C-18

27 4 2
                                    

Nem POV

Biyernes ngayon, at plano kong umuwi sa amin, pero bago ang lahat ay tatapusin muna namin ni Vj ang lahat ng gawain dito sa bahay. Nitong nakaraang araw ay tahimik lang ang buong bahay.

Umalis si Worth dahil daw may’roon itong business meeting sa ibang bansa. Kaya tahimik at kalmado ang pakiramdam ko ngayon.

  Pagkatapos ng pangyayari na kung saan ay binuhusan niya ako ng menudo ay hindi kami nagpansinan hanggang sa umalis siya at nagtungo sa ibang bansa.

Di man lang humingi ng paumanhin. Sabagay amo ko nga pala siya.’ Reklamo ko sa isip ko.

“Nem! Dun lang ako sa hardin at bibinyagan ko ang mga halaman.” Paalam sakin ni Vj.

Tumango lang ako at itinuloy ang pag vavacuum ng sahig, ipinagpag ko ang sofa at ang mga unan. Pagkatapos kong mag vacuum ay agad kong winalis ang mga alikabok at dumi na nahakot ko. Halos manlagkit nako dahil sa walang tigil na pagtulo ng pawis ko. Walis dito walis doon.

Pagkatapos ko nanamang magwalis ay agad akong kinuha ang mop, upang simula ng punusan ang sahig. Habang nagpupunas sa sahig ay bigla akong napahinto  nga may tumawag sa pangalan ko.

“Adrestia, pahinga ka muna, mag meryenda ka.”alok sakin ng isang mala anghel na boses.

Paglingon ko ay halos huminto ang mundo ko dahil sa uri ng ngiti na nakaukit sa mga labi ni Promise. Para siyang isang anghel sa paningin ko.

Bakit ganito? Bakit parang si Promise lang ang nakikita ko? Bakit parang may kakaibang dulot yun sa Sistema ko.’

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.

“Oi! Napano ka?” natatawang gising sakin ni Promise.

Agad akong napakurap kurap ng mata ko dahil sa sinabi niya.

“Ah? a-ako? Wala naman na ano lang… basta yung ano lang” halos mangapa ako sa mga salita na nais kong sabihin, pero walang mailabas ang dila ko.

Umiling-iling na lang siya at inilapag ang tray sa center table at umupo sa sofa.

Akmang babalik nako sap ag tratrabaho ng magsalita siya.

“Adrestia, tigilan mo yan at mag meryenda ka muna.” Dinig kong alok niya, pero di ko siya pinakinggan.

Naramdaman ko na tumayo siya mula sa pagkakaupo at biglang humarap sakin at inapakan ang mop, dahilan para mapahinto ako sa ginagawa ko. Tinignan ko siya ng may pagtataka? Pero sa halip ay  ngumiti lang siya.

“Promise. . . naka shabu ka ba? Sabihin mo ilang gramo?” sabi ko  habang pinipigilan na matawa.

Natawa naman siya ng bahagya.

“Sira! Kung maka shabu to, bakit? Porket amo mo ako bawal ng makipag close sayo?”

“Hindi naman”

“E ayun naman pala eh! kaya tigilan mo muna to, at kumain ka muna. Ako nagluto ng meryenda mo.” Nakangiting alok niya sakin.

“Hmmm! Ayoko noh! Ikaw kumain diyan” sabi ko sa kanya.

“At ito!” inagaw ko ang walis mula sa kanya. “ Akin na to dahil uuwi pa ako sa amin mamaya. Para di magsaluubong ang landas naming ni Demonyet—este! Seniorito” agad na bawi ko sa sinabi ko.

Pero sadyang kay tigas ng ulo ni Promise, ngumisi siya at wala sabi sabing inagaw ang walis mula sa akin.

“Oi! Promise! Di ako matatapos neto eh!” reklamo ko.

“Ibibigay ko to sayo, sa isang kundisyon. Kakain ka muna ng meryenda, masyado mo ng pinapagod ang sarili mo eh. Di ka pa nakapag agahan.” May halong pag aalalang ani niya.

You Are The Reason Where stories live. Discover now