C-15

22 3 0
                                    

Nem POV

Matapos kong kunin ang mga maruruming damit ni Promise sa loob ng kwarto niya ay dali dali akong lumabas ng nakatakip ang mukha. Tinanong niya pa nga kung bakit badaw ako nagtatakip ng mukha, pero sa halip na sagutin siya ay lumabas na lang ako sa kwarto niya.

Nung makalabas na ako ay sunod ko namang tinungo ang kwarto ni Trick. Katabi lang ng kwarto ni Promise ang kwarto ni Trick , kaya di ako nahirapang hanapin iyon. Nung nasa tapat na ako ng pinto niya ay nakita ko pa ang nakasulat na.

‘Something is happening inside, if you’re interested then come in.’
Hindi ko na pinansin ang nakasulat sa labas, sa halip ay pinihit ko na lang ang door knob,  ngunit isang pagkakamili ata ang aking ginawa. Dahil pagbukas ng bukas ng pinto ay halos mahimatay ako sa gulat sa aking nasaksihan.

Bahagyang umuwang ang bibig ko at nabitawan ang sisidlan ng maruruming damit ni Promise. Pano ba kasi pag bukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang nagkakainang si Trick at ang babaeng mukhang ginahasa na, sinong abnormal ang di magugulat non.

“K-king ina” naiusal ko na lang.
Agad namang napatingin sa gawi ko si Trick at ang babaeng kalampungan niya.

“Shit!” gulat na ani Trick, at daling hinablot ang kumot at tinakip sa katawan niya at sa babaeng kalampungan niya. Na ngayon ay nakataas ang kilay.

“Anong ginagawa mo rito!? Di ka ba marunong kumatok? Can’t you understand the word knock!?” galit na bulyaw sakin ni Trick.

Yumuko ako at pinipigilan ang sarili ko na mainis.

“Pasensya na sir Trick ah, kasi yung pinto niyo ‘ho’ di naka ‘lock’, aba eh! malay ko bang nag jujugjugan kayo dyan. Sa susunod kasi, mag lock kayo ng pinto, ng sa gano'n ay di kayo maisturbo.” Diniinan ko talaga ang ilang salita na binitawan ko.

Napaikot naman ng mata si Trick, samantalang ang babaeng kalampungan niya naman ay tinaasan ako ng kilay.

“Anong kailangan mo?” tanong ni Trick.

“Kukunin ko lang sana ang marurumi mong damit, para malabhan na namin ni Vj sir.” Bored na sagot ko.

“Andun sa gilid ng cabinet ko.” Ani niya at itinuro ang cabinet niya na wala sa ayos ang mga damit.

Kung ikukumpara ko ang kwarto ni Promise at ni Trick ay mas babaeng babae kung mag ayos si Promise ng mga gamit niya. Samantalang si Trick naman ay. . .parang isang drawing na di mai describe ang kwarto niya.

May mga bra at panty na nagkalat sa sahig, sapatos na nakapatong sa study table. Mga maruruming damit sa sofa, bote sa sahig, mga plastic ng chichurya. At kung ano ano pa,sa madaling salita. Marumi ang kwarto niya. Parang di nalinisan ng ilang taon.

Naputol lang ako sa pagtingin tingin sa kwarto ni Trick ng may bumato sakin ng libro. Nilingon ko ito at nakita ko ang mataray na tingin ng babaeng kalampungan ni Trick.

Samantalang si Trick naman ay nakatingin lang sakin.
Nilingon ko ito ng may masamang tingin, pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

“Ano pang hinihintay mo? Kunin mon a ang dapat na kunin mo ‘Yaya’” may pangungutya sa boses niya.

At ang isang to , inikotan niya pa ako ng mata.
Tumalikod na lang ako at isa-isang kinuha ang mga damit na nagkalat kung saan saan. Nang makuha ko na ang lahat ay binalingan ko ng tingin ang babae.

“What!?” mataray na ani niya habang nakataas pa ang kilay.

Ngumisi ako at agad na sinamaan siya ng tingin.

“Miss, sa susunod wag mo akong mabato-bato ng libro. Nag tratrabaho ako ng maayos, at isa pa, hindi ikaw ang amo ko para batuhin moko kung kalian mo gusto.” Seryosong sabi ko sa kanya.

You Are The Reason Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon