C-10

27 1 0
                                    

Worth POV

I was seriously staring at this girl, ewan ko sa sarili ko kung bakit pumayag ako sa pakikiusap niya. I mean... I'm not like this, dati pag ninanakawan ako ay walang awa ko silang ipinanakulong ng hindi man lang naririnig ang rason nila.

But this time... it's different, nagulat nga lang din ako sa nagging desisyon ko.

One thing that i've noticed about this girl is, she’s kinnda different. I mean hindi siya yung tipo ng babaeng may arte sa katawan, nung nakita ko sa mall ang pagmumukha niya ay hindi na naalis sa isip ko ang imahe niya. She has a stubborn personality, and kinda weird.

Hindi siya yung tipo ng babaeng bitchy, ang unang napansin ko sa kanya ay ang klase ng pananamit niya.  Walang ka sense of fashion sa katawan, over size ang damit, nakalegging , nakalugay ang buhok na parang hindi na susuklay ng ilang linggo. And hindi ito ang tipo kong babae.

Ang mga tipo kong babae ay katulad ni Althea, marunong mag ayos ng sarili, may sense of fashion. At mukhang presentable, gusto ko din ang medyo bitchy ang attitude, at hindi ako bumabase sa kulay ng balat. Dahil kung nasasayo ang katangian na hinahanap ko, magugustuhan at magugustuhan kita.

Unlike her, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Physical appearance pa lang bagsak na siya, no curves, not presentable, walang sense of fashion, eh halos lahat ng katangiang hinahanap ko wala sa kanya. And I don’t like her face, its annoying. Malalim ang eyebag, nangingitim pa, chubby cheeks. Kung may isang parte man ng mukha niya ang nagugustuhan ko, yun ay ang mga mata niya.

Nakaupo lang ako sa foam na nakatupi sa sahig nila. Umuwi na ang mga kasamahan namin, at ako? Andito parin ako sa bahay nila ni Belle. Ipinagpaalam ko siya sa nanay niya para mag trabaho sakin, at mabuti naman at pumayag, at ngayon ay sinisermunan siya ng nanay niya habang nag iimpake ng mga damit niya. I can still clearly remember the day , when I first saw her.

Flash back.

Andito kami ni Claire sa mall, para samahan siyang bumuli ng alahas niya para sa dinner party ng pamilya niya.

Claire is just my fling, at isa pa I don’t have any  serious relationship. At may nililigawan akong taga squatter, hindi ko alam kung anong sumpa ang isinaboy sakin at niligawan ko si Althea.

Napa iling -iling na lang ako dahil sa naisip ko, lumakad kami papunta sa isang jewelry shop, at napansin ko ang isang babaeng naka oversize na t-shirt at naka baseball cap. Kanina pa siya nag mamasid masid sa jewelry shop. Na parang may inaabangan, hindi ko ipinahalata na nakatingin ako sa kanya.

Naputol lang ang pag mamasid ko sa babae ng magsalita si Claire.

“Babe! Dun tayo! Ipapakita ko sayo ang necklace na nagustuhan ko, yun ang bilhin mo ah!.” excited na sabi ni Claire sakin.

At nung pasimple kong inilinga-linga sa paligid ang paningin ko ay nahuli ko siyang nakatingin kay Claire. And now ive got an idea, mukhang may binabalak ang babaeng yun basis a mga ikinikilos niya.

Inilabas ko ang wallet ko at sinadyang lakasan ang boses ko.

“Okay, just wait a minute ill just check if my money is still enough to buy your necklace.” Walang emosyong sabi ko kay Claire nung naramdaman ko na medyo dumungaw siya sa pinagtataguan niya.

Now eat the bait.

Sinadya kong bilangin ang pera ko sa publiko para maglaway ang mata niya.

“My, money is not eough, just wait here and ill withdraw.” I said coldly.

Tumalikod na ako kay Claire at nag simula ng maglakad papuntang ATM machine, alam ko nasusundan niya talaga ako. Ilang beses na akong nanakawan , kaya alam na alam ko na ang mga galawan ng mga kalahi niya.

Nag withdraw ako ng twentyfive thousand at isinilid iyon sa gilid ng jacket ko, sinamantala ko ang pagkakataong nakatuon ang atensyon niya sa mga stuff toys. Yung wallet ko naman ay sinadya kong ilagay sa likuran ng pantalon ko. Nung masiguro ko na okay na ang lahat ay naglakad na ako na parang wala lang. At medyo nagulat pa ako ng bumagsak ako sa sahig dahil binangga niya ako.

