C-32

2 0 0
                                    

Adrestia POV

Masayadong kaming abala ni VJ kakalinis sa buong mansion ng mga magkakapatid, pinalitan namin ang mga kurtina at sofa cover. Gusto daw kasi ni Demonyeto na 'blue Christmas theme daw'. Kaya ito kaming dalawa ni Vj pa balik balik sa stock room para kunin ang mga decorations, para sa higanteng Christmas tree na iniutos sakin na ikabit.

"Naku! Adrestia baka mahulog ka dyan!" Nag aalala ng sambit ni Vj habang nakatingala sakin.

Kung nag tataka kayo kung gaano kataas tong Christmas tree nila Worth ay 13 ft lang naman. Sa sobrang taas nangangalay na ang mga kamay ko at paa , sumasakit na kaka akyat baba sa hagdan.

"Paabot nga ako nung star Vj." Utos ko sa kanya.

Agad nya nang inabot sakin ang kulay gray na star, umuga nga kaunti ang hagdan, pero di ako nag panic.

Habang abala ako sa pag de-decorate ng Christmas tree si Vj naman ay abala sa pagluluto ng tanghalian. Dahil mamaya ay darating na si Demonyeto galing sa trabaho, samantalang si Promise naman ay nakatambay lang sa kwarto nya. Ganon din sila Trick at Love, si Chance naman ay may pinuntahan.

Maya maya pa ay biglang tumunog yung doorbell.

"Vj! Pakitignan nga kung sino yung nasa labas."

Dali dali namang pinuntahan ni Vj ang monitor at tinignan kung sino ang nag doorbell.

"Di ko kilala tong babaeng to Adrestia, bisita daw siya ni Sir."

"Papasukin mo na lang, baka mamaya sermonan nanaman tayo ni Demonyeto." Tanging sagot ko at ibinalik ang atensyon ko sa pag de-decorate.

Pero imbes na maganda ang araw ko ay biglang na imbyerna ang tenga ko dahil agad kong nakilala kung sino ang bisita namin. Walang iba kundi ang anak ni Ursula, ang matindi at maarteng boses nito ang nakapag pag inis ng ulo ko.

"Oh my gosh! Looks who's here?? Like duh??"maarteng sabi niya.

Kahit wala siyang sinabing pangalan ay alam kong ako ang pinaparinggan nya.

"Anong nangyari sa nagtatapang tapangan na Adrestia??? From maangas to sunod sunuran na mukhang basahan." Nangungutyang sabi niya.

Ngumisi ako at nilingon siya. Bahagya kong itinaas ang kilay ko at tinignan siya.

"Atleast di ako mukhang pusit. Eh ikaw? Mukha ka na ngang pusit sing itim pa ng tinta ng pusit ang budhi mo." Kutya ko pabalik sa kanya.

Agad na rumehistro ang inis sa mukha nya. At tinignan nya ako ng masama, pero benelatan ko lang sya at bumalik sa ginagawa ko.

Tahimik lang na nag ce-cellphone si Althea sa sofa ng may bigla akong narinig na busina na sasakyan.

"Adrestia!!! Pakibantayan nga muna tong niluluto ko baka masunog, pagbuksan ko lang ng gate si Sir." Dinig kong utos ni Vj sakin, bumaba naman agad ako ng hagdan at pumunta sa kusina.

Mula dito sa kusina ay rinig na rinig ko agad ang boses ni Worth.

"What are you doing here!? I told you! We're done!" Halata sa boses ni Worth ang pag kairita.

Dali daling lumapit si VJ sakin.

"Halatang highblood nanaman si Sir, di kaya puputok batok nya baboy pa naman tong niluluto ko." Pabirong sabi ni Vj.

"Shhhh! Baka marinig ka nun at masermunan ka nanaman, oh siya!  Babalik nako sa ginagawa ko." Suway ko kay Vj at ibinigay sa kanya ang sandok.

Bumalik nako sa sala at kinuha ang mga i lalagay ko pa sa Christmas tree. Star na lang sa tuktok ng Christmas tree ang ilalagay ko. Akmang tatapak pa lang ako sa unang hagdan ng hagdanan ay biglang napadaan si Trick.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon