C-5

26 3 0
                                    

Nem PoV

Habang masaya kaming kumakain ng agahan ay bigla kaming napatigil dahil may kumatok na kung sino sa may pinto. Taka naman kaming napalingon kung sino iyon, at dun bumungad samin ang lalaking naka kulay yellow.

Nagkatinginan kami ni Nay Carol pareho kaming nagpalitan ng makahulugang tingin.

“Ah… magandang umaga ho sa inyo, pasenya na po sa abala. Ito po pala ang bill nyo sa kuryente.” Nahihiyang ani ng mamang taga singil ng bill sa kuryente.

Agad tumayo si Nay Carol at  kinuha ang wallet niya sa bag pero pinigilan ko siya.

“Nay. Ako na ho, itabi niyo yan para may baon si Isabelle at Michael Angelo.” Pigil ko sa kanya.

“Pero nak----” aangal pa siya ng bigla kong hinugot ang nakatuping papel sa ibabaw ng bintana. Kung saan nakalagay ang inipon kong pera.

“Ate oh!.” Bumaling ako kay Isabelle na ngayon ay nakaharap sakin para I abot ang bill. Kinuha ko naman ang bill at tinignan kung ilan ang babayaran.

Sakit sa batok naman ang kuryente namin’

Bibilangin ko na sana ang pera ko ng may kumatok nanaman, nung tignan ko kung sino ito ay napabuntong hininga na lang ako.

“Magandang umago po, Misis Beanaventura ito po ang bill nyo sa tubig maniningil na ho kami, magiisang buwan na po kayong hindi nag babayad, kaya kung hindi pa po kayo mag babayad ngayon ay mapipilitan po kaming putulan kayo ng tubig.” Nahihiyang sabi ng mama.

Kinuha ni Isabelle ang bill ng tubig at inabot sakin. Napahawak ako sa sintido ko dahil sumakit ata ulo ko sa bayarin.

Tinignan ko ang pera nanaipon ko. Kulang to dahil seven hundred pesos lang ang naipon ko.

Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at bumaling sa dalawang taga singil.

"Mga Kuya.... hehehe kulang po pang bayad namin eh pwede bukas na lang? ako na po mismo pupunta sa opisina ninyo." sabi ko at ngumiti ng bahagya.

Napakamot ulo na lang ang dalawa at nag martsa paalis.

‘Mukhang kailangan ko na talagang rumaket.'

“Nak? Ayos ka lang ba?” nagaalalang tanong ni Nay Carol sakin.

Hindi ko ipinahalata na nanahihirapan ako sa sitwasyon namin. Sa halip ay ngumiti lang ako para sabihing ayos lang.

“Ah… ate may sasabihin sana ako.” Ani ni Isabelle.

Agad naman akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya.

“Ano yun Belle?” takang tanong ko.

“Ano po kasi, m-may project kami sa school. Tapos kailangan kong mag ambag." Halata ang pag aalinlangan sa boses  niya.

“Magkano ba kailangan mo?” malumanay na tanong ko.

“Isan libo----” hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng magreact ako.

“Jusme! Ka yawa-a” gulat na naiusal ko.

“Pero kung---”

“Sige Belle, gagawa ako ng paraan.” Sabi ko sa kanya at ngumiti at ginulo ang buhok niya. “ Kailan mo kailangan?” bahagyang tanong ko.

“Bukas sana.” Agarang tugon nya.

“Sige, bukas may isan libo ka na.” nakangiting tugon ko sa kanya.

Paano ako tatalikod sa masamang Gawain ko, kung ganito ang sitwasyon ng pamilya namin. Hindi ako pwedeng mag trabaho dahil hindi ako nakapagtapos ng pag- aaral. Gustuhin ko man pero, magugutom naman ang pamilya ko.

You Are The Reason Where stories live. Discover now