“What the---” I hissed at her. But she didn’t turn around.

“Sorry po sir, di ko po sinasadya.” Sabi niya habang nakatalikod at umalis.

Napangisi ako dahil kinagat niya ang pain ko.

Pagkaalis niya ay, pumunta agada ko sa Monitoring room at pinakiusapan na kukunin ang footage ng time na ninakawan ako for evidence.

Napangisi ako ng makita ko na dumeritso siya sa parking lot. Dali-dali akong lumabas ng mall at maingat na pumunta sa parking lot. Luminga-linga ako sa paligid dahil hindi ko siya makita, lumuhod ako sa semento and, there shes is.

Maingat akong naglakad papunta san aka park na honda civic at mercedez benz. Napangsi ako habang nakatingin sa kanya, dahil parang tangang yinuyog yog niya ang wallet ko na walang laman.

Kaya bago pa man siya makalingon ay nag salita ako.

“Ito ba ang hinahanap mo?” kunwari seryosong tanong ko sa kanya.

Gusto kong matawa sa reaksyon niya dahil agad na bumalatay ang gulat sa mukha niya.

‘Gotcha!’

Itinayo ko siya at hinawakan ang manggas ng damit niya at hinila siya papalapit sa sport car ko.

“Mukhang minamalas ka sa araw na to.” Nakangising ani ko sa kanya.

“Aray! Ano ba!? Bitawan mo nga ako!” pag proportesta niya pero hinayaan ko lang siya.

Huminto na kami sa passenger side ng kotse ko at pabatong binitawan ko siya.

“Get in!” pagalit na utos ko sa kanya.

“Ano!? papasakayin moko sa loob ng sasakyan mo? Tapos gagawin mo akong taga init ng kama mo? Tapos pagnagsawa kana sa katawan ko ay tatadtarin mo ang katawan ko? Tapos isisilid mo sa sako at itatapon sa ilog pasig ganon ba!? Naku ayoko nga! Marami pa akong pangarap para sa pamilya ko, bata pa po ako.” Sunod sunod na sabi niya.

‘Damn this girl! Masyadong advance mag isip, sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi niya.’

Inis ko siyang tinignan at malalaki ang hakbang ko papunta sa kanya. Akmang hahawakan ko na ang ulo niya para pasakayin siya ng bigla niya akong sinipa sa private part ko.

‘Oh fudge! Pesteng babaeng to! Malas to sa buhay ko! Pag ako nabaog patay ka sakin! Letse! Ang sakit ng mga bola ko! Parang yinanig ang buong Sistema ko.’
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapamura.

“F*ck! What the hell is your problem woman!? Mahirap kausapin ang taong masyadong advance mag isip! Tangina! Parang nabasag yung ano ko!” halos maluha ako dahil sa sakit.

E ang lakas lakas pa naman ng pagkakatuhod niya.

Nginisihan niya ako benelatan.

“Buti nga sayo, gago ka! Pakyu ka! Ulol!” mura niya sakin at akmang tatakbo na siya pero nagtaka ako ng bumalik din siya agad sa harap ko.

‘Ulol ka rin!’ sigaw ko sa isip ko halos ayaw ko ng mag salita dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay pag nag salita pa ako.

Hindi ko iniexpect ang susunod niyang ginawa. Binasag niya ang bintana ng kotse ko dahilan para mas sumama lalo ang timpla ng mukha ko.

‘That’s expensive for fudge sake!’ sigaw ko sa isip ko.

Tinignan niya ako ng nangaasar, pero tinignan ko lang siya ng masama habang sapo sapo parin ang gitang parte ng katawan ko na tinuhod niya.

“Hehe.. para yun sap ag huli sakin! At ito…” lumapit siya sakin at kinapkapan ako.At kinuha ang wallet ko na totoo. “Akin na to, bunos ko na lang to, sa totoo lang di ko gustong nakawan ka pero pasensya na. Basta mag nanakaw, magnanakaw talaga. Slamat dito ah! pai! Pai!” nang aasar na paalam niya at pumara ng tricycle at sumakay. Sinundan ko ng tingin ang tricycle na sinasakyan niya.

‘Maaring natakasan mo ako ngayon, pero pagnagkita tayo ulit, sisiguraduhin ko na magsisisi ka. Youll pay for this.’

Sabi ko sa sarili ko at pinilit na tumayo at naglakad sa drivers seat at nag drive pauwi.

ITUTULOY…

You Are The Reason Where stories live. Discover now