C-6

24 4 0
                                    

Nem POV

Halos hindi na ako makagalaw dahil sa gulat habang nakatingin sa lalaking nag mamayari ng pitakang nakuha ko.

Ngumisi siya bago nag salita.

“Mukhang na minamalas ka sa araw na to.” Nakangising ani niya sakin habang  hinawakan ang manggas ng damit ko.

“Araya no ba!? Bitawan mo nga ako!” pag proprotesta ko sa kanya. Habang hila-hila niya ako papunta sa isang kulay putting isport car.

Teka pamilyar to ah!’

Huminto kami sa gilid ng isport car. Binitawan niya na ang manggas ko at sumenyas gamit ang ulo niya.

Kunot noong tinignan ko naman siya,para siyang tanga na sumesenyas gamit ang ulo niya.
Nung mapagtanto niyang hindi ko makuha ang ibig niya sabihin ay napabuntong hininga siya at napaikot ng mata niya.

“Get In!.” pagalit na sabi niya.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

“Ano!? papasakayin moko sa loob ng sasakyan mo? Tapos ano? ri rapen moko? Tapos gagawin mo akong taga init ng kama mo? Tapos pag nagsawa ka na sa katawan ko tatadtarin mo ang katawan ko? Tapos isisilid mo sa sako at itatapon mo sa ilog pasig ganon ba!? Naku ayoko nga! Marami pa akong pangarap para sa pamilya ko, bata pa po ako .” sunod sunod na sabi ko.

Inis niya naman akong tinignan at malalaki ang hakbang niya papalapit sakin at  akmang hahawakan ang ulo ko ng binayagan ko siya. Agad siyang napaluhod sa semento habang sapo sapo ang gitnang parte ng katawan niya.

“F*ck! What the hell is your problem woman!? Mahirap kausapin ang taong advance mag isip! Tangina! Parang nabasag yung ano ko!” dinig kong daing niya, at sunod sunod nap ag mura niya.

“Buti nga sayo, gago ka! Pakyu ka ulol!” mura ko sa kanya, tatakbo n asana ako papalayo ng may na isip akong ka tarantaduhan.

Bumalik ako sa gilid ng kotse niya at binasag ang bintana ng kotse niya.

Tumingin ako sa kanya ng nang aasar. Tinignan niya ako ng masama habang sapo sapo parin ang gitnang bahagi ng katawan niya.

“Hehe para yun sa pag huli sakin! At ito..” lumapit ako sa kanya at kinapkapan siya para kunin ang wallet niya. “Akin na to, bunos ko na lang to, sa totoo lang di ko gustong nakawan ka pero pasensya na. Basta mag nanakaw magnanakaw talaga, Salamat dito ah! pai! Pai!.” Nang aasar na paalam ko sa kanya at dali daling pumara ng tricycle.

Nung makasakay nako ay dali dali kong binuksan ang wallet niya.

Ayos! May ados nako!.’

+++++
Bahay

“Oh! Nak! Bat ngayon ka lang?” bungad sakin ni Nay Carol na ngayon ay kasama ang mga kapatid ko na kumakain sa lapag.

Inilapag ko muna ang dala kong batchoy at nilagang baka sa gitna. Uupo n asana ako ng biglang tumayo si Tay Ronel.

“Tss! Nakakawalang gana!.” Usal niya at tumayo at di man lang ako tinapunan ng tingin.

Napatingin naman ang mga kapatid ko sakin ng may pag aalala. Ngumiti lang ako ng pilit para ipahiwatig na ayos lang ako.

“San ka nga pala galling nak?” basag ni nay Carol sa nakakailang na sitwasyon.

“Ah sa ano po…. Sa mall po.” Sagot ko sa kanya.

“Umaano ka naman sa mall?” usisa niya.

“Ah… si Benjo po…. Yung ano… yung kaklase ko nung elementary nagkita kami, kaya nanghiram muna ako ng pera sa kanya. Sabi ko babayaran ko siya pagnaka luwag luwag nako.” Pag sisinungaling ko.

You Are The Reason Où les histoires vivent. Découvrez maintenant