketball court lo.” Hindi ako makatingin kay lolo dahil sa hiya.

Mula dito sa kinatatayuan ko ay ramdam ko ang mapangusising tingin ni Lolo.

“Halika dito apo, may gusto akong sabihin sayo.” anyaya niya sakin.

Agad naman akong sumunod at umupo ako sa tabi niya.

“Nung kaedaran moko ay naalala ko ang sarili ko sayo, kagaya mo. . . ganyan ko din kung pahalagahan ang lola mo.  At ganyan din ang kislap ng mata ko sa tuwing nakikita ko ang lola mo. Akala mo ba’y hindi ko napapansin?” makahulugang ani niya sakin.

Napatingin ako kay lolo.

“Ang alin?” kunot noong tanong ko.

“Na may pagtingin ka kay Adrestia.” Deretsahang sabi niya.
Halos atakihin ako sa puso dahil sa deretsahang sinabi ni lolo.

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko na akala mo’y aatakihin ako ano mang oras.

“A-ang totoo po niyan lo. . . kaibigan lang po talaga ang tingin ko kay Adrestia.” Pagsisinungaling ko.

“Kaibigan lang ba talaga?” mapaghinalang ani niya.

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at pinakalma ang sarili ko.

“ Aaminin ko Lo may gusto ako kay Adrestia pero hindi yung tipong aabot na sa pag-ibig.”
Bumuntong hininga si Lolo at inakbayan ako.

“Alam mo apo, ang puso at isip natin minsan ay mapaglaro. . . yung inaakala natin na hanggang kaibigan lang  ang  tingin natin sa isang tao   iyon mismo ang nakatatak sa isip natin, lpero taliwas ang sinasabi ng puso natin. Minsan sa buhay hindi puro isip lang ang dapat nating paganahin, dapat ang puso din."

" Dahil ang isip natin ay nagdedesisyon lang palagi sa kung anong tingin natin ay tama. At dadating sa punto na ang inakala nating tama ay nakakasakit na sa iba. At kung puso naman natin palagi ang paiiralin ay  nagiging bulag tayo sa paligid natin, hindi na natin mawari kung alin ang tama o mali dahil pinapairal lang natin ang emosyon natin."

"Kaya palagi mong tandaan apo, hindi lahat ng tama ay nakakabuti at hindi lahat ng mali ay nakakasama. Kaya’t kailagan mong paganahin ng sabay ang puso at isip mo bago mo gawin ang isang bagay.” Nakangiting ani sakin ni lolo at iniwan akong naguguluhan.

Hindi lahat ng tama ay nakakabuti, hindi lahat ng mali ay nakakasama’

Anong ibig sabihin ni Lolo? Ang gulo ng sinabi niya.’

“Aishhh! Litong lito na nga ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Adrestia” napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.

“Kung naguguluhan ka sa damdamin mo para sa kanya, isipin mo ang mga nararamdaman mo sa twing kasama mo siya.” Nagulat ako dahil sa biglaang pagsulpot ni lolo sa likod ko.

“Aissh ano ba yan lo! bat ka nangugulat.”
Tumawa lang siya.

“Talagang ang bilis tumakbo ng oras, biruin mo dati sinasamahan pa kitang magpatuli------”

“Lolo naman!” nahihiyang ani ko.

Tumawa lang siya.

“Ito ang mga bagay na itatanong ko sa iyo.” Nakangiting ani niya.

“Ano yun?”

“Anong nararamdaman mo sa twing kasama mo siya?” nakangiting tanong niya.

“M-masaya” utal na ani ko.

“Ano pa?”

“Pakiramdam ko nakakapagpahinga ako sa twing andyan siya, kumakabog ng mabilis ang puso ko sa twing natatanaw ko siya. Parang humihinto ang paligid ko sa twing ngumingiti siya. Wala akong makita sa paligid ko maliban sa kanya. At higit sa lahat nararamdaman ko ang hindi maipaliwanag na kasayahan na kay Adrestia ko lang nadarama.” Hindi ko namalayan na parang timang na ako na nakangiti habang nag kwekwento kay lolo.

“Mahal mo na siya.”
Halos mapantig ang tenga ko sa sinabi ni Lolo, at nagpaulit ulit ito sa isip ko.

‘Mahal mo na siya’

‘Mahal mo na siya’

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Halos hapuin ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Totoo kaya? Mahal ko na siya?.

Itutuloy……

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